Chapter 10

49 5 28
                                    


Aira's POV

Nakikita ko si Kuya Richard na umaalis sakay-sakay sa motor niya... Habang papalayo siya ay hindi ko namang mapigilang mapa-isip... Gosh.. Bakit ganoon? Totoo ba talaga yun? Bakit ba kailangan pang mangyari yun? Kung noon ay Hindi ako Naniniwala sa ganyan... Pero ngayon? Di ko aakalaing unti-unti na palang nagkakatotoo ang aking mga nalamam ko... Pero Bakit? Bakit yung Ate ko pa talaga? Bakit siya pa? Nakatulala lang ako ngayon sa kawalan... Hindi ako makapaniwalang nangyayari na nga ito... Parang Gusto ko na lamang mapaluha... Ayoko... Ayoko...

Di ko namamalayan na tinatawag na pala ako ni Ate Iris... Gosh nasasalita siya ng di ko lang naman siya pinapansin... Hays...

Aira! Aira! Pumasok ka na! Bakit ka pa andiyan sa lab-.... di ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil kusa na mismong hinila ako ng sarili ko na yakapin siya...

Aira... A-anong nangyayari sa iyo? Ayos ka lang ba? naguguluhan at nag-aalala niyang tanong sa akin... Pero di pa rin ako sumagot...

Uy... Aira anong nangyayari sa iyo? Sunagot ka! Naku huwag mo akong gagalitin! sagot niya na may halong inis sa kanyang boses...

Sorry po... Sige po...tuloy na po tayo... Ibibigay ko na lang po sa inyo ang bag niyo sa loob...

Agad na akong na-unang pumasok habang naiwan naman sa labas si Ate Iris na takang-taka sa mga kinikilos ko... Gusto kong ipaalam sa kanya... Pero di ko alam kung paano...

Pagpasok ko sa loob ay kinuha ko na ang bag niya at paglingon ko ay andoon na siya sa likuran ko at nakapamewang pa...susko... naalala ko nanaman yung elementary teacher ko sa kanya! Pero oo nga noh... Ang ganda pala ni ate... Ngayon ko lang ata naapreciate...

I-ito na po ate... Yung bag po ninyo... agad niya itong kinuha sa akin...

Ano ba ang nangyayari sa iyo ha? Bakit ka ba nagkakaganyan? Sige na sabihin mo na...

A-ah ate... M-magpahinga na po muna kayo... Matutulog na rin naman po ako ngayon... Sige po... Mauna na po muna ako...

at agad na akong tumakbo paakyat ng hagdan....

Aira! Kinaka-usap pa kita! Bumalik ka rito!

Di ko na siya nilingon pa dahil nakapasok na ako sa kuwarto ko... Ilang sandali pa na handa na akong matulog ay biglang bumukas ang pinto... Agad na bumungad sa akin si Ate Iris na kasama pa ngayon si Aria... Naku...baka napagalitan na rin ata toh dahil sa bag na yun!

Aira... I want to know why you are acting that strange... Ano bang problema?

W-Wala lang po yun ate... Promise po... Wala lang po talaga yun...

Kung ganoon... Hindi ka naman basta-bastang yayakap sa akin kung wala kang problema... Hindi ba?

Suningit na rin si Aria sa usapan...

A-ah ate... N-naglalambing lang naman si Aira sa inyo eh... di ba Aira?

Tiningnan ko lang siya at nagpasalamat gamit ang mga nangungusap kong mga mata...

A-ah oo nga po ate... Wala lang po talaga yun...

O-oh sige..na sabi mo eh... Di na rin kita pipilitin kong ayaw mong sabihin... Basta...sabihin mo lang sa akin kung gusto mo ng sabihin huh? I am just here...

Tsaka na siyang ngumiti bago umalis ng kuwarto ko...

Gosh Aira! Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit parang nawala yang pagkakwela mo? Anyare ba ha?

Aria... sabay hawak ko sa mga kamay niya...

Bakit Ira? Anong nanyayari?

Aria... Di ko aakalaing si ate pa pala... Siya pa pala...

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon