Chapter 11

43 5 57
                                    


Iris' POV

Kaaalis lang ngayon ni Irene kasama si Edison. At Nandito naman ako ngayon nakatayo lang habang hinihimas-himas yung ulo ko... Biglaan kasi... Biglaan yung pagsakit ng ulo ko kanina... Oo doktor ako... Pero Bakit Parang kakaiba tong nararamdaman ko? Bakit parang ang weird ata masiyado? Gosh... May taning na ba yung buhay ko? No... Huwag muna ngayon... Inaasahan pa ako ng mga kapatid ko... At di ko pa nakikita si Mr. Right! I'm not ready to die yet! Gusto ko panpg mabuhay for my siblings' sake! Agad ko ng minulat yung mga mata at Nakita kong papalapit na sa akin si Cyryl na kasama na ngayon si Aria... Agad naman nila akong inalalayan...

A-ayos lang ako... S-sige na... Pahinga lang ang katapat nito... sabi ko sa kanila habang pinilit na ngumiti...

Ate...you Are not okay....Okay? Naku kung Makikita mo lang talaga yang Mukha mo... Kahit ipapinta mo pa Yan kay Fernando Amorsolo... Di niya mapipinta yan! sabi ni Aria na Mukhang Hindi Naniniwala sa sinabi ko... Sa bagay... Sino ba naman ang maniniwala sa hitsura ko ngayon?

Fine... Hindi ako okay... Pero Maniwala kayo... Pahinga lang ang kailangan ko... sabi ko naman sa kanila dahil gustong-gusto ko na Talagang mahiga at matulog... Maglalaro Kaya ako ng hima-himatayan? Ay Huwag na nga... Mapagkakamalan pa akong buntis ng mga ito..hays...

Naku Ate... Alam mo ba? Para kang labanderang Lasing na puyat na nilunod sa balde... Tingnan niyo yung buhok niyo... Nakamessy bun na magulo... Tas ang lalim na po ng mga mata niyo... Para kayong tumanda ng 20 years diyan sa Mukha niyo... Tsaka pinapawisan po kayo...di naman masiyadong mainit dito ah... sabi ni Aria Sabay tawa... Hays... Ewan ko ba dito sa Batang ito... Ang Lakas umasar!

Tiningnan ko lang siya ng masama Kaya napatikom siya ng bibig niya...

Pero seryoso ate... Ano na ba ang nangyayari sa iyo? Alam niyo po ba... Kadalasan sa mga napapanood kong mga teleserye... nagkakaganyan sila tas malalaman na lang nilang may malala na pala silang sakit... Tas seven feet below na ground na sila... T-teka... Ate may taning na po ba yung buhay niyo?! Dire-diretsong tanong ni Cyryl... Napatingin na lang ako sa kawalan... Ewan... Siguro nga... Di ko alam...

Uy! Ano ka ba Cyryl! Rinig kong pagsuway sa kanya ni Aria...

S-sorry po... paghihingi niya ng tawad sa akin...

Sige... Pangarapin mo... Bakit? Gusto mo ba? Tanong ko sa kanya... Pero deep inside? Nag-aalala na ako sa kalusugan ko... Paano nga kung totoo yung sinabi ni Cyryl? Ano na lang ang gagawin ko?

Ala si ate.. Bakit po ba? Ready na po ba kayo? Dadagdag pa talaga itong si Aria eh!

Eh ako nga ang Nagtatanong eh... Bakit? Handa na ba kayo? Gusto niyo na ba ha?! Tanong ko sa kanila...

Aria's POV

For your information... Pinagtitripan lang talaga namin ni Cyryl si Ate... But why is She taking this seriously? Hays...

Ate Ano po ba kayo? Wala lang talaga yun n-.... di na ako nakatapos sa dapat kong Sabihin dahil Tumakbo na siya papuntang cr... Nagtaka naman kami ni Cyryl... Kaya out of curiosity...sinundan siya namin... At ng nakarating kami... Ayun... Nagsusuka...

Hala Ate! Ayos lang po ba kayo? sabi ko sa kanya Sabay himas ng likod niya...

M-magpapahinga lang ako... Kayo kasi... Kanina niyo pa ako kinukulit...

At dahil dun ay nagkatinginan na lang kami ni Cyryl at inalalayan na lang siya papunta sa kuwarto niya... Pagdating dun ay tinulungan na rin namin siya sa kanyang paghiga...

A-ate, magpacheck-up ka na kaya... Di mo ba talaga alam kung Ano yung madiagnose mo? seryosong tanong ko...

Oh...akala ko ba Eh Gusto niyo na akong mawala.... may halong pagtatampo na sabi niya...

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon