Chapter 3 : Hilda Vereon

2K 60 3
                                    

Chapter 3: Hilda Vereon





"Amara!"





Mariin akong napapikit at bumagsak sa lapag. Hindi pa rin nawawala ang panghihina ko at panlalamig sa katawan ko. I can still smell the smoke... I can still feel it inside me.





Naramdaman ko ang paghawak ni Danayah sa braso ko at tiningnan ako sa mukha. "Oh gosh! Hindi kita napansin na pumasok! I thought you left! Buti na lang nakita namin si Ryzien lumabas."





"Where is he?" Tanong ko, sinusubukan na huwag ipakita sa kanyang nahihirapan ako.





"The teacher I was talking to brought him to the infirmary."





Sinubukan kong tumayo ngunit natumba lang din ako kaya lalong napasinghap si Danayah. Napahawak ako sa dibdib ko dahil para akong sinasaksak sa dibdib kanina pa.




"What happened?" Danayah asked, worrying. "Did he... Oh, no! I must bring you to the infirmary!"





"I'm fine." Pinipilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya. Pakiramdam ko lahat ng ugat ko ay kumikirot.





Tinulungan ako ni Danayah na tumayo. Inalalayan niya akong maglakad nang dahan-dahan.





"I should bring you to the infirmary, Amara. His magic is still inside you. I can feel it."





Wala na akong nagawa kundi hayaan si Danayah na dalhin ako sa infirmary. I cannot stand on my own. Nangangatog ang tuhod ko at naninikip ang dibdib ko.





The students who are passing by were glancing at us, wondering what happened. Punong puno rin ng matinding pag-aalala ang kasama ko sa hindi ko alam na dahilan. Maaari pa rin ba akong mapatay nito kahit na tumigil na ang usok?





"Leiah! Help me!"





Agad na lumingon ang babaeng nakatalikod at naglalakad sa hindi kalayuan. Kumunot ang noo niya nang makita niya ako na hawak hawak ni Danayah sa bewang at naka-akbay ako sa kanya.





Lumapit si Leiah samin at hindi na nagdalawang isip kunin ang kabila kong kamay at inakbay ako sa kanya. Hinawakan din niya ako sa bewang para suportahan.





"What happened?" she asked. "You look like someone who is om the verge of death. You are pale."





"It's Ryzien," Danayah answered, referring to the guy who was in the training room. "He was training and I didn't notice that Amara entered. When I came inside, she's already in pain."





"That guy." Umiling-iling si Leiah at bumuntong hininga. "Hold on. We are almost there, Amara."





Napalunok ako at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sakit. What did he do to me? It is just a smoke, but it's so painful.





Nataranta ang nurse nang makita ang kalagayan ko na mukhang alam na niya kung bakit. Hindi na ako nagtakha dahil nakita ko ring nakahiga ang isang lalaki sa dulong kama, hindi pa rin tapos na gamutin ang mga sugat at pasa niya dahil sa dami nito.





"Put her here." The nurse fixed the other bed. Hiniga nila akong dalawa habang hinahanda na ng nurse ang mga gagamitin niya sakin. Shit. This is embarrassing.





"Please, help her! It's now flowing through her veins! She could die! I don't want her to die!" Danayah begged the nurse. She doesn't want me to die? We are not even close. Why is she worrying for me?





Celestial AcademyWhere stories live. Discover now