Isla Alpas
Nagising ako sa haplos ni Lennox saaking noo. "Elisse okay ka lang? Tara breakfast tayo wala pang laman 'yang tiyan mo"
"Sama talaga ng pakiramdam ko kayo nalang"
"Haynako Elisse pagagalitan ako ni tita kapag hindi ka kumain, masama pa pakiramdam mo. Papaakyat ko nalang pagkain mo"
Nawala ako sa wisyo ng pag iisip ng mag bukas ang pintuan, ang bilis naman kumain ni Lennox? Lumingon ako at nakita ang lalaking naka talikod .
"I'm sorry. Nakaka-istorbo ba ako?" Sarado niya sa pinto.
Agad akong tumalikod at nag talukbong ng kumot ng makita ang pag mumukha ni Lucas, hindi ko alam bakit ang init ng dugo ko dito sa lalaking 'to nakaka inis!
"Uhm hindi ka kasi kumain ng dinner hindi ka din kumain ng breakfast... so dinalhan nalang kita, ayos ka lang ba?" Tanong niya.
Naramdaman kong nasa gilid ko na siya kaya hindi ko pa din siya kinikibo
"Audrey"
"Labas ka na, mamaya na ko kakain. Thank you." sagot ko.
"Hindi pwede kumain ka na" pilit niya at humawak sa braso ko.
Hinila niya ang kumot na naka talukbong saakin at nahuli ang mukha ko.. huling kong natanto na wala man lang akong toothbrush o suklay! Ang panget ko nakakahiya!
Pero bakit pala ako mahihiya eh si Lucas lang naman yan.
Tour guide lang.
"Mainit ka, okay ka lang ba?" Kinapa niya ang noo ko, mabilis ko namang tinapik iyon.
"Lucas I said get out!"
"No I'll call someone para mag dala ng pang punas mo. At wag ka na makulit!" Nag tigas bagang siya at hindi nalang ako nakapag salita dahil sa takot.
Inabot niya sakin ang soup at siya namang pumunta sa table para maabot ang telepono. Mabilis niyang tinipa ang mga numero at agad itong nag salita.
He looked at me at tumango... damn ang pogi niya pala lalo na kapag seryoso. Hmm.
Kinuha niya ang bowl sa kamay ko."Mainit pa ba?"
Dahan dahan niyang inihipan at sinubuaan ako ng soup. Naangat ko ang aking mata sakanya. Seryoso niyang iniihipan ang soup. Damn. How can he be so pogi? Habang umiihip lang ng sabaw?
What the heck? Kanina lang ay naiinis ako sakanya. Okay think straight, Elisse.
Natigil ako sa pag iisip siya namang natigil sa pag subo saakin ng sabaw ng may kumatok pinto. Iyon na siguro ang naghatid ng pinadala niya.
"Sir, Lucas eto na po yung pinaakyat niyo" ani ng babae sakanya.
Napa kunot noo ako sa sinabi ng babae "sir"? What is he? No. Let me rephrase that who is He?
"Okay na thank you ako na bahala" saad niya at isinara ang pinto.
"Bakit sir Lucas ang tawag sayo?" Mariin kong tanong.
Matamaan niya akong nilingon. He even hesitated if he's gonna answer me.
"My dad owns the hotel" aniya at tinignan ang reaksyon ko.