Crush
Natapos akong mag bihis ng isang bandeau tie back beach romper. Gaya nga ng sabi niya nag libot libot muna kami sa labas ng hotel. Tahimik kaming naglalakad, hindi ko siya pinapansin dahil baka mag talo nanaman kami. Ayoko rin sanang kumain ng dinner kasama siya dahil nanghihina ako. Parang natatakot ako. Gustong kumalabog ng puso ko kapag andiyan siya lagi.
Nakapamulsa siyang naglalakad habang nasa likod lang niya ako nakasunod. Ayokong sumabay sakanya dahil makikita nanaman niya ang suot kong pinag awayan pa namin kanina. Gusto kong kiligin at the same time naiinis ako kasi lahat ng dala kong damit ay halos kita ang dibdib okaya naman ay backless.
Pinapanood ko siyang maglakad. Ang laki ng braso niya na nag fflex tuwing nag kakabit balikat siya. Kung pwede lang isuot sakanya ang hawak niyang itim na jacket para hindi siya pag pyestahan ng mga babang kung makatitig.
But then I can't...
Nilingon niya ako. Agad naman akong yumuko.
"Nilalamig ka na?" malambing niyang tanong.
"Nope kaya ko pa naman" sinungaling ko.
Lolokohin ko ang sarili ko kapag sinabi kong hindi ko siya gusto. Dahil totoong gustong gusto ko na siya.
"Stay beside me," hinila niya ang braso ko at inilagay ako sa tabi niya.
Naka akbay siya saakin ngunit hindi lumilingon. "Uh...sorry..." I started.
lumingon siya saakin "For?" he asked. Still in a malambing voice
"For ruining your mood?" Sabay iwas 'ko ng tingin sakanya dahil tuwing tumitingin ako sakanya ay para akong napapaso.
Lumingon ako sakanya dahil naagaw ako ng atensyon niyang kanina pa naka tutok saakin.
I don't wanna assume pero may nararamdaman ako, hindi ako manhid.
Hindi tumagal ay bumalik na kami sa rooftop. Saktong 6pm ay nasa taas na kami para mag dinner. Thoughts are playing in my mind, katulad nalang kapag tumawag si Archie should I tell him about my feelings towards Lucas already?
He placed different foods on my plate at napakaraming kanin, ano ba plano mo Monty?
"Hey that's too much..." saad ko
Inikutan ko ng mata ang paulit ulit niyang sinasabi, "You have to eat,"
Okay fine.
"Asan si Lauren?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
He's back at it again with those eyes, piercing eyes. May mali ba akong nasabi?
Bumaling siya muli sa kinakain niya. "What?" tanong ko.
He sighed. "Lauren? Lauren nanaman."
I laughed at what he just said! Nagseselos ba siya sa kapatid niya? kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng aking plato at binuksan ang camera. He's to serious at ayaw lumingon saakin dahil sa tinanong 'ko.
1...2...3... napicturean 'ko siyang seryoso ang tingin sakanyang plato. Pagkatapos ay mabilis siyang lumingon sakin.
"Delete that. I don't want it." seryoso niyang sabi habang tinitignan ako ng seryoso.
I flashed a smile at him. Kinagat niya ang labi niya na parang pinipigilang ngumiti.
"I don't look good in that picture," saad niya.
"Oh shut up! you always look good!" kaya napakaraming babae ang naghahabol saiyo eh,
He sighed in defeat "Napaka tigas talaga ng ulo mo no? You really won't listen to me. Antayin mo at matatali ka rin saakin" the last words we're like a whisper, ni hindi ko rin narinig!