Kabanata 24

6 0 0
                                    

Break

Nahihiya ako kay Candace dahil araw niya ngayon pero feeling ko ay nasasapawan ko iyon sa nangyayari ngayon. Hiyang hiya akong tinanggap ang pregnancy test na inabot niya. Ang feeling na dapat ay nagsasaya kami ngayon ay napalitan ng kaba para saakin. I hate it.

Lima ang pregnancy test na inabot saakin ni Lennox. Nanginginig pa ang kanyang kamay habang inaabot iyon saakin.

"Baby, no matter what the result is we're going to support it, alright?" Si Lennox na halos mamutla na.

Pumasok ako sa loob ng CR para tignan kung ano ang kalalabasan ng mga iyon. Alam ko rin naming OA ang mga to pero ay hindi ko rin alam kung ano ang irereact ko nang makita na sobrang putla ng mukha ko.

I waited for the results. We've been so active in making love with each other. Kinakabahan ako dahil posibleng mag positive ang mga ito. What will I do if that happens? Sasabihin ko ba sakanya? Will he support this? but I can do it alone. Kaya kong ako lang, walang siya.

Nabagabal ang utak ko sa mga pupwedeng mangyari.

"Elisse? Kamusta?" boses ni Heather.

Nag dalawang linya ang tatlo habang ang dalawang test ay unti unting nag dadalawa.

Mariin kong pinikit ang mata ko. What have I done? I open the door forcedly at hinayaang bumagsak ang katawan sa yakap nila. Agad na pumasok si Lennox sa loob ng banyo para hanapin ang mga tests. I heard his loud sigh at ibinato iyon.

"Tanginang Montogomery yan. Gago siya subukan niya magpakita ngayon babasagin ko ang mukha niya."

There's nothing I can do anymore. Walang pumapasok na kahit ano sa utak ko ngayon. Tila bang parang hangin lang ang laman nito. Without feeling my tears falling ay ikinagulat ko nalang na natulo na iyon.

"I don't want to tell him about this," saad ko.

Tahimik ang paligid at alam kong nagtitinginan na sila, kahit mali ay iyon ang gusto ko.

"Sa tingin mo ba hinid malalaman ni Lucas yan? I'll give you a day or two he'll find that out with no sweat," si Heather.

Alam ko iyon. But I'll try my best for him not to meddle with my life anymore. Sawang sawa na ako na marinig ang pangalan niyang palaging naka dikit sa pangalan ng mga Rogers. It has always been the same kahit noong bata pa ang puso kong iniibig siya.

Sure akong ibibigay ko sakanya ang matagal nang na delayed na engagement nila.

"Sorry, nasira ko ang gabi nating lahat."

Ace hugged me tighter. "Ako na mag sschedule ng check up mo, if you really don't want him to know. I'll put it under my name."

Tumango ako at niyakap sila.

"Can we just celebrate? Ayoko na madrama tayo. But please let's just keep this secret between us all."

Tumango sila at bumalik sa normal kahit alam kong tinatansya parin nila ako.

We watched movies, nagkwentuhan, kumain, at kung ano ano. Lennox helped me habang hinuhugasan ko ang mga pinagkainan naming. The two girls were cleaning the guest rooms at si Martin naman ay nililinis ang sala. They don't want me to move pero ay ayokong may special treatment.

"Will you tell tita about it? For sure they'll get furious if malaman nilang ayaw mo malaman ng ama niyang dinadala mo na may anak siya." Si Lennox.

Pasagot palang ako ay biglang may kumatok sa pintuan ng unit. Nag titigan kami ni Lennox.

"Nag padeliver pa ba kayo?" I asked.

Umiling si Lennox at humamba sa pintuan. The bitch did not hesitate to open the door. Ni hindi man lang sinilip kung sino iyon.

Back to You (Montgomery 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon