PROLOGO

124 10 25
                                    

MGA BABALANG DALA NG IHIP NG HANGIN

350 YEARS AGO | VULCAN ERA

Nakangiti ang dalaga. Sa kanyang harapan, isang kandila ang naga-apoy. Nakapatong ito sa ibabaw ng isang minatamis na tinapay. Pinalilibutan siya ng kanyang pinakamalalapit na mga kaibigan, kasama ang kanyang pamilya.

Masaya siya. Ngayon, ganap na siyang isang dalaga.

Ang kailangan niya lang gawin ay hipan ang kandila.

Hindi niya alam, sa oras na gawin niya iyon, tuluyang magbabago ang buhay niya.

Huminga siya nang malalim. Ngumiti. Ipinikit ang kanyang bilugang mga mata.

"Hipan mo na ang kandila." Sabi sa kanya ng kanyang ama.

At tulad nag sabi nila, iyon ang kanyang ginawa. Bumuga siya nang hangin. Namatay ang apoy ng kandila.

Sa pagkapatay ng kandila, biglaang umihip ang malakas na hangin. Bumukas ang bintana. Ang mga pintuan. Mayroong mga nabasag. Mga mamahaling mga paso, mamahaling mga plato. Mas lalo pang lumakas ang bugso nang hangin. Sa paglipas ng bawat segundo, mas lalo itong naging bayolente.

Nagsimulang magsigawan ang mga bisita.

Idinilat ng dalaga ang kanyang mga mata.

Doon, lumantad ang kanyang tunay na katauhan. And dating maganda at matingkad niyang kulay asul na mga mata ay nangitim. Nangitim at nawala ang kanyang biluga at alikmata, na tila ba ang kabuuan nito ay tinakluban ng maitim na kurtina.

Kinabuksan, siya ay dinala sa palasyo, sa harap ng hari at ng reyna, sa may sentro, kung saan siya ay kanilang pinugutan ng ulo.

Siya ang una, ngunit hindi siya ang huli.

A Blood so Dark (Cursed #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon