3.

87 10 52
                                    

CHAPTER THREE
ANG PAGBABALIK NG NAKARAAN

Dancing and merriment should have marked the evening as one to remember. Instead, the sounds of men dying and screaming burrowed into my ears. I sat there still aghast, ignoring his open arms, as things were starting to dawn upon me.

Nothing would ever be the same again. Sigaw ng aking isip. Sa sandaling iyon, alam kong nagbago na ang buhay ko.

Kasabay nang pagbabalik ng lalaking inakala kong patay na, ay ang pag-guho ng lahat ng pangako. Ang dating buhay na ipinangako sa akin ay nilamon na ng apoy, ngayon ay isa na lamang itong abo. Isang ala-ala.

'Ano pang ginagawa mo?' mayroong kaunting anghang ang bobes niya,'Kunin mo na ang kamay ko.Kailangan nating umalis rito bago pa may makasunod sa atin.'

Sa pagkakataong ito, hindi naghintay ito na kunin ko ang inaalok niyang kamay. Bagkus, pumasok ito sa loob ng kulungan at tinulungan ako.

'Puta! Naka-kadena siya." walang pakundanagan nito saad.'Hanapin niyo sa mga 'yan ang susi.'

Hindi ko alam kung bakit naging bayolente ang kanyang pananalita. Hindi ito ang pagkaka-alala ko sa kanya. He used to be gentle.

What happened to him?

'Ayos ka lang ba?' dinig kong tanong niya.

Gayunpaman, hindi ko nagawang tumugon.

Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi. Sa paglapat ng kanyang palad sa aking basang mag pisngi, naramdaman ko ang kagaspangan nito. He felt so...diferrent. I remember the touch of that hand. Once it was smooth, and light.

Nakatulala lang ako, hinahayaan siya. Naglalakbay ang diwa sa mga ala-ala ng isnag buhay na ngayon ay hindi ko na pagma may-ari.

'Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na.'

He pulled me in an embrace. Dumantay ang aking baba sa baba ng kanyang balikat. He smelled like pines, of smoke, and blood.

'Heto.' sigaw ng kasama niya.

Pinakawalan niya ako sa kanyang mahigpit na yakap at inabot ang bagay na ibinibigay sa kanya. Isa itong susi. Tinaggal niya ang mga kadenang nasa aking likuran.Nang malayo na ang aking mga kamay, sa kadiliman ay sinipat niya ito.

'Mga gasgas lang. Huwag kang mag-alala, gagmutin natin 'yan mamaya. halika na.'

Hindi ko alam kung papaano ako nakatayo. Napansin ko na lamng na nasa labas na ako ng karwahe. Sa aking pagtapak sa lupa, agad na niyakap ako ng malamig na hangin.

Napasinghap ako sa aking nakita.

Nakasandal ang bangkay ng isa sa mga kawal sa malaking gulong ng karwahe. Dilat ang mga mata nito. Sa kanyang leeg ay mayroong isang malaking hiwa, halos nakita ko na ang loob ng lalamunan nito. Patuloy na umaagos na parang ilog ang maitim na dugo mula rito.

Ito ang unang beses na nakakita ako ng isang patay. Hindi lamang isang patay, kundi isang kawal na hiwa ang leeg. Hindi ko alam na ang dugo pala ay hindi pula, kundi itim. O marahil ay dahil lamang ito sa kadiliman.

Nang mga panahong iyon, hindi ko alam na hindi pala ito ang unang taong pinatay ang makikita ko. Soon, I'd see more. Some, I even killed myself.

'Ayos ka lang.' hindi iyon tanong. He said it like an assurance. You are okay. Muli, hinila ako nito upang yakapin.

'Mamaya na 'yan,' sita sa kanya ng kanyang kasama. Hindi ko makita ang itsura nito.Balot ang kanyang mukha, liban sa kanyang mga mata, ng isang itim na tela. 'Kailangan na nating makaalis dito. Mayroong mga paparating na mga kawal. Masyadong malakas ang pagsabog na ginawa natin.' dagdag nito.

A Blood so Dark (Cursed #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon