1.

171 10 56
                                    

CHAPTER ONE 

 ANG TAWAG NG KAPALARAN

THE GODS HAVE CURSED ME.

Sa pinakamasayang araw sana ng buhay ko, naganap ang pinaka-kinatatakutan. Hindi lamang ng sarili ko, kundi maging ng lahat sa buong Tarin. Sa aking ikalabinwalaong kaarawan, aking naoagtanto na isa pala akong halimaw.

Tanyag at prominante ang angkang aking kinabibilangan. Bilang isang Flynn, ako ay lumaki na mayroong pilak na kutsara sa aking bibig. Sanay ako sa ginto, sa karangyaan, at sa kalabisan. Ipinamukha sa akin ni ama at ina na ang aking dugo ang magiging kasiguraduhan na ang aking kinabukasan ay magiging matiwasay.

Ako ang huling anak ng mga Flynn, ang bunso. Mayroon akong dalawang nakatatandang mga kapatid. Ang aking Kuya Del na kasalukuyang nasa kapital, kung saan siya ay naninilbihan bilang kawal ng bansa, at si Kuya Melbin na nakatatanda lamang sa akin ng isang taon. Siya ay nakatakdang ipakasal sa anak na babae ng mga Del Flor sa susunod na taon.

Sa aking ikalabingwalong kaarawan, inaasahan na ng lahat na ang aking magiging selebrasyon ay kaiingitan ng lahat sa aming bayan. Imbitado ang lahat ng mga prominanteng pamilya, sa loob at labas ng bayan. Mayroon ding mga dadalo na galing pa sa Kapital. Nandiyan ang mga Sudan, ang mga Tolentin, ang mga Servanyos, at ang iba pang mga kilalang mayayamang angkan.

It was a day to behold. The grandest. Just like what I deserved.

Kung alam ko lang kung ano ang nagbabadyang kapahamakan, sana ay hindi na ako pumayag sa malaking selebrasyon.

Umaga pa lang ay nagsimula nang mag-dekorasyon ang mga tagasilbi. Sa harapan ng aming mansyon ay mayroong isang malawak na hardin. Puno ito ng rosas, sampaguita, at ng iba pang makukulay at mababangong bulaklak. Pinuno nila ito ng mga lamesa, nagtayo pa sila ng mga poste at mayroong sinabit na mga bandana. Maging ang lawa ay pinalinis ni ama sa mga tagasilbi. Pumitas sila ng mga sariwang mga bulaklak at inilagay sa mga mamahaling mga marmol na paso. And just acroos the garden stood our infamous abode. Ang aming tirahan, na kung tawagin ay Bella Manor, ay isa sa mga pinaka-malaki sat kabuuan ng Everness. It was one to behold in the small village, where most buildings were of basic wood and bricks that lined the either sides of cobblestone streets. White washed-walls, carved columns, gilden arched-windows and blue domed-roofs, a charicature of a true Martelian home. But today, the grand estate had been transformed into something a little more breath taking--- the humongous columns were adorned with flowers, lanterns had been hanged upon roof edges.  At hindi rin magpapatalo ang loob. The twisted staircases were wiped clean, the bare floors had been covered with patterned-carpets from the East, ribbons of different colors were all over the place--- from the wooden chairs mother had auctioned five months ago from Telderen to the silver chandeliers.

Inihanda na rin ang mga pagkain. Kumuha pa ang aking ama at ina ng tagaluto mula sa kabilang bayan. Isa siya sa mga pinakatanyag na tagaluto sa buong kontinente. Minsan na nitong pinagsilbihan ang mismong palasyo, noong kaarawan ng Haring Hamel.

Everything was fine.

Buong araw akong nakakulong sa aking silid. Nasa tabi ng bintana, pinanonood kung paano tumatakbo ang maghapon, habang hindi magkamayaw ang aking mga tagasilibi sa paghahanda ng aking isusuot at ng aking mga palamuting gagamitin.

Night came, and the lanterns were lit. Instead of flowers, the garden had been planted with lanterns. Making it appear as if the entirety of the place was dancing with the stars. The guests arrived. Dressed in their finest, their jewelries glinting as they caught the moonlight.

Bumukas ang pinto ng aking silid.

"Ytara! Ano't hindi ka pa nakapaga-ayos. Maga-alasdose na, magsisimula na ang iyong kaarawan." matinis na sita sa akin ni ina.

A Blood so Dark (Cursed #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon