CHAPTER FIVE
ANG ESTRANGHERO

ANG MGA TANIKALA ng reyalidad ay tuluyan nang gumapos sa akin.

Isang gabi ang nakalipas, dalawang araw mula nang ako ay dapian ng sumpa. Halos hindi na nga rin ganoon kahalaga na kasabay ng sumpa, ako rin ay ganap ng isang dalaga. A woman. Ready to be wed, ready to be a mistress, ready to bear a child. Kung hindi nangyari ang malagim na trahedyang iyon, ang mga nakaraang oras marahil ay ginugol ko sa pamimili ng mapapangasawa. Sa isang linngo, malamang ay nakapili na si ina ng pamilyang aking pakakasalan. Ang mga susunod na buwan, aking gugulin sa pakikipagligawan. Marahil, bago matapos ang taon, ako ay kinasal na.

But then, that was just a dream now. A facade. A thread that was promised, but will never be mine.

Pinahid ko ang luha sa aking pisngi.

'Kung iiyak ka lang nang iiyak, hihimatayin ka lalo pa at tirik ang araw. Matutuyo ka niyan,' sa aking tabi, sumusunod ang isang lalaking mayroong kulay mais na buhok, asul na mga mata, at kabigha-bighaning ngiti.

Bumuntong hininga ito. Ito ang kauna-unahang salitang kanyang binigkas. Maliban kay Timora, siya pa langa ang aking nakikilala sa mga kasamahan niya.

Nitong umaga, bago kami umalis sa aming pinagpuwestuhan kagabi, nagtalo kami ni Timora. Mali, ako ay nakipagtalo sa kanya. Sandali lamang ang tagpong iyon, ngunit sinabihan ko itong layuan ako. Hindi ko maatim na mapalapit rito, lalo pa't sa mga sinabi nito sa akin kagabi.

Mapusok at delikado, iyan ang katotohanan sa mga plano ni Timora. Ang kaisipan ng rebelyon ay hindi madali para sa akin. Halos hindi ko pa nga maatim ang reyalidad na ako ay isinumpa na, ano pa kaya ang kaisipan na ako ay lalaban sa Korona, sa aking kapatid na si Kuya Del?

Hangal!

Mabuti na lamang at nakinig si Timora at pinagbigyan ang aking hiling. Kaya't heto, hindi si Timora ang aking katabi, kundi ang kanyang kasama.

Napasulyap ako sa malapad na mga balikat ng lalaking nasa unahan namin, lulan ang kanyang malaking puting kabayo. Timora.

May kung anong bagay ang biglaang nagpasikip sa aking dibdib.

Hindi ko ikakaila, mayroong bagay sa aking kaloob-looban ang natutuwa. Ang malaman na siya pala ay buhay pa, na ang unang lalaking nagpatibok sa aking puso ay kasalukuyan kong kasama, ay nagpapangiti sa aking puso. Gayunpaman, kasama ng kanyang pagbabalik, ay ang pagtalikod sa akin ng aking buhay, ng aking pangarap, at ng mga pangako.

Hindi na mangyayari ang mga bagay na sa nakalipas na labingwalong taon ay aking pinaghandaan.

Walang kasal na magaganap.

Walang pamilyang mabubuo.

Wala na si Ytara Flynn.

Muling nanikip ang aking lalamunan na tila ba maiiyak, nagbadyang muli ang mga luha sa aking mata, ngunit sinubukan kong pigilan ang mga ito.

'Hindi naman masama ang umiyak,' muling nagsalita ang lalaki. Sa pagkakataong ito, sinulyapan ko ito. Ilang dipa lamang ang layo namin. Nakangiti ang maaliwalas nitong mukha.

'Bakit mo ako kinakausap?' tanong ko. Batid kong naging bastos ang aking tono, ngunit huli na

Natawa ang lalaki sa tanong at naging asal ko. 'Ayaw mo ba?' mapanuksong tanong nito.

Napakagat labi ako. 'Hindi naman sa ayaw,' pagtanggi ko. 'Hindi...hindi lang kita kilala,' pag-amin ko.

'Kung gayon, magpapakilala ako sa'yo. Ako si Martel,' pagpapakilala nito. 'At ikaw, ikaw naman si Ytara. O hayan, magkakilala na tayo,' masigla nitong sabi.

A Blood so Dark (Cursed #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon