CHAPTER SIX

THE DOVE

 
NIGHT HAD FALLEN. 

Nasa kakahuyan pa rin kaming tatlo. Hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng Tarin. Ang alam ko lang, malayo na ito sa Everness. Malamig ang panahon. Gustuhin ko mang humalikipkip upang pawiin ang lamig, hindi maari sapagka't kailangan kong bumalanse sa pagkakasakay kay Mari. Ipinilig ko na lang ang ulo sabay buga nang hangin.

Suot ko pa rin ang damit na ginamit ko noong kaarawan ko limang araw na ang nakalilipas. Gutay-gutay na ito. Ang matingkad na kulay asul na tela ay bahagya nang nakulayan ng dumi. Natuklap na rin ang mga tinahing beads dito. Even my hair had gone greasy and messy. 

Ang mga palamuting dyamante at iba pang aburluloy ko ay itinago ko muna. Life was different for me now. Hindi na ako isang maharlika na hindi mauubusan ng pera. That was the first thing that I realized. Senyora Ytara Flynn. Hindi na ako 'yon. I didn't have access to that life anymore. To that wealth. I need to be smart. Alam kong magagamit ko ang mga ito balang araw. 

Tumingin ako sa kalangitan. The weather was nice, albeit the cold. Makinang ang buwan at maraming mga bituwin ang nakakalat. Malaking tulong ang liwanag na nangagaling dito dahil madilim at medyo matarik ang binabagtas naming daan. At least, we had a little light to guide the way.

Biglang tumigil ang kabayong sinasakyan ni Timora. Lumingon siya sa amin."Siguro ay dito na tayo magpahinga," his heavy breathing formed clouds in the air.  

Sa kanyang pagsasalita, may mga nagliparang mga ibon mula sa mga sanga ng mga puno. Umalingawngaw ang boses niya sa kadiliman ng gabi. 

Tumango ako. Relieved with what he said. Kanina pa ako pagod. Halos buong araw ay naglalakbay kami nang walang pahinga. 

Tumigil na rin si Martel. Nauna siyang bumaba sa kanyang kabayo.

Nagsimula na rin akong bumama. Pero dahil medyo hindi ako katangkaran at malaki ang kabayo, nahirapan akong bumaba. 

Napansin ito ni Martel. "Tulungan na kita, Ytara," he offered. 

Hindi na ako tumanggi. Pride would do me no good.

Inalayayan ako ni Martel na bumaba mula kay Mari, ang aking kabayo. Inilningkis niya ang kanyang malalaks na mga bisig palibot sa'king mga bewang at dahan-dahang binuhat pababa. 

"Salamat," saad ko sa kanya. 

Ngumiti siya. "Maliit na bagay," he said charmingly. 

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. I could not deny the fact that I liked him. Kanina ko lang siya opisyal na nakilala. Pero magaan ang pakiramdam ko sa lalaking ito. He seemed light, and trustworthy. 

He did not intimidate me.

We could be friends, in time. Iyon ang naiisip ko sa kanya. But of course, I didn't tell him that. 

"Ayos lang kayo diyan?" singit ni Timora sa harapan namin. 

Napansin ko ang lalim ng timbre ng boses niya. I almost didn't notice. Ngayon lang. We had been together for five days now, but I didn't really pay him that much attention. Ang naging laman ng aking isipan sa mga nakaraang araw ay ang pamilya ko, ang sumpa, kung paano na magbabago ang buhay ko. 

Napalunok ako. "Ayos lang," sagot ko sa tanong niya. 

He approached us. In the moonlight, I could only make out his big frame. 

Ilang dipa mula sa amin, tumigil siya. "Mabuti. Akina si Mari, itatali ko lang muna sila," sagot niya. 

Hinayaan ko siya. Sandali niyang sinuklay ang buhok ni Mari. "Here girl," rinig kong bulong niya. Nakita ko siyang may kinuha sa kanyang bulsa. Pinakain niya ito sa kabayo. 

"Mabuti. Ako naman ang bahala sa apoy. Magluto na tayo at nang makakain na tayo. Nagugutom na ako," singit ni Martel. 

"Ah, ako na ang bahala sa---" simula ko nang hindi nagi-isip. Pero agad din akong natigil. Gods, what am I to do?

Martel and Timora chuckled. 

Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Mabuti na lang at madilim. Because of my pale skin, every time my cheeks burned, nagmumukhang kamatis ang mukha ko. Mother said it was something I should not be ashamed of. Pero isang beses, nang sa sobrang pagkahiya ay namula ang mukha ko, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko nagustuhan ang nakita ko. 

Nagsalita sa Timora. "Just stay put, dove. Kami na ang bahala dito." 

    Dove

    Mas lalong namula ang mukha ko. Dove. He used to call me that. Iyan ang palayaw niya sa akin noong hindi pa komplikado ang lahat. Noong pareho pa kaming mga bata at hindi pa isinumpa. 

    Memories came. It was one afternoon in April. I was twelve, he was sixteen. Kasama ko ang mga kaibigan ko, nasa sentro kami ng Inverness. A crowd had gathered, a well-known puppeteer was performing. Hindi ko maalala kung ano ang kwento, pero alam kong malungkot ang kuwento sa kanyang naging presentasyon. I was crying like a baby.

Hanggang sa tabi ko, narinig ko ang isang boses. "Here."

Tinignan ko ang nagsalita. May inia-abot siyang isang bagay sa'kin. I blinked. Isa itong panyo.  Hindi siya nakatingin sa akin, ang mga mata niya ay nasa entablado kung saan patuloy ang presentasyon. I remember how my heart stopped beating. Kilala kung sino iyon kahit hindi siya humarap. He was the talk of the town since they got here a year ago. Galing pa ang pamilya ni Timora sa mismong kapital. Nanilbihan ang kanyang ama bilang ikalawang pinuno ng mga kawal ng korona. His father had retired now, and they settled here in Inverness. Hindi ko pa nakakausap ang binata, maliban ngayon. But I knew him, like every other girl in the small village of Inverness. Amongst all the boys here, he was the most beautiful. Stark hair, dark piercing eyes, tall and dashing. Idagdag pa na isa siyang Emeron, isang malaki at ma-impluwensyang pamilya. Every mother had their eyes set on the boy, whoever girl he married would have been the luckiest. 

Hindi ako nakapagsalita kaagad. 

Napansin ko ang pagngiti niya. "Hindi mo ba kukunin?" tanong niya sabay harap sa akin.

I gasped. Hindi pa rin ako makapagsalita.

"Here," ulit niya. Kinuha niya ang kanang kamay ko at ipinatong roon ang panyo. "Gamitin mo 'yan para punasan ang pisngi mo."

Napauwang ang mga labi ko. But still, I couldn't find the right words. I just started at him like the idiot that I was. Maingat kong ini-angat ang panyo sa aking pisngi, at wala sa sariling pinunasan ang luha roon. 

My eyes didn't leave his face. 

I am dazzled by him. 

He looked amused. Napagtanto ko iyan sa pagsilay ng ngito sa kanyang labi, ang pagkinang ng mga mata. 

He talked again. "Alam mo," simula niya habang nakatingin sa mukha ko. "Sobrang puti mo. Madali tuloy mapansin sa tuwing nagi-init ang pisngi mo. Para kang kalapati sa puti."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. 

Nang mapansing wala akong balak sumagot, nagpatuloy siya, "Dove...hmmm... I like that. Magmula na ngayon, I will call you dove."

Doon nagsimula ang pagtangi ko sa binatang si Timora. I was twelve, and he was sixteen, and that was when my heart started beating and the moment I knew how it was to feel alive. 

Ang paglalakbay ng aking isipan ay natigil nang marinig kong tumikhim sa tabi ko si Martel. I blinked, pulling away myself from the sudden reverie. Tinapunan ko nang tingin si Martel. Kahit sa dilim, pansin ko ang pagdirikit ng kanyang mga kilay. Like he was confused. Like he didn't like what he was seeing. 

Iniwas ni Martel ang tingin sa akin. Instead, he glanced at Timora. The two of them shared a look, na para bang nagu-usap sila. Si Timora ang unang sumuko at umiwas nang tingin. Napansin ko ang biglaang pagbabago ng mood ni Timora. 

Hindi ko mapigilang hindi mapaisip. What was that all about?

A Blood so Dark (Cursed #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon