CHAPTER 1✅

27 3 0
                                    

Megan POV

Simple lang ang pamumuhay namin at hindi ko ikinakahiya yun. Mahirap kami oo at tanggap ko yun at hindi ko rin ikinakahiya yun. SHS student (SENIOR HIGH SCHOOL) sa LA ( LOPEZ ACADEMY) magkasama kami ng kaibigan ko sa iisang bahay,pero sa bahay nila sya umuuwi pag minsan. Malayo ang bahay nya sa school kaya kailangan nyang mang-upa ng bahay na malapit kaya parehas kami ng bahay na inuupahan kasi magisa lang ako.

"Oh! Ang aga mo naman ata Megan ahh?"tanong ni Laila sakin, best friend ko. Sya din ang kasama ko sa bahay. Umuwi sya sakanila kagabi kaya mag-isa ako sa bahay.

"Maaga lang talaga akong nagising saka wala naman akong gagawin sa bahay kaya dumiretso na ako dito," nakangiting sabi ko, tumango naman sya at hinawakan ako sa braso.

"Hahha maaga pa naman kaya dun muna tayo sa canteen,"aya nya sakin, tumango naman ako.

Kaunti pa lang ang mga estudyante dito hmmm sobrang aga pa nga naman. 7:30 ang pasok namin pero dahil 5 ako nagising eh dumiretso na ako sa school ng 6:10.

"Mabuti naman at walang masyadong estudyante dito noh? Baka masira pa ang umaga ko-natin pala haha," tsk😑 nababaliw na naman po sya.

"Tumigil ka nga Laila! Baka may makarinig sayo dyan eh lalo pa tayong pag initan nyan," inis kong sabi kay Laila, mahirap kaming dalawa-hindi naman yung mahirap na isang kahig isang tuka, nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at ganun din si Laila, marami lang talaga ang bumubully samin dito dahil nga mahirap kami-eh sino ba naman kasing mag aakala na mahirap kami pero nakapasok kaming dalawa sa private school at hindi lang yun! Mga mayayaman ang mga nandito.

"At ano naman ang iniisip ng best friend ko? Uyy baka mabaliw ka nyan?" inis ko syang tiningnan at ang loka-loka ngumiti lang.

"At sinong baliw? Baka gusto mong masapak?" mataray kong sabi.

"Relax eto naman hindi na mabiro, oh tara na punta na tayo ng room hahha baka pagalitan tayo ni bakla dahil late naman tayo," sumang- ayon naman ako sa sinabi nya. Niligpit ko naman ang mga gamit ko at saka tumayo.

"Oh nandito pa pala ang mga basura ng LA."
"Yaycksss!! I hate the look of their face."
"Duh!I wanna just go to the washroom,"
"Hindi na nadala! Aba matitibay talaga ang mga basura!"

"Hindi ba sila nagsasawang mag-asar satin? Eh bakit parang mas lalo ata silang lumala ng hindi natin sila pinapansin?" biglang sabi ni Laila, tumango naman ako. Mag iisang linggo na kami dito pero hindi pa din nagbabago ang turing nila samin kesyo daw mga basura kami at panget eh ano bang mapapala nila sa panglalait at pang aasar samin, mas lalo ba silang yayaman? Hayy! Akala ko pa naman kapag nasa private ka karerespeto ka pero nagkamali ata ako, 😑mas mabuti pa pala ang mga nasa publi school. May mga barumbado din naman sa public pero hindi gaya dito, porket mayaman sila kailangan na nila kaming lait-laitin ng ganito psh😑napaka mata pobre!

"Kalma lang Megan siguro hanggang ganyan na lang ata sila kaysa naman-Hala!"

*BLAAAAGGG! *

ARAY!! Ang sakit ng pwet ko😭sino bang nagtulak sakin? Tiningnan ko naman kung sino at aba! Si Stacey pala, number one bully in town hindi lang yan bitch, warfreak, slut ahhh! Ano bang problema ng babaeng to!? Akala ko ba titigilan na nya ako?

"Oh! May tao pala dito? Akala ko kasi wala eh, masaya bang umupo sa semento?" tanong nya, nakatingin pa din ako sakanya "Basura! Yan ang dapat sainyo! Bakit kasi hindi kayo lumayas sa school nato? Hindi kayo nababagay dito dinudumihan nyo ang school na to!" tsk😑paulit-ulit lang? Makasigaw lang akala mo naman close kami.

Place In Your Heart Where stories live. Discover now