CHAPTER 2 ✅

7 1 0
                                    

MEGAN POV

"Hayy! Mabuti na lang at first violation pa lang natin kung hindi patay tayo neto,"sabi nya, tsk😑sabi ng tumahimik eh. Hayy sabagay ratratan pala ang bunganga neto.

"Kumusta ang guidance office? Masaya ba?"sabi ni Stacey, grabe ang lakas naman ng radar ng babaeng to pati ba naman dito nasundan kami. Wow! As in wow! Unbelievable!

"Oo napakasaya gusto ko nga ulit pumasok sa loob eh," sabi ni Laila, spell sarcastic.

L-A-I-L-A.

"Hahha narinig nyo yun girls haha,"

"Malamang may tenga sila eh haha maliban na lang kung BINGI SILA! BINGI!"

"Aba! Matindi ka din eh noh? Hahha ganyan ba ang ugali ng mga nasa squatter area?" sabi ni Stacey.

"Hindi!" sigaw ni Laila, hinila ko naman sya palapit sakin at umalis.

"Hindi pa kami tapos! Bastos ka din eh noh? Kinakausap ko pa to (turo nya kay laila) aba! Lakas ng sapi mo noh?mga basura," tiningnan ko lang sya ng blangkong emotion. Saktan nya ko kung kailan nya gusto pero wag lang nyang saktan ang kaibigan ko! Ni hindi ko nga yan madapuan ng kamay ko eh sya kayang kaya nyang saktan.... Hmmm hindi nya man sinaktan ngayon si Laila pero baka sa susunod na buwan ay saktan na nya ang kaibigan ko. Mag iisang linggo pa nga lang kami dito eh nagawa nya akong saktan si Laila pa kaya? Psh😑

"Kung basura ang tingin nyo samin eh ano kayo? Basurera? Kay gandang pangalan para sainyo! Basura na nga kami di'ba? Basura pero bakit dikit ng dikit pa din kayo samin? Ano kayo bangaw?" seryosong sabi ko, natigilan naman si Stacey sa sinabi ko, halata sa itsura nila na nagulat sila sa sinabi ko.

"Anong karapatan mo para tawaging akong bangaw! Porket nakapasok kay-"

"Hindi na importante kung nakapasok kami dito! Bakit? Hindi nyo matanggap na nakapasok agad kami dito? Eh bakit hindi mo tanungin ang head ng school na to ng matauhan ka? Baguhan lang kami dito at datihan kayo, mahirap kami at mayaman kayo pero hindi ibig sabihin nun na kailangan nyo kaming laitin kung kailaln nyo gusto! Sa pagkakaalam ko private to at alam din namin ni Laila na lahat kayo mayayaman dito at iba kami dahil nga BASURA KAMI pero hindi sa lahat ng bagay, oras at panahon ay basura kami dahil tao din kami at estudyante kami dito na ang layunin namin na makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ang pamilya namin, sa panlalait nyo ba samin yumaman ba kayo? Sa pagtawag nyo ba samin ng basura naging successful ba kayo? Dahil kung oo eh di tawagin nyo kaming basura walang problema," seryosong sabi ko sabay hila kay Laila palayo kina Stacey. Hindi sila nakasagot hanggang sa nakalayo kami sa pwesto nila wala kaming narinig.

"Ok ka lang? Hindi ka pa nagsnacks punta muna tayo ng canteen pampalamig haha," sabi ni Laila, kahit papano nabawasan ang kaninang tensyon sa katawan ko. Hmm gutom? Kanina pa! Tsk bwiset na baklang yun,pasalamat sya mabait pako sakanya.

"Makatanong ka sakin eh isa ka din namang hindi pa nagsnack tara soft drinks na lang," yaya ko. Tumango naman sya.

"Grabe hindi na nahiya at dito pa talaga napunta,"
"Oo nga! Baka nga hindi nila mabayaran yung kinakain nila eh,"
"Hayy! Tara girls nawalan ako ng ganang kumain,"
"Ang lakas ng loob kalabanin si Stacey mga basura naman,"

" Ano sainyo,"mataray na sabi ng tindera.

"Dalawang soft drinks saka dalawang sandwich," sabi ni Laila.

"May pambayad ba kayo? Bawal ang utang dito,"sabi nung tindera.

"Ano ka ba naman Sanayda dun ka na nga, ano ulit sainyo? Pagpasensyahan nyo na yun ganun talaga ang ugali ng babaeng yun,"sabi ni aling Dolores, sya ang palaging nagbibigay samin ng snacks kapag break time. Sya lang ang mabait na tindera dito sa LA hayy!

Place In Your Heart Where stories live. Discover now