CHAPTER 9✅

4 1 0
                                    

CHAPTER 9
MEGAN POV

Nagising naman ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, dumiretso ako sa banyo at nagsusuka. Ano bang nangyayari sakin? Wala naman akong natatandaan na may kinain akong wala sa panlasa ko.

"Hayy napapadalas ang pagsuka mo sa umaga, may sakit ka ba? Magpacheck-up ka kaya Megan" sabi ni dammy.

"Ok lang talaga ako dammy, papasok na po ako," sabi ko at inayos ang sarili.

"Uyy maligo ka muna, papasok ka ng walang ligo?"

"Dammy naman! Maliligo malamang,nandyan ka pa eh" sabi ko at umalis naman sya..

Tiningnan ko naman ang kabuuhan ko sa salamin.

Tumaba ako! Yun yung napansin ko, on diet naman ako ahh bakit tumataba ako? Hayy.

Tinapos ko na ang pagligo at nagbihis. Miss ko na si Laila. Ano kayang ginagawa nya? Galit pa din ba sya sakin? Sana naman hindi na.

"Magbreakfast ka muna, alam kong paborito mo to," sabi ni dammy at inilapag ang sinigang na may itlog. Ewan ko ba kung bakit napa-upo na lang ako at nilantakan ang agahan ko, di naman ata ako patay gutom neto.

"Ayy gutom ang bakla, hindi ka naman gutom sa lagay na yan di'ba?" sabi ni Ruby.

"Tumigil ka nga chaka doll, malamang ay hindi yan kumain kagabi kaya ganyan kagutom ang bakla. Mag-isip ka nga," sabi ni Beka.

SCHOOL

"Nandyan na si Megan oh,"
"Napansin nyo ba?tumaba sya"
"Oo nga ano, pero maganda padin sya nakakaselos naman"
"Oo nga eh kahit sinasabihan sya ng basura nina Karen at Stacey hindi ko pa din kayang maniwala kasi look at her, mukha syang mahirap sa suot nya pero sa ganda nya, hindi"
"Ok ng noh"

"Feel the spotlight? Hahh omo sumali lang sa contest ay may ipinagmamalaki na," sabi ni Stacey.

"Hahha look at her bhess, tumaba sya ewww," singit ni Karen, wala akong ganang makipag - bangayan sa kanila.

KIEFER POV

"Napansin nyo ba?tumaba sya"
"Oo nga ano, pero maganda padin sya nakakaselos naman"
"Oo nga eh kahit sinasabihan sya ng basura nina Karen at Stacey hindi ko pa din kayang maniwala kasi look at her, mukha syang mahirap sa suot nya pero sa ganda nya, hindi"
"Ok ng noh"

Kay aga aga andami agad na bubuyog. Narinig ko naman ang pangalan na. MEGAN kaya hinanap ko naman sya.

Hindi ko nahalata ang katawan nya, tumaba sya.

"Feel the spotlight? Hahh omo sumali lang sa contest ay may ipinagmamalaki na," sabi ni Stacey.

"Hahha look at her bhess, tumaba sya ewww," sabi ni Karen, Tsk 😑

"Wala akong oras sa inyo, please lang ayaw ko ng gulo," sabi ni Megan, halata sa boses nya na nanghihina sya, anong nangyayari? May sakit ba sya?

"Hi babe," napatingin naman ako kay Astrid, anong ginagawa ng babaeng to dito?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Nandito sina mom and dad, ewan ko ba kung bakit, basta sabi nila sumama na lang ako kaya eto," sabi nya.

"Hmm ganun ba eh di k," cold kong sabi. Hinanap ko naman si Megan pero wala na sya.

Siguro pumasok na?

LAILA POV

"Meg?ok ka lang" tanong ko, inangat naman nya ang ulo nya at tiningnan ako at bigla na lang syang umiyak at niyakap ako.

Place In Your Heart Where stories live. Discover now