CHAPTER 11✅

4 1 0
                                    

CHAPTER 11
KIEFER POV

"Kumusta ang lagay ng anak ko?" tanong ni tita. Natutulog si Megan ngayon at hindi pa alam ni tita na buntis si Megan.

"Ok na po sya tita, nagpapahinga na lang po" sabi ko.

"Ganun ba? Hmm sige na Kie at baka nakakaistorbo na kami sainyo. Balitaan mo na lang ako kung ok na si Megan at ihatid mo na lang sya sa bahay" sabi ni tita.

Tumango naman ako. Hinatid ko si tita palabas ng gate at nakita ko naman si Astrid sa loob ng kotse, tulog sya.

"Mauna na kami ahh, ingatan mo ang prinsesa namin" sabi ni tito, tumango naman ako at ngumiti.

"Kumusta ang kaibigan ko Kiefer " napatingin naman ako kay Laila.

" Ok na sya, Nakatulog agad kanina" sabi ko, tumango naman sya.

"Alagaan mo ang kaibigan ko ahh kundi mapapatay kita "

" Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko yun" sabi ko, tinaasan naman nya ako kilay.

May nasabi ba akong masama?

"Hindi mo na nga nagawa eh, napabayaan mo sya."

"Oo na. So magkapatid pala kayo ni Andrei Lee, hmmm" tumango naman sya.

"Hindi ba halata? Actually magkambal kami," sabi nya.

"Hmm? Magkahawig nga pero hindi halata kasi iba ang estado nyo sa buhay." sabi ko.

Alam ko kung anong nangyayari sakanila dito sa campus. Sa simpleng pang bubully sakanila ni Stacey ay alam ko.

"Yeah! Ang bobo lang talaga nila. Tsk! Ni walang scholarship dito at hindi basta- basta makakapasok kapag wala kang pera, hinahayaan na lang namin ni Megan kasi kapag pinapatulan namin ay baka mas lalong lumala" sabi nya, napatango na lang ako.

Ganun din kasi ang nasa isip ko.
Bakit sila nakapasok kung mahirap at kapos sila, naalala ko pa nung nanligaw ako kay Ashley.

*****FLASHBACK *******

"Oh napadaan ka hijo, sino ang hinahanap mo" tanong sakin ni Aling Charing, may ari ng kainan dito sa may eskinita.

"Ahmm si Megan po" kinakabahan kong sabi, napatango naman sya.

"RICCARDO! MAY NAGHAHANAP SA ALAGA MO" sigaw nya.

"Sino ba? Kay aga-aga nambubulabog ka Charing-ching. Nasisira ang beauty ko sayo and correction. Ricca hindi Riccardo,myghadsss nauusog ang kagandahan ko" maarteng sabi nung tinawag ni aling Charing.

"Huy! Ang bunganga mo! Baklang to! May naghahanap kako sa alaga mo! Tseh" sabi ni aling Charing at saka iniwan ako. Tiningnan naman ako nung Riccardo —Ricca pala mula ulo hanggang paa.

"Dammy bakit ang ingay ni aling Cha—Kiefer? Anong ginagawa mo dito?"tanong  nya, ngumiti naman ako at inabot sakanya yung bulaklak. Alam kong paborito nya ang rose hahha.

"Manliligaw sana ako hehe pwede ba?" sabi ko, tumingin naman sya kay Ricca.

"Oh bakit? Ako ba ang nagpapaligaw? Shhuuu ayusin mo muna yang buhay mo bago ka makipag-date, kay gwapo neto oh tsk at ikaw mukhang basahan" tumango naman si Ashley at pumasok. Naiwan naman ako sa labas.

"Oh! Pasok ka muna, pasensyahan mo na ang bahay namin at maliit. Kumain ka na ba?" sabi nya.

"Actually hindi pa po" nahihiyang sabi ko.

"Hayyy oh pasok na at kumain. Lalabas kayo ng alaga ko ng wala kang kain, baka nahimatay ka pa sa daan at ang alaga ko pa ang pabuhatin mo, isa pa naman yung payatot" natawa naman ako. Hmm sabagay kaya nga pinapakain ko ng marami eh.

Place In Your Heart Where stories live. Discover now