CHAPTER 7✅

3 1 0
                                    

Chapter 7
MEGAN POV

"May event tayo sa monday at kailangan may representative tayo kada sector," sabi ni Miss Calla, teacher namin sa Mapeh.

"Hmm miss can we pick? Kasi may kilala kaming magaling sa lahat ng sector sa bulletin," sabi ni Stacey, hmm may binabalak ang babaeng to.

"Hmm pwede naman, go!sino," tanong ni miss,tumingin naman ng nakakaloko si Stacey sakin.

"Si Megan miss magaling sya sa poetry, singing and dancing," sabi ni Stacey.

"Marunong si Megan? Eh hindi nga sya sumasali nung nakaraan di'ba?"
"Hmm ok na yan kaysa naman sa tayo ang mapili ni ma'am, huhu baka pagtawanan lang ako,"
"Support na lang ako sakanya kahit basura sya,"

Napailing na lang ako sa narinig. Kahit kailan talaga ang babaeng to.

"Ganun ba? Hmm sige ipapalista ko si Megan ngayon," sabi ni miss at umalis, magsasalita sana ako ng may tumakip sa bibig ko. Sinamaan ko naman ng tingin si Karen.

"Haha good luck bitch," sabi ni Stacey.

"Your the bitch not me," inis kong sabi. Kinuha ko ang bag ko at umalis.

"Meg teka lang," sigaw ni Lai, dire- diretso lang ako.

"Uyy Megan galit ka ba sakin? Pansinin mo naman ako," sabi ni Laila,humarap naman ako sakanya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na magpinsan kayo ni Edward? Bakit? Sabihin mo sakin Laila," inis kong sabi.

"Eh kasi nakita ko kung pano ka umiyak saka—"

"Ano naman kung umiyak ako sakanya? Laila noon yun, pero bakit kailangan mong itago sakin yun?" inis kong sabi.

"Kapag sinabi ko sayo alam kong magagalit ka sakin, naalala mo pa ba yung sinabi mo sakin noon? Ang sabi mo lang naman ay ayaw mong dumikit sa mga manloloko eh Megan naman pinsan ko yun pero dahil best friend kita tiniis kong sabihan mo si John ng ganun," sabi ni Laila.

" Oo sinabi ko yun pero hindi ko naman sinabi na lalayuan kita kapag sinabi mo na magpinsan kayo eh di sana alam ko," inis kong sabi.

"Mahal mo pa ba sya Megan? Kasi kung hindi bakit magagalit ka ng ganyan kung wala na di'ba? Megan naman," sabi ni Lai.

"Hindi ko na sya mahal! Pero ang ikinagagalit ko lang ay bakit hindi mo sinabi sakin na magpinsan kayo? Yun yung dahilan," sabi ko.

"Ok!hindi ko sinabi sayo pero may rason ako Megan kung bakit hindi ko yun sinabi dahil nasaktan ka nya, sinaktan nya yung best friend ko na tinanggap lahat-lahat sakin kahit hindi nya ako kilala. Sinaktan nya yung kaibigan ko na naging pamilya ko! Oo pinsan ko sya, magkadugo kami! Pero nasan sya ng kailangan ko ng tulong? Wala sya at ikaw na hindi ko naman ka ano-ano tinulungan mo ako kahit na kapos ka, pinatuloy mo ako sa bahay na inuupahan mo nung maghanap ako dahil ayaw kong bumyahe ng malayo, Megan! Ikaw ang nandyan sakin nung walang-wala ako at wala akong pakialam kung hindi ko nasabi sayo yun at sana maintindihan mo," sabi nya at iniwan ako.

Napasabunot naman ako sa sarili kong buhok sa sobrang inis.

Lumipas ang ilang araw pero hindi pa din umuuwi si Laila, kapag may klase hindi ko sya nakakausap sa room, minsan namam absent sya. Lunes nagayon at ngayon ako magpeperform. Letse kasing Stacey nato, imbes na magsorry ako sa best friend ko eh isinali pa ako dito.

"Ready ka na ba hija? Ikaw na ang sunod," tanong ni miss Calla, tumango naman ako at huminga ng malalim.

"May tiwala ako sayo hija, hmm nag-away ba kayo ni Laila? Mukhang di ko kayo nakitang magkasama imbes na ikaw sina Stacey ang kasama nya," sabi ni miss, nalungkot naman ako sa narinig. Simula ng sigawan ko sya ay hindi na sya umuuwi at hindi na ako ang sinasamahan nya kundi sina Karen at Stacey.

Place In Your Heart Where stories live. Discover now