CHAPTER 8✅

4 1 0
                                    

Chapter 8
SOMEONE POV

"Nahanap na po namin sya boss" sabi ni Nicole secret agent na hinire ko.

"Makakaalis ka na, salamat at nahanap nyo din sya." sabi ko.

Tinawagan ko naman si Ash.

"Hello hon, nahanap ko na si Ashley," tuwang tuwa kong sabi.

"For real? Pano?" nagtatakang tanong nya.

"Bakit parang hindi ka naniniwala? Nasa school lang natin sya nag-aaral hon," sabi ko.

"Sige hon at ipapacheck ko sa head kung nandun nga si Ashley," sabi ni Ash.

"Ok sige hon,ingat" sabi ko.

Sa wakas nahanap na ulit kita anak, bakit kasi naisipan mong maglayas? Di mo na ba love si mommy?

MEGAN POV

Bakit kinakabahan ako ng ganito? May mangyayari ba? Sabayan mo pa na nahihilo ako at nasusuka, hayy ewam ko ba kung bakit hindi ko na kilala ang sarili ko.

"Ok ka lang Megan? Bakit namumutla ka?" tanong ni Ricca, nasa ARB ako ngayon. Gabi kaya bar to.

"Ok lang ako Ricca, pagod lang talaga ako," sagot ko.

"Bakit kapag papasok ka dito ay palagi kang namumutla? Magsabi ka nga ng totoo Megan! Buntis ka ba," seryosong sabi ni Ricca, nabitawan ko naman ang hawak kong pera, barya yun.

"Ano bang iniisip mo! Hindi ako buntis noh," sabi ko. Pero may parte sa isip ko na sumang-ayon pero bakit?

"oo na.. Hindi na nga.. Pero bakit kasi kapag magtatrabaho ka palagi kang namumutla, hindi mo naman mawala sakin ang pag-aalala kasi parang anak na din ang turing ko sayo," sabi ni Ricca, tumango na lang ako.. Sya ang kumopkop sakin nung naglayas ako samin sya din ang nag enroll sakin sa LA.

"Pagod lang ako dammy kaya namumutla ako," sabi ko, nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Dammy? Ngayon mo lang ulit ako tinawag ng ganyan, aba 12 ka pa lang nung makita kita, hayyy oh sya, magpahinga ka na muna at si Rocel na nyan," sabi ni Ricca.

"Ok lang talaga dammy please, gusto ko magtrabaho,"

"Magtrabaho ng ganyang itsura? No! Magpahinga ka na dun sa kwarto mo," seryosong sabi ni Ricca.

"Hayy opo," napipilitan kong sagot, ewan ko ba sa sarili ko, kapag nakakalanghap ako ng usok mula sa sigarilyo ay namumutla ako. Mabilis din akong kapitan ng sakit.

Pero ang hindi ko maintindihan ay yung paborito ko ay ayaw ko nang kainin, iba na din ang panlasa ko.

"Sabihin mo sakin kapag may masakit sayo ahh ng mabilhan kita ng gamot," sabi ni Ricca, tumango naman ako. Nahiga ako sa kama, may sarili akong kwarto dito sa ARB dahil noong 12 ako ay dito ako tumira, dito nadin ako lumaki at nagtrabaho. Si Dammy ang kinilala kong daddy at mommy, tinuring naman nya akong totoong anak. Pinakain, dinamitan at pinag-aral.

RICCA POV

"Kumusta ang bakla momshie," tanong ni Beka, sinimangutan ko lang sya.

"Ayyy ang sungit naman ni momshie oh, nasan jowabels mo," tanong ni Ruby.

"Wag mo kong pakialaman Ruby! Ang chaka mo!" sabi ko.

"Ayy ok na nga momshie, di na mabiro," nakabusangot na sabi ni Beka.

Pumunta muna ako sa office at inasikaso ang mga papeles ni Megan. May hindi sinasabi ang batang yun sakin, hmm maalam nga kung bakit madalas syang mamutla kapag oras na ng trabaho.

Place In Your Heart Where stories live. Discover now