CHAPTER 3✅

8 1 0
                                    

KIEFER POV

"Nakita nyo ba si Brent?" tanong ni Miguel.

"Ewan namin! Kasama ba kami ni Brent na lumayas? Hindi naman di'ba? Tsk! Hanapan ba kami ng nawawala," sabi ni Lexus.

"Nasan si Andrei? Ayy oh wag ka na sumabat! Tsk," napailing na lang ako at lumabas.

"san ka pupunta dre?"tanong ni VJ.

"Kung saan ako dadalhin ng mga paa ko," sabi ko.

Saan naman kaya pumunta ang bubwit na yun? Hayy!

"May t-shirt ako sa locker pwede mong hiramin,"dinig kong sabi ni Brent. "Bakit?"

"Sayo yun saka kaya ka nga may dalang extra kasi pampalit mo yun, wag mo na lang akong pansinin ok lang ako," boses babae, hmm may kausap sya? Tsk malamang ang bobo mo naman KIEFER!

"Pero ok lang saka wala naman kaming P. E kaya suotin mo muna, kasya naman yun sayo eh,"

"Gusto ko man na magpalit ng damit, hindi pwede kasi baka sabihin ng iba dito sinusulutan kita at ayaw ko yung mangyari,"

"Wala akong pakialam sa kanila! Ang mahalaga sakin eh yang kalagayan mo! Basa ka oh at baka magkasakit ka pa nyan ako pa sisihin ng mama mo,"

"Ang seryoso mo naman, hahha ok lang talaga... Saka uuwi na rin naman kami eh isang subject na lang,"

"Oh nandito ka lang pala-Megan? Anong ginagawa mo dito,"

"Nakaupo? Ano pa bang nakikita mo? Nakahiga?"

"Tsk! Nasan si Laila?"

"Andun sa canteen binalikan yung snacks namin haha,"

😑

Dito lang pala sila eh.. Lumabas naman ako sa tinataguan kong puno. Tsk!

"Ahh ganun ba? Wala kayong pasok?"tanong ni Andrei.

"Hmm! Wala eh," sya yung sinasabi nyang Megan? Tsk ganyan ba sya sumagot😑

"Nandito lang pala kayo,"inis kong sabi. Napatingin naman silang tatlo sakin. Nagulat naman ako ng makilala ko ang babaeng kausap ni Brent.

Bakit sa dinami-dami ng pwedeng makausap ni Brent bakit sya pa, nakita ko naman sa mata nya ang sakit ng nakaraan.

LAILA POV

"Ate eto na po yung bayad hehe sorry po sa abala aling Dolores," nakangiting sabi ko, tumango naman sya at ngumiti.

"Tsk! Hindi na nadala! Aba kinalaban pa si Karen,"
"Mga basura nga sila di'ba? Asal basura idadala pa dito!"
"Ano ka ba naman Senieeh ganyan talaga eh basura nga, ang basura pakalat kalat sa daan at who know! Baka nga may binabalak sila sa school na'to,"

Grabe naman ang mga bunganga neto. Ang sarap isampal sa pader pero dahil good girl ako (Sure?)
Napatingin naman ako sa paligid... What the! Hayy nababaliw na ata ako.

"Look who's here! The trash sister-nasan yung kapatid mo? Hahha natakot ba sa banta ko," sabi ni Karen, tsk asa!

"Don't waste your time with them Karen baka mahawa ka sa asal kalye nila like duh! Ewww!" maarteng sabi ni Stacey.

"........ " hindi ko na lang sila pinansin tutal ayaw ko na muna ng gulo.

" Ang tahimik mo ata ngayon? Hahha yan kasi ang napapala ng mga hambog! Ang lakas ng loob kalabanin kami tapos ngayon? Tsk," sabi ni Karen.

Place In Your Heart Where stories live. Discover now