Sam's POV
"Love? love, uyy gising na nandito na tayo." naramdaman ko nalang na may yumuyugyug sa akin pero gusto ko pa talagang matulog kaya 'di ko nalang pinansin.
Maya-maya ay tumigil sya at may naramdaman nalang akong bagay na lumapat sa labi ko kaya napamulat ako ng wala sa oras. Hinalikan ako ng mokong. Itinulak ko sya kaagad.
"BA'T KABA NANGHAHALIK?" sigaw ko sa kanya at tumawa lang sya na parang wala lang. Kainis!
"Hahaha. I thought you need my kiss para gumising ka. Pffft and I was right, diba gumising kana. Hahaha" sabi na sabay tawa.
Kahit kailan wala talagang matinong sagot ang taong 'to. Nakakainis.
"Alam mo bang precious ang lips ko? Kaya huwag kang basta-bastang nanghahalik. Okay?" sagot ko sa kanya sabay irap ng mata ko.
"Oo na precious ang lips mo kaya sa akin lang 'yan." sabi nya.
Mapang-angkin talaga 'tong taong 'to. Angkinin ba naman ang mga labi ko. Hay, Ewan. Pinagmasdan ko ang paligid at bigla akong nakaramdam ng takot nang mapagtanto ko kung nasaan kami. Gosh! Bakit kami nandito? Tinignan ko si Grey pero lumabas na pala sya. Pinagbuksan nya ako ng pinto and he guided me para makababa ako ng kotse. Naka-heels pa naman ako. Haysst.
"Love, bakit tayo nandito? Nakakatakot kaya gabi na ohh." sabi ko sabay kapit sa kanya ng mahigpit. Nakakatakot kaya.
Ano naman kaya ang nasa isip nitong taong 'to at naisipang pumunta ng sementeryo ng ganitong oras. For Pete's sake it's already 7:48 pm. God! Nakakatakot baka may mumu dito.
"Relax, dadalawin lang natin si Mommy." he said in a low tune and hold my hand tightly.
Now I know. I can feel it, may problema sya. Dahan-dahan kaming naglakad patungo sa puntod ng mommy nya. And when we arrive naglagay sya ng bulaklak at kinausap ang mommy nya. Ang dami nyang mga sinabi sa mommy nya kaya alam kong may problema talaga sya. Ganito naman sya lagi eh, pag may problema o may tampuhan at away kami ay pumunta lang sya dito at kinausap ang mommy nya. Sinamahan ko sya sa pakikipag-usap sa mommy nya at maya-maya pa ay nagpaalam na kami kasi kailangan na naming umuwi.
Habang nasa byahe ay wala parin syang imik. Nararamdaman ko talagang may problema sya.
"Love, may problema ka ba?" tanong ko sa kanya kaya bigla syang napatingin sa akin.
"Wala Love. Namiss ko lang talaga si mommy." sagot nya sa akin.
"Totoo? Willing naman akong makinig Love ehh. Sabihin mo lang."
"Wala nga."
"Okay, sabi mo eh."
-----
Grey's POV
Matapos kong ihatid si Sam sa bahay nila ay dumiretso na ako sa condo ko. Hindi ko kayang umuwi sa bahay ngayon. Galit pa rin ako kay Daddy at Kuya. Pinag-mukha nila akong tanga.
Kinabahan ako sa tanong ni Sam kanina. Kilala nya talaga ako. Alam na alam nya pag may problema o tinatago ako sa kanya. Haysst! Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya. Hayyy. Makatulog na nga.
Naglakad ako patungo sa kwarto ko ng biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko at nang malaman ko na si Doms ang tumawag ay sinagot ko na 'yun. Si Dom ay isa sa mga kasama ko dati sa gang pero nasa Australia sya ngayon dahil isa syang surgeon doctor doon.
"Sup?" sagot ko sa telepono.
"Yasss. Kakarating ko lang nasa bahay na ako. Kailan ba tayo mabubuo ulit Grey or should I call you Master? Haha"
BINABASA MO ANG
Ultra Seven Series No. 1: Back Off, She's mine!
RomanceUltra Seven Series No. 1 : Grey Aaron Salazar Both of you has a mutual feelings for each other. You love her and she loves you too. But what if fate is not in favor for the both of you? Would you still fight your love for her or susuko ka nalang dah...