Chapter 6

19 2 0
                                    

Sam's POV

It's been a week now at hanggang ngayon ay busy pa 'rin si Grey. Nakakainis na nga sya ehh, wala na syang oras para sa akin. Sa phone na nga lang kami nag-uusap at palagi pa syang nagmamadali. Minsan nga tumatawag ako sa kanya pero iba ang sumasagot at babae pa talaga kaya nakakainis na. Wala syang time para sa akin pero ibang babae ang may hawak ng phone nya. Wow! As in sobtang Wow lang talaga. Dahil sa inis ko mula pa kahapon ay hindi na ako nagpaparamdam sa kanya. And guess what? Hindi man lang sya tumatawag at nagtetext man lang. Wala na talaga syang pakialam sa akin. Bahala sya buhay nya. Kainis!

"Ate may naghahanap sayo." tawag ni Sheila sa akin. Sabado ngayon kaya nandito ako sa bahay.

"Sino raw?"

"Jacob daw ate. Infairness ang gwapo huh." hala! Anong ginagawa ni Jacob dito.

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Jacob na kinausap ni mama at Shiela. Nang mapansin nila ang presensya ko ay tumingin sila sa akin at nginitian ako ni Jacob.

"Oh andyan ka 'na pala anak. Ikaw na mag-asikaso sa bisita mo. Alis na ako hijo huh. May bibilhin pa kasi kami ni Sheila sa palengke ehh." paalam ni mama.

"Sege lang po tita."

-----

Umalis na sila mama kaya kami na lang dalawa ni Jacob ang nandito. Nagtimpla ako ng juice para sa kanya.

"Jacob, bakit ka pala na padalaw?"

"Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin."

"Ok lang naman ako ehh. Ano ka ba."

"Sigurado ka? Noong mga nakaraang araw palagi ka kasing malungkot."

"Ahhh. Wala 'yun, may iniisip lang ako 'nun kaya ako ganun."

"Hanggang ngayon iniisip mo parin ba? 'Di ka pa rin makatawa ng totoo ehh. Alam mo kasi Sam, I easily noyice it kapag fake ang mga tawa mo."

"Hindi ahhh. Okay lang kaya ako."

"Tell me what's wrong, alam kong may problema ka."

"Wala nga. Ano ka ba." sabi ko sabay tawa pero mukhang nafe-feel nya na fake talaga 'yung pagtawa ko.

"Sam, hindi ko talaga gustong nakikita ka na tumatawa nga pero peke naman. "

"Jacob naman."

Hinawakan nya ang mukha ko at tinignan ako nang mata sa mata. I can see in his eyes that he is really concern on me.

"Nasasaktan kasi ako Sam kapag nakikita ko na hindi ka masaya. Kapag may problema ka ang pangit ng araw ko."

Matapos nyang sabihin 'yun ay inilapit nya ang mukha nya sa akin. My God! Hahalikan nya ba ako? OMG bakit hindi ako makagalaw. Akmang hahalikan nya na ako ay may biglang humila sa kanya sabay suntok kaya nakita ko nalang syang nakahandusay sa sahig. God anong nangyayari?

"P*T*NG*N* MONG GAGU KA!" bumalik ang huwisyo ko nang marinig ko ang galit na galit na boses ni Grey.

Nakita ko si Grey na sinusuntok si Jacob. May God! Dumudugo na ang labi ni Jacob. Dali-dali akong lumapit sa kanila at pinigilan ko si Grey kaso masyado syang malakas kaya 'di ko kaya.

"GREY ANO BA! TAMA NA!" wala na akong ibang nagawa kundi ang sumigaw habang hinihila sya.

"ANO BA? PLEASE NAMAN TAMA NA GREY!"

Tumugil sya sa pagsuntok kay Jacob at tinignan ako. Galit na galit talaga sya. Hindi ko kayang titigan ang mga mata nya kaya umiwas ako ng tingin at tinignan ko si Jacob. God! Dali-dali ko syang nilapitan at pinatayo.

Ultra Seven Series No. 1: Back Off, She's mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon