Sam's POV
"Anak gising na, may pasok ka pa." si mama sabay yugyug sa akin.
"Anak nandyan na si Grey, inaantay ka na." Hala! Nanyan na sya.
"Mama, totoo nanyan na sya?" Dali-dali akong bumangon at pumunta sa banyo.
After 10 minutes ay natapos na ako. Dali-dali akong nagbihis at bumaba na. Hinanap agad ng mata ko si Grey.
"Mama, asan na si Grey? " tanong ko kay mama sabay tingin sa kanya.
"Anak, joke lang yun, para lang yun gumising ka na." Sabay lagay ng ulam sa mesa.
"Pero sabi nya sa akin susunduin nya ako Mama. Bakit kaya wala pa yun?" Sabi ko kay mama.
Umupo na ako at nagsimula ng kumain. Habang kumakain ako ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at bigla akong ngumiti at nakaramdam ng saya ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Grey.
"Hello? " sabi ko.
"Hello, Good Morning Love." Sagot nya at agad akong napangiti.
"Ayyeeiiee, Good Morning din Love. Asan kana? " Tanong ko.
"Sorry Love nandito pa ako sa bahay. May inaasikaso lang ako pero pupunta na ako dyan. Intayin mo nalang ako." Sabi nya.
"Ok sege Love, hintayin nalang kita pero huwag masyadong matagal huh? Male-late na ako sa trabaho. Alam mo naman bawal ako malate. " sagot ko sa kanya.
"Oo alam ko, sege na ibababa ko na. I Love You, Love" sabi nya.
"Oo na. I Love You din, Love" sagot ko at binaba na ang phone.
Pagkababa ko sa phone ay agad namang lumabas ang bagong ligo kong kapatid na si Sheila.
"Good Morning Mama kong mabait at Ate kong maganda" bati nya.
"Asus, binula mo pa kami, hali ka na dito at kumain na tayo. " sabi ni mama habang tumatawa.
"Mama nagsasabi ako ng totoo. Diba ate? " sabay tingin nya sa akin.
Tumango nalang ako at nagsimula na kaming kumain. After a minute ay natapos na kami.
"Mama alis nko, nandyan na ang school bus, byebye Mama, Byebye Ate, Muaah" Paalam nya.
"Ingat ka Sheila huh" sabi ko sa kanya.
"Oo naman ate, ako pa ba eh mana ako sayo na matalino haha" Pagmamalaki nya.
"Ay ewan ko sayo, sege na alis kana. " Taboy ko sa kanya.
Umalis na si Sheila at maya-maya lang ang ay may bumusina na sa labas.
"Good Morning Tita. " sabi ni Grey sabay kuha ng kamay ni mama para magmano.
"Magandang umaga din Grey. Samantha nandito na si Grey. " tawag ni mama sa akin.
Agad naman akong bumaba at nagpaalam kay mama. Hindi ko sya pinansin. Kunyari may tampo ako kasi ang tagal nya. Sumakay na ako sa kotse nang hindi sya kinakausap. Habang nasa byahe ay panay parin ang salita nya pero di ko parin sya pinapansin. Ilang beses na syang nagtangkang magjoke pero hindi man lang ako tumingin sa kanya.
"Love Sorry na, dumating kasi si Daddy galing States at may mga napag-usapan lang kami about sa company kaya medyo natagalan ako" Paliwanag nya pero hindi ko parin sya pinansin.
"Love naman eh. Sorry na nga. Maaga pa naman oh, Hindi ka pa late. Sorry na kung nag-antay ka. " Sabi nya sa naglalambing na tono.
Hindi ko na sya natiis at kinausap ko na sya. Chosy pa ba ako eh ang gwapo-gwapo ng boyfriend kahit medyo masungit, ay mali! Hindi pala medyo kundi Sobrang sungit. Pero love na love ko 'to.
"Sorry na Love" ulit nya.
"Okey" tipid kong sagot.
"Namam oh. Bat ganyan lang sagot mo? " tanong nya na may pagtatampo na tono.
"Eh ano naman ang sasabihin ko? Para kang shunga. " sabi ko sa kanya.
"Hahaha. Okey. I Love You " he said.
"I love you din Grey. Kahit masungit ka, mahal kita" I said.
After awhile ay nakarating na kami sa pinagtatrabahuan ko. By the way, I am a Elementary Teacher.
"Susunduin kita mamaya, after ng work mo. Anong oras matatapos trabaho mo love?" tanong nya.
"3:00 tapos na ko. Sege na alis kana baka ikaw pa ang malate. " sabi ko.
"Nah. It's ok, hatid na kita sa room mo. I'm their boss so okey lang na malate ako. " pagmamalaki nya.
Hambog talaga to kahit kailan. Hay ewan. Hinatid nya ako hanggang sa room ko. Pero habang nasa hallway ay panay ang tukso sa amin ng mga co-teachers ko.
"Ayy sana all may jowa"
"Sam, akin na yan pag ayaw mo na"
"Ayy Gwapong tao haha" sabay tukso nila.
Nang makarating na kami sa room ay wala pa ang mga estudyante ko.
"Oh andito na ako, alis kana" taboy ko sa kanya.
"Bakit ba pinapaalis mo na ako kaagad? " tanong nya sabay taas ng isang kilay nya.
"Eh kasi nga po may trabaho pa ako at may trabaho ka rin. " sagot ko.
"Sege na nga. Para sa future natin. Haha" sabay halik sa noo ko at umalis na.
After a minute ay nagsidatingan na ang mga estudyante ko at nagsimula na ang klase.
*****
This is my first story. Hehehhehe
BINABASA MO ANG
Ultra Seven Series No. 1: Back Off, She's mine!
RomanceUltra Seven Series No. 1 : Grey Aaron Salazar Both of you has a mutual feelings for each other. You love her and she loves you too. But what if fate is not in favor for the both of you? Would you still fight your love for her or susuko ka nalang dah...