Chapter 3

5.6K 111 4
                                    

A/N: dahil sa kabigatan ng tema ng story na ito .. Please allow me to have a disclaimer on this one as well... ang nga character ay may pagkakahalintulad man sa tunay na buhay ay hindi nangangahulugan na sila iyon... Ang storya na ito ay hango lamang sa aking imahinasyon... kung sa tingin ninyo ay hindi ninyo nagugustuhan ang takbo ng storya na ito, kayo po ay libreng humanap ng ibang babasahin... Salamat po...

-----

maagang gumising si aly kinabukasan, magaang ang katawan niyang bumaba ng bahay nila kahit pa nga halos hindi naman siya nakatulog dahil sa kakaisip na katapat lang pala nilang bahay ang babaeng nagpa tibok ng puso niya...

Sa kanila na din natulog si Bang dahil inabot na sila ng madaling araw sa pag kukwentuhan... Si kim naman ay hindi na nila nakita pa ng gabing iyon ang hula nila ay pinuntahan nito si Mela...

aly: good moring Philippines and good moring World!! (masigla niyang bati sa nanay at tatay niya)

nakita niyang nagluluto ng almusal nila ang nanay niya kaya niyakap niya ito mula sa likuran nito...

Aly: magandang umaga sa aking magandang nanay sa balat ng Tondo!! (hinalikan pa niya ito sa pisngi)

Tessie: sa balat lang ng Tondo? hindi sa buong mundo? (animo nagtatampong tanong niya sa anak niya)

Aly: hahaha si nanay talaga pinuri mo na nga kulang pa din... syempre nay wala naman akong ibang masyadong napupuntahang lugar kundi dito lang sa Tondo kaya sigurado ako na ikaw lang ang pinaka magandang nanay dito...

Antonio: kayong mag-ina nag bolahan na naman kayo... pero parang gusto ko na mag tampo ha... ako hindi mo pa ako binabati anak... (sabi ng tatay niya sa kanya)

Aly: syempre tay kayo naman ang totoong hari ng Tondo...

Antonio: naku naman bakit naman ganun parang sanggano naman ang dating ko nuon... hindi ba pwedeng pinaka gwapong tatay na lang din sa balat ng Tondo? (Tanong niya sa anak niya)

Aly: sige na nga tay payag na ako na ikaw ang pinaka gwapo sa pamilyang ito hahaha (pang-bibiro niya sa tatay niya)

Antonio: ikaw talaga puro ka kalokohan... sige na nga gisingin mo ba si ang paborito kong manugang at makapag almusal na tayo at papasok pa kami ng nanay ninyo sa trabaho...

Aly: tay, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na magkapatid lang ang turingan namin ni Bang... bayaan ninyo malapit na ninyo makilala ang tunay na mamanugangin ninyo (ngumiti pa siya ng pagka tamis tamis)

Antonio: siguraduhin mong mas maganda yan kaysa sa manok ko ha dahil kung hindi ay hindi talaga ako mag aaprub!!!

Aly: syempre na...

Bang: anong syempre naman? mas maganda sa akin si ms. sungit? (tanong niya kay aly, hindi kasi namalaya ng mga ito na nagising na siya)

Aly: syempre naman magka iba ang ganda ninyo... hindi pa kasi ako tapos mag salita eh... (muntik na siya duon ha... baka mamaya hindi pa siya tulungan nito kay den)

Tessie: pero masungit naman daw pala anak eh... baka naman pahirapan ka niyan masyado... baka matapobre yan kung ganuon...

Aly: mukha naman pong hindi kasi taga dito lang naman sa atin... Tsaka mukha naman masungit at mataray lang po pero hindi matapobre... (pag tanggol niya kay den)

Antonio: (bumulong ito kay Bang) ikaw pa din ang pinaka paborito kong manugang...

Aly: tay!!! (nadinig niya kasi ang sinabi nito kay Bang) nagkaintindihan na po kami niyan ni bunso...

Tessie at antonio: bunso?!!

Aly: eh wala naman akong kapatid kaya siya na lang ang bunso kong kapatid... (nagtaas baba pa ang kilay niya sa mga kausap niya)

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon