A/n: sorry for the typos and hope you enjoy this chapter......
------
Nagising si aly dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya... napaka sarap ng tulog niya... katabi niyang natulog si den at wala na siyang mahihiling pa... tinignan niya ang katabi niya at sa kanyang pagka dismaya wala na ito sa tabi niya...
Aly: nanaginip lang ata ako... (sabi niya sa sarili niya, pero sinuway niya ang sarili niya sa anu mang pag dududa na nararamdaman niya, alam niya sa sarili niya na totoo ang nangyari kagabi)
Bumaba siya na magaan ang katawan... parang ang ganda-ganda ng buhay... daig pa niya ang nanalo sa lotto, ang nakapag aral ng abugasya at naka rating sa buwan... yun ang pakiramdam niya...
Nakita ni aly na nag-luluto ng almusal ang Nanay niya kaya naman niyakap niya ito mula sa likuran at binati..
Aly: magandang umaga sa pinaka magandang nanay sa balat ng lupa!!!
Tessie: aba nabago na ha... dati sa balat lang ng tondo ngayon sa balat na ng lupa... mukhang maganda ang tulog mo ha... (panloloko niya sa anak niya)
Aly: syempre nay, nakatabi ko ba naman ang pinaka magandang prinsesa sa balat ng mundo eh paanong hindi ako magiging ganito kasaya... (nakangiting sabi niya sa nanay niya)
Tessie: masaya ako para sa iyo anak... basta alagaan mo si den den ha... wag mong paiiyakin dahil hindi ko talaga iisipin na anak kita... lagot ka talaga sa akin... (banta niya sa anak niya)
Aly: oo naman nay, mahal ko po si den den.. siya ang pangalawang babaeng minahal ko...
Tessie: pangalawa? (nakakunot ang noo niyang tanong kay Aly)
Aly: pangalawa dahil ikaw ang una... siya ang sumunod.... (pinakita niya ang kanyang killer smile sa nanay niya)
Antonio: naku mabuti naman at inayos mo ang sagot mo... akala ko mag-aalmusal ka ng bugbog eh hahaha
nang lingunin niya ang tatay niya may nginuso ito at nang tuluyan siyang lumingon nakita niyang nag hahain si den den...
Aly: (lalo naman nag liwanag ang mukha niya) my labs... (pinuntahan niya ito at niyakap)
Antonio: asus akala mo naman ngayon lang ulit nag kita... anak baka nakakalimutan mo mag damag kayo magkatabi niyang my labs mo... (pang-aasar niya sa anak niya)
Den: (nakayakap din siya kay Aly at nakasubsob sa dibdib nito dahil namumula siya dahil nahihiya sa pang-aasar nang tatay at nanay ni aly)
Antonio: ayun naman pala at may pagyakap din si den den eh..
Tessie: antonio! Wag mo nga lokohin ang mga bata... sige na Aly, den umupo na kayo at nang makakain na kayo ng almusal...
Aly: akala ko umuwi ka na? (mahina niyang tanong kay den habang inaalalayan ito para makaupo sa silya)
Den: (pakiramdam niya ang haba ng buhok niya sa ginagawa ni aly) eh sabi ng nanay mo dito na daw ako mag-almusal pina-alam niya ako kay nanay kaya andito pa ako.. bakit ayaw mo ba? Gusto mo ba umuwi na ako?
Aly: hindi my labs... kung pwede nga lang dito ka na lang sa amin tumira eh... (hinawakan niya ang kamay ni den)
Den: hoy!! mga bata pa po kaya tayo... sige na kumain ka na... (naka ngiting sabi niya kay Aly)
Pinag lagay ni aly si den ng pagkain sa plato nito... ang mga magulang naman ni aly at tuwang tuwa sa nakikita nila... masaya sila at masayang masaya ngayon ang anak nila...
----
Magkasama si aly at den habang nanunuod ng basketball sa lugar nila... ayaw sana ni den manuod dahil sa huling nangyari sa kanya pero nang sabihin ni aly na sasamahan siya nito napapayag nadin siya...
BINABASA MO ANG
Trapped
FanfictionThis is a fan fiction story.if may pagkakahwig sa lugar or pagkakakilanlan ay hindi nangangahulugan na sila na ang tinutukoy sa istorya na ito. Thank you!