Chapter 12

6.3K 129 13
                                    

Madaling araw na pero gising pa din si aly hawak hawak niya ang mga labi niya... hanggang ngayon ramdam pa din niya ang labi ni den... mabilis lang ang halik sa kanya ni den pero para sa kanya sapat na yun para madala siya sa langit ng halik na iyon...

Mukha siyang sira ulo, andiyan yung tumagilid siya, dumapa at tumihaya ulit mula sa pagkakahiga... ang lapad ng ngiti niya, si den ang unang halik niya sana siya din ang kay den pero hindi naman masyadong importante iyon kay aly ang importante sinabihan siya ni den ng I love you...

Napabalikwas siya ng maisip niya ang hanap buhay niya... umupo siya sa gilid ng bintana nakalabas ang kanyang mga paa at nakatuntong ito sa bubungan...

Biglang gumulo ang isip niya, paano kung hindi siya matanggap ni den, paano kung malaman nito na no read at no write siya baka ikahiya siya ni den... biglang parang sumakit ang ulo niya at parang gusto niya masuka sa kaba...

Aly: tama ba na maging kami? Wala akong maipagmamalaki sa kanya? paano pag nalaman niya na kawatan ako? baka layuan niya ako? baka pandirihan niya ako? (kinakausap niya ang sarili niya)

Nagulat pa siya ng madinig niyang tumunog ang cell phone niya..

Aly: he-hello...

Den: huy bakit gising ka pa? Bakit ang lalim ng iniisip mo? (malambing na tanong niya kay aly)

Aly: (napangiti naman siya ng madinig ang boses ni den, tumingin siya sa gawi ng bintana nila den at nakita nya ang pinaka magandang babae para sa kanya... pangalawa syempre sa nanay niya) na miss kita my labs eh... ikaw bakit gising ka pa? tsaka paano mo nalaman ang number ko?

Den: dami mo naman tanong... nakuha ko yung number mo kay kim... kinuha ko sa kanya nuong nawawala ka... Bakit gising pa ako? hmmm kasi hindi ako makatulog ngayon alam ko na kung bakit... iniisip mo kasi ako my labs kaya ayan hindi tuloy ako makulog... (naka ngiting sabi niya kay aly)

Aly: (kita ni aly na nakangiti si den habang kausap siya nito) wow! sino ang may sabi sa iyo na iniisip kita? hindi ko alam my labs sobra pala ang bilib mo sa sarili mo ha... (pang-iinis niya kay den)

Den: subukan mo lang na mag-isip ng ibang Babae kundi ihuhulog kita diyan sa kinauupuan mo!! (naging seryoso ang boses niya) my labs, iniisip mo ba yung sinabi ko sa iyo kanina? yung tungkol kay jovee?

Aly: hindi! naniniwala ako sa iyo, may tiwala ako sa iyo my labs... pero hindi ka ba nanghihinayang? diba gusto mo siya? (seryoso din niyang tanong kay den)

Den: ano ba ang sinabi ko sa iyo? diba sabi ko sa iyo nuon yun, hindi na ngayon... naunahan na siya ng makulit na kapre na mahilig umistambay sa bubungan... sa laki nuong kapre na yun nasakop na niya ang lugar sa puso ko na para sana sa kanya... (punong-puno ng sinseridad na sabi niya)

Aly: ang swerte naman pala ng nuong kapre na yun!! (nakangiti na siya ulit)

Den: kaya nga paki sabi sa kapre na yun na wag niya akong sasaktan dahil gigibain ko ang bubungan na pinag-iistambayan niya para mahulog siya at mabalian ng buto! naiintindihan mo?!!

Aly: opo naiintindihan ko po my labs... sige na matulog ka na... baka mapuyat ka tapos pumangit ka ipagpalit ka pa ng kapre...

Den: bahala siya!! diwata na ang nakuha niya ipagpapalit pa niya ba ako sa mga tikbalang dito? hahaha (Mahinang tawa niya dahil baka magising ng tatay at nanay niya at mapagalitan siya)

Aly: ang hangin na my labs papasok na ako matangay ako eh... pero kung tatangayin ako ng hangin papunta sa iyo ayos lang din naman sa akin... I love you my labs...

Den: sige na matulog ka na din... mahal din kita my labs... (pagkatapos niya putulin ang tawag ay tumalikod na siya at humiga sa kama na may ngiti sa labi)

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon