Sorry for the typos.....
Hope you'll enjoy this...-------
Inaya ni Amanda si aly na mamasyal na muna sa tabing dagat habang sinusubukan pa din ni Ara na tumawag sa mga kamag-anak ni aly..
nanghihina pa din si aly pero gusto na niyang magpa lakas dahil gusto na niyang makauwi sa kanila alam niya na nag-aalala na ang mga ito sa kanya..
nakaupo si Amanda at aly sa isang malaking bato malapit sa dagat... masarap ang simoy ng hangin kung kayat dinama lang nila ito.. Walang umiimik sa kanila kung kaya tanging hampas lang ng alon ang nadidinig nila... si aly ang unang bumasag ng katahimikan...
Aly: maganda dito sa inyo ano tahimik... parang nakakapag isip ka kung gusto mo mapag-isa at simple lang ang buhay...
Amanda: wag mong sabihin na mas gusto mo dito? kasi ako nami-miss ko na ang maynila, simula ng dalhin ako ng Ima ko dito hindi na ako naka balik duon...
Aly: kung papipiliin ako mas gusto ko dito, tahimik... alam mo ba pag gusto ko ng tahimik na lugar umaakyat ako sa bubungan namin tapos humihiga ako duon at nakatingin lang ako sa langit... ganuon lang ako parang natatakasan ko ang ingay at magulong maynila... ikaw mas gusto mo ba duon? (nilingon niya si Amanda)
Amanda: Oo, duon na ako nasanay eh... dito walang masyadong oportunidad sa maynila madami... pwede akong mag kolehiyo habang nag-aaral samantalang dito kailangan lang mabuhay... kaya simple ang buhay ng mga tao dito dahil simple lang din ang pangarap nila.. (may lungkot sa mga mata niya)
Aly: hindi ba maganda yun? Yung simple lang ang pangarap mo, para mabilis mong maabot... kasi pag masyadong malaki minsan napaka hirap abutin eh... lalo na sa atin na mas inuuna ang mabuhay kaysa mangarap pa ng kung ano-ano..
Minsan kasi kaka abot mo ng kung ano-ano mas madali kang mapagod at mas mabilis kang mag sawa...
Amanda: ano ba ang pangarap mo? (siya naman ang lumingon kay aly)
Aly: simple lang, ang ma paghandaan ang pagtanda ng mga magulang ko... gusto ko makaipon ako ng pera para pag tanda nila sa bahay na lang sila... mahirap ang trabaho ng mga magulang ko, lahat ng init, usok at dumi sa kalye nasasagap nila sa araw araw kaya natatakot ako na isang araw sisingilin na sila ng trabaho nila at magkakasakit na sila kaya gusto ko mapag handaan yun... Tsaka syempre ang makilala at makasama ko ang babaeng para sa akin... (nakita niyang hindi man lang nagulat si Amanda)
Hindi ka nagulat na babae ang gusto ko? hindi ka nagulat na ganito ako? (tanong niya pa sa kausap niya)
Amanda: hindi! may ideya naman na kami ni ara eh Tsaka yun si Ara babae din ang gusto nuon... kaya sanay na akong may makausap na kagaya mo... (tumingin ulit siya sa dagat)
Aly: ahhh... ikaw ano ang pangarap mo? (siya man ay tumingin na ulit sa dagat)
Amanda: matapos ng pag-aaral! makahanap ng magandang hanap-buhay... hindi ko sinasabi na hindi maganda ang hanap buhay ko... kaya lang gusto ko maiahon ang Ima ko sa hirap... kagaya mo gusto ko din mapag handaan ang pag tanda niya... gusto ko din makabalik ng maynila... at sana makilala ko din ang taong makakasama ko habang buhay... (nilingon niya ulit si aly) ikaw!
Aly: (lumingon siya sa katabi niya at nakakunot ang noo) ako?
Amanda: nakita mo na ba ang sinasabi mong babae na gusto mong makasama habang buhay? (nakatingin siya sa mga mata ni aly)
Aly: (parang naiilang siya sa mga tingin ni Amanda sa kanya kaya tumingin na lang siya ulit sa dagat) ahh ewan ko... ano..
Amanda: sino si my labs? (naka tingin pa din siya kay aly)
BINABASA MO ANG
Trapped
FanfictionThis is a fan fiction story.if may pagkakahwig sa lugar or pagkakakilanlan ay hindi nangangahulugan na sila na ang tinutukoy sa istorya na ito. Thank you!