Chapter 8

4.3K 127 35
                                    

A/n: dahil sa ginanahan ako sa kulitan natin kagabi ayan sinipag tuloy ako mag sulat hahaha...

Sorry for the typos...

----

Hindi maintindihan ni den bakit parang gusto niyang maiyak... nag-aalala naman ang nanay niya inakala pa nito na natakot si den dahil baka mapagalitan siya dahil nakabasag siya ng baso... hindi nila bahay iyon, nakikitira lang sila at lahat ng gamit duon ay hindi sa kanila..

Marissa: wag ka na umiyak anak, wag kang mag-alala papalitan na lang natin ang baso... pasensya ka na din kung nasigawan kita pero gusto ko mag-ingat ka.. nuong isang araw kasi nahiwa ka ng kutsilyo ngayon naman nabasag ang baso na hawak hawak mo... ano bang nangyayari sa iyo?

Den: wa-wala po inay... (hindi din naman niya alam kung paano niya ie-explain sa nanay at tatay niya ang nararamdaman niya)

Marco: oh sige sige na, aalis na ako.. basta Dennise wag kang mag papasok sa bahay natin hanggang wala kang kasama..

Den: opo itay... (mahinang sagot niya sa tatay niya)

nang makaalis na ang mga magulang niya ay hindi pa din siya mapakali.. gusto niyang lumabas ng bahay para sana hanapin si aly pero hindi niya magawa dahil maiiwan na nakabukas ang bahay nila... pag dumating ang nanay niya at wala siya mapapagalitan siya nito...

Den: ano ba kasi itong nararamdaman ko?!! den kumalma ka lang kasi... (saway niya sa sarili niya)

nakaupo lang siya sa may sala at nakatanaw sa katapat na bahay nila... pilit niyang inaalam kung anduruon na si aly sa bahay nito...

May naalala siyang bigla...

Den: tama si bang! pinsan nito si kim kaya malamang alam niya kung saan nagpunta ang dalawa... pag dating ni nanay pupuntahan ko siya para matanong ko kung nasaan si aly... (wala na siyang pakiaalam kung magulat si bang at bigla siyang magtatanong tungkol kay aly)

Malamang din naman nasabi na ni kapre kay bang at kim yung tungkol sa aming dalawa eh... (sabi niya sa sarili niya)

humiga muna siya sa sofa sa may sala nila habang inaantay ang nanay niya... baka kasi makatulog siya sa itaas kaya hindi na muna siya umakyat sa kwarto niya...

-----

Gumulong gulong si aly ng lumabas siya ng sasakyan... ang hindi alam ni kim at Jake ay ibinuhos ni aly ang pera sa isang plastik bag at kinuha ang bag na pinaglalagyan talaga ng pera...

Pinilit ni aly na makatayo pagkatapos niya gumulong gulong...

Nilagpasan siya ng kotse na humahabol kay kim at Jake pero ng iwagayway niya ang bag nakuha niya ang atensyon ng mga sakay ng kotse...

Nang makita niyang huminto ang mga ito at pabwelta na pabalik...

Aly: mga tanga talaga!! Utak biya (nakangisi niyang sabi)

tumakbo na si aly sa may talahiban... matataas ang mga talahib lampas tao, mahihirapan magkikitaan sa loob nito pero dalangin niya na wala sanang ahas sa lugar na iyon...

Sige lang siya sa pag hawi at pag takbo, masakit at makati ang bawat hampas ng talahib pero kailangan niyang tiisin ito... nararamdaman din niya ang hapdi ng mga sugat na dulot nito sa kanyang katawan... isama mo pa ang iniinda niyang tagiliran na hula niya ay may pasa...

pinilit niyang maging blanko ang isip niya, kailangan niyang makauwi sa pamilya niya... lalo pa kay den... tumakbo lang siya hanggang sa may tatakbuhan siya...

Umabot siya sa kabilang dulo ng lupain na iyon pero may mga nakaharang na fence... punong puno ito ng mga alambre... Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang akyatin ito... kailangan niyang makapag tago at makapunta sa highway...

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon