Tama ba ang hinala ng tiya niya? Nagseselos nga ba siya? Nakita niyang lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya nag-aantay ng sagot sa tinanong sa kanya, pero si Alyssa hindi lang nagtatanong ang mga mata niya kundi umaasa. Umaasa ito na may pagtingin nga sa kanya si Denden.Den: HINDI ano!!! (madiin niyang sagot sa tiya niya) bakit naman ako magseselos eh wala naman akong gusto sa babaeng yan. Napaka yabang, napaka antipatika, napaka epal at higit sa lahat wala nang ginawa sa araw-araw kundi bwistin ako!!! (nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Aly at may isang bahagi sa puso niya na parang nalungkot din naman)
Marco: Dennise!! (saway niya sa anak niya) tama na yan. Sumusobra ka na.. kanina sinaktan mo na yung tao, ngayon naman kung ano-ano ang hindi magandang sinasabi mo... baka isipin ni Alyssa hindi tayo marunong tumanaw ng utang na loob. Humingi ka ng tawad sa kanya.. (utos niya sa anak niya)
Aly: hindi na po, wala naman po iyon sa akin. Uhm sige na po, uuwi na ako baka nakakaistorbo na ako sa inyo.. (malungkot na paalam niya sa mga magulang, tiya at tiyuhin ni den)
Marissa: dito ka na manghalian, wala ka naman kasama ngayon sa bahay ninyo diba dahil nasa trabaho ang mga magulang mo? Tiyak niyan wala kang kakainin sa inyo kaya dito ka na kumain.. (pag alok niya kay aly, gusto talaga niya makabawi at gusto talaga niyang magpasalamat sa dalaga sa pag ligtas sa anak niya)
Aly: ay hindi na po talaga, nakakahiya naman po sa inyo. Marunong naman po ako mag luto kaya ko na po iyon...
Den: hay naku hayaan na ninyo yan!! Malamang may pupuntahan na namang kaibigan niya para duon kumain. Baka kasi nga naman hindi masarap ang mga pagkain natin dito eh... (mataray niyang sabi sa mga magulang niya)
Aly: hindi naman sa ganuon den, nahihiya lang talaga ako... (Buong senseridad niyang sabi)
tsaka hindi naman ako kumain kagabi kanila Cha at lalong hindi ako duon natulog.. so kim ang kasama kong kumain at duon ako sa kanila natulog pero nang pauwi na ako duon ako nakita ni Cha... pinilit niya akong mag almusal sa kanya dahil gusto daw akong makita ng tatay niya kaya pinagbigyan ko... naglaro kami n chess ni mang erning at hindi ko na namalayan ang oras kaya tinanghali na akong umuwi....
Hindi naman sumagot si den, hindi niya alam bakit natuwa siya sa paliwanag ni aly isa pa ay nakita niya sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo...
Aly: (nang hindi umimik si den ay muli na siyang nag paalam) si-sige aalis na po ako, Salamat po ulit sa pag imbita pasensya na po kayo talaga... (magalang na pag-pa paalam niya sa mga tao duon)
Papalabas na sana si aly ng pintuan ng bahay nila denden ng madinig niyang tinawag siya nito kaya bahagya siyang lumingon...
Den: bumalik ka dito ng tanghalian ha!! Dito ka kakain!! pag nalaman ko lang na sa ibang bahay ka na naman kumain at hindi dito hindi lang pingot ang aabutin mo sa akin!!! naiintindihan mo?!! (pagbabanta niya kay aly)
Halata naman na nagulat si aly sa pagbabanta ni den kaya napangiti na lang siya bago tuluyang lumabas ng bahay nila denden...
Nang wala na si aly ay inulan naman siya ng mga tanong ng nanay at tatay niya...
Marissa: anak, para saan ang drama mo kanina? Bakit galit na galit ka nang malaman mo na sa ibang bahay kumain si aly?
Marco: anak hindi naman ako magagalit kung may gusto kay kay alyssa, alam mo naman na mahal kita at kahit sino pa ang mahalin mo matatanggap ko pero hinay hinay ka lang at bata ka pa... baka naman masyado kang ma in love... (paalala niya sa anak niya)
Paul: Oo nga tsaka parang gusto mo ng gulpihin yung tao kanina eh... (natatawang sabi niya sa pamangkin niya)
Anna: isipin mo si valdez, sisiga siga dito sa lugar natin, walang kinatatakutan... nakikipag suntukan nga iyon sa lalaki tapos kay Dennise lang tupi... (Sabi nito habang tumatawa)
BINABASA MO ANG
Trapped
FanfictionThis is a fan fiction story.if may pagkakahwig sa lugar or pagkakakilanlan ay hindi nangangahulugan na sila na ang tinutukoy sa istorya na ito. Thank you!