Akala ko okay na...
Akala ko puro na lang saya...
Akala ko wala ng katapusan pa...
Pero bakit parang ang gulo ng tadhana?
LANCE
This is the day! Sa wakas Sabado na din! Kinakabahan ako para sa proposal ko mamaya para kay Jasmine. Sobrang pressured ko nitong mga nakaraang araw para sa preparations dahil gusto kong maging perfect. Minsan nga nagtatampo na si Jasmine dahil hindi ko siya napupuntahan. Akala ko nga nakakahalata na eh pero mukhang hindi pa naman. Solid naman kasi yung mga alibi na sinasabi ko sa kanya.
Tinawagan ko si Josh para alamin ang ganap doon sa venue kung saan ako magpopropose. Agad naman siyang sumagot.
Calling Josh....
"Hello?" sabi ko.
"Oh bakit?" masungit na sagot ni Josh.
"Bakit ang sungit mo? Kamusta diyan sa venue? Okay na ba ang lahat?" tanong ko.
"Tsk... tsk.. oo okay na." masungit na sabi niya.
"Anong problema mo?" nakakunot noong tanong ko.
"You are starting to be like Ethan... ang lakas makalove sick puppy nitong proposal mo." sabi niya na ikinatawa ko.
"What's wrong with that? Wala namang mali kung corny at over ang proposal ko dude because I love her and she deserves the best at tsaka eh ano naman kung kagaya na ko ni Ethan... I don't mind... look at him, he is happy with his wife." sagot ko. Narining kong bumuntong-hininga siya.
"Whatever.... ang corny nito eh." sagot niya.
"Sus inggit ka lang eh... kasi magkakahappy ending na kami.. eh ikaw... nganga pa rin." tukso ko.
"Ang sama mo! akala mo! pag ako ikinasal, hindi ka invited." sagot niya na lalo kong ikinatawa.
"Bakit... ready na ba yung bride mo? eh parang gusto ka na nung ipalapa sa mga lions sa Africa eh." sagot ko at natahimik siya. "Hoy.. masyado kang seryoso... nagbibiro lang ako." dagdag ko ng hindi siya sumasagot.
"Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin sa kanya. Pakiramdam ko... ako na lang yung nagmamahal sa aming dalawa." sagot naman ni Josh.
"Ano ka ba... wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Sabi ko naman sayo di ba? Wag mong sukuan..." sagot ko.
"Hindi ko naman sinusukuan eh. Lahat na nga ng pride ko itinapon ko eh... pero wala... olats pa din. Pakiramdam ko hindi niya nakikita yung mga efforts ko. Pakiramdam ko ako na lang ata yung nagpipilit sa sarili ko sa kanya." malungkot na sagot niya. Napabuntong-hininga ako. Alam ko yung pinagdadaanan niya. Pinagdaanan ko din yan, though ramdam ko naman na mahal ako ni Jasmine noon kahit na madalas kaming mag-away. Ito kasing si Amber, matigas ang loob eh, mahirap tibagin.
"Mahal mo di ba?"tanong ko.
"Eh Puta kung hindi ko mahal yun... sa tingin mo ilalaban ko ba?" inis na sabi niya.
"Eh gago ka pala eh! Mahal mo naman pala eh anong nirereklamo mo!" sagot ko at natahimik siya. "Ganito lang kasi yan pre... alam kong napapagod ka, hindi naman kasi madali yan. Matigas ang loob niyang mahal mo, parang si Louise noon kay Ethan pero sa tingin mo ba, kung susuko ka... makakaya mong mawala siya sa buhay mo totally? Makakaya mo bang makitang may ibang lalaking magmamahal sa kanya? Makakaya mo bang tiisin yung bawat gabi na dapat siya ang katabi mo at hindi ka nag-iisa?" tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/197896929-288-k496983.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)
RomanceAng story ni Jasmine Rose Rivera, isang sikat na actress/model ay nagbalik na sa Pilipinas para sa upcoming movie niya after 5 years na pagkawala niya sa Pilipinas. She is ready to prove everyone that she is not just an actress but she is blockbuste...