Chapter 25: STOP

130 4 0
                                    

Sa tuwing maalala ko ang lahat, 

Sa tuwing tatanungin ko kung ako ba'y naging sapat...

Pero sa katotohanan ako'y muling namumulat...

Na hanggang dito na lang talaga ang lahat...

JASMINE

Umiiyak pa din ako dito sa loob ng kotse ko matapos kong maalala kung paano nga ba kami naghiwalay.  Matapos noon ay pinilit ko pa din siyang suyuin pero talagang sarado na ang isip niya. May mga nangyari pa matapos ng nangyaring pakikipaghiwalay niya sa condo niya na naging dahilan para sumuko ako noon sa kanya pero ayoko munang maalala. May kinalaman yun kay Kimberly pero ayoko munang isipin muli dahil masyado ng masakit ang dibdib ko. Masyado na kong nasasaktan sa mga ginagawa niya. 

Ang lakas ng loob niyang isisi sa akin ang lahat. Oo may kasalanan ako pero hindi ko iyon ginusto. Hindi ko ginustong hindi makauwi. Hindi ko ginustong iwanan siya. Isang pagkakamali ko lang, tinapon niya ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Isang beses lang akong nagkamali, lahat ng pagmamahal ko itinapon niya. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng luha ko. Hindi ko mapigilang magtanong sa sarili kung bakit kami humantong sa ganito. 

I thought everything between us was perfect. Akala ko mahalin lang namin ang isa't isa ay tapos na. Hindi pala, hindi pala sapat na mahal ko siya para lang manatili siya sa tabi ko. Oo may pagkakamali ako, siguro napabayaan ko yung pagmamahal na ibinibigay niya pero ako lang ba ang nagkamali sa aming dalawa?

He has change a lot, siguro nga dahil hindi niya na ko mahal because he can easily say harsh words towards me. Dati, umiyak lang ako, magtampo lang ako ay lagi na siyang naglalambing. Lagi kong natitibag lahat ng inis at tampo niya but everything now is different. He is acting like a cold stranger who never knew that I even existed in his life. Sabagay, madali niya lang naman akong binitawan noon, madali niya lang akong pinakawalan dahil lang sa napagod na siya. I thought I knew him all along pero madami pa pala akong hindi alam sa kanya.  Minsan iniisip ko, minahal niya kaya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya hanggang ngayon?  Dahil kung oo, siguro hindi magiging madali sa kanya ang bitawan na lang ako basta. Baka sakaling sinubukan niya pang ayusin naming dalawa. Siguro nga, hindi sapat ang pagmamahal niya para manatili sa tabi ko kaya pinili niyang iwan ako at isalba ang puso niya. 

Pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil wala namang mangyayari kung iiyak na naman ako. Nakakapagod ng umiyak. Mula ng makipaghiwalay siya ay wala na kong ginawa kung hindi umiyak na lang ng umiyak. Nakakapagod ng maghabol sa isang taong wala namang paki kung nasasaktan ka. Mas makakabuti siguro kung uuwi na lang ako o kaya makipagkita ako sa mga kaibigan ko kaysa umiyak ako ng umiyak dito. Nang bubuhayin ko na ang makina ng sasakyan ko ay nakita kong palapit sa kotse ko si Lance. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung saan ako nagpark. Lumapit siya sa bintana ng sasakyan ko at sumenyas na bumaba ako. Sa halip na bumaba ay binuksan ko lang ang bintana ng kotse ko para makita niya ko.   Nang makita niya ko ay kumunot ang noo niya. 

"Were you crying all this time?" nakakunot na tanong niya. "Maga na at namumula na ang mga mata mo." dugtong niya pa. 

"As if you care." sagot ko at pinipilit kong huwag tumingin sa kanya dahil alam kong iiyak na naman ako. "Now, may gusto ka pa bang sabihin? Hindi ko alam kung kaya pa ng sikmura kong tanggapin lahat ng mga masasakit mong salita...kaya utang na loob tama na." seryoso kong sabi sabay tingin sa kanya. 

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Ayan na naman siya, he is giving me signals that he is worried about me but then he will just dump me over and over again kapag umaasa na ko. Inabot niya sa akin ang isang paper bag. 

"Yan, kunin mo na." abot niya ng paper bag sa akin. Mukhang ibinibigay niya sa akin yung bag na pinagawayan namin kanina. Pagod na kong makipag-away sa kanya. Pagod na kong makipagbatuhan ng mga salita. 

"I don't need it. Ibibigay mo yan sa babaeng mahal mo di ba? Then give it to her. Pagod na ko Lance. Pagod na kong saluhin lahat ng galit mo sa mundo. Pagod na kong sisihin yung sarili ko kung bakit nagkaganito tayo. Pagod na kong mahalin ka...pagod na kong masaktan." sabi ko habang nakasilip pa din siya sa pinto ng kotse ko. "I know I hurt you... but you hurt me too.. so many times. Kailangan ba talagang maggantihan tayo?" dagdag ko at tumingin ako sa mga mata niya ng diretso. "Akala ko, pag bumalik ako, I will have the courage para ipakita sayo that we deserve a second chance. Pero siguro tama sila... tama sila ng sabihin nilang dapat tanggapin ko na hanggang dito na lang tayong dalawa. Siguro tama sila na dapat... tinanggap ko ng burado na ko sa buhay mo noon pa." Nakita ko ang iba't ibang emosyon sa mukha niya na ngayon ko lang ulit nakita. "Again I am sorry, yun lang kaya kong sabihin dahil kahit anong idahilan ko, sarado na ang isip mo. Pagod na din akong ipagtanggol yung sarili ko. Kaya ngayon, hahayaan na lang kita. Pinapalaya ko na yung sarili ko sa patuloy na pagmamahal sayo... kasi nakakapagod na." dagdag ko sabay sarado ng pinto ng kotse ko at muling pinaandar ulit yun. Iniwan ko siyang tulala at naiwang nag-iisa sa loob ng parking lot. 

Alam kong tama ang naging desisyon ko. Alam kong tama ng tumigil na ko sa kakaasa na may happy ending kaming dalawa dahil sa fairy tale na lang iyon nangyayari. Nasa reality na ko ngayon at wala na sa fantasy at romance na mababasa mo sa libro o mapapanood mo sa tv. Simula ng dumating ako sa Pilipinas ay wala na kaming ginawa kung hindi magtalo at mag-away na parang wala kaming pinagsamahan. Para kaming aso't pusa na walang respeto sa nararamdaman ng isa't isa. 

Nakakalungkot isipin na lahat ng magaganda naming ala-ala ay parang bula na lang nawala at naglaho sa kanya. Maybe I hurt him too much but he destroyed my heart too, noong panahong sinukuan niya ko. Nasa malalim akong pag-iisip habang nasa kahabaan ako ng EDSA ng biglang sunod-sunod na nagring ang phone ko. Nakita kong si Tita Ange ang tumatawag. 

"Hello Tita?" sagot ko. 

"Nasaan ka bang bata ka?" medyo inis na sabi niya. Napakunot ang noo ko. 

"Nasa EDSA po, nagmamaneho." sagot ko. 

"Jusko! mamamatay ako sa kunsumisyon sayo. Pumunta ka agad sa office ko." sagot niya. 

"Bakit Tita, anong ginawa ko?" nagtatakang tanong ko. 

"Haven't you read the news? Kalat na kalat na sa balita na nag-away kayo ni Arthur sa isang shopping mall at nakita ng mga tao na umiiyak ka. Pinagpipyestahan na kayo sa tabloids." halos mapasigaw na si Tita Ange sa kabilang linya. 

"What? Paanong nangyari yun?" tanong ko. 

"Ask the sales lady then, sa harapan niya pa kayo nag-away! Kakabalik mo lang Jasmine, at pinuputakti na tayo ng mga chismis. I need you here now. We need to think of a plan para matigil na ang issue ninyo." sabi niya. 

"Okay Tita, I'm on my way." sagot ko. 

"Good." sagot niya at nawala na siya sa linya. 

Agad akong nagbrowse ng internet gamit ang phone ko at tiningnan ang trending na topic sa internet. 

JASMINE AT ARTHUR MUKHANG MAY UNFINISH BUSINESS PA

JASMINE MUKHANG NAGHAHABOL PA KAY ARTHUR

ARTHUR AT JASMINE NAKITANG NAG-AAWAY SA ISANG SHOPPING MALL

ARTHUR, MUKHANG SHOWBIZ LANG ANG PAGSAGOT NA GUSTO NIYA PANG MAKATRABAHO ANG EX NA SI JASMINE

JASMINE AT ARTHUR MORTAL NA MAGKAAWAY NA NGAYON!

Madami pang news article sa amin. Diyos ko naman! wala na bang ikatatahimik ang buhay ko! mamundok na lang kaya ako! Letcheng buhay ito oh! 

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon