Sa isang liblib na lugar, sa may Hilagang Mindanao, may naninirahang mag-asawa. Mayroon silang nag-i-isang anak na si John. Kahit wala sila masyadong kapitbahay ay masaya parin silang namumuhay.
Si John ay napakamasayahing bata. Wala man siyang kalaro, araw-araw parin siyang nagpupunta sa gubat sa likod ng kanilang bahay. Lagi siyang naglalaro sa mga nagtataasang mga puno. Umaakyat, lumalambitin, at kung ano-ano pa, iyan ang gawain ni John sa araw-araw.
Isang araw muling nagpunta si John sa gubat sa likod ng kanilang bahay. Bigla niyang nakita ang isang batang babae na naka-upo sa ilalim ng punong paburito niyang paglaroan. "S-sino ka?" Tanong ni John sa batang babae na kasalukuyang nakatalikod sa kanya. Napalingon ang batang babae at biglang tumakbo papasok sa napakasukal na gubat. "Hoy! Saan ka pupunta? Wala nang nakatira at bahay diyan!" Sigaw ni John. Ngunit parang hindi siya nito naririnig dahil hindi man lamang siya nito nililingon. Napakamot na lamang si John sa kanyang ulo dahil hindi man lamang niya nakilala kung sino ang batang nakita niya.
Kinabukasan ay muling nagpunta si John sa gubat sa likod ng kanilang bahay. Muli nanaman niyang nakita ang batang babae at tulad ng dati ay naka-upo nanaman ito sa paburito niyang puno upang paglaroan. Dahil tulad ng dati ay nakatalikod ulit ito sa kanya ay naka-isip siya ng paraan upang hindi na makatakbo ang bata at para makilala na niya ito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa may likoran ng batang babae. Bigla niyang hinawakan ang balikat ng batang babae at biglang nagsalita. "S-sino ka?" Bigla namang napalingon ang batang babae at akmang tatakbo na ngunit hinigpitan ni John ang hawak sa balikat ng batang babae. "Sino ka?" Pag-u-ulit ni John sa kanyang tanong. "Haah?" Sabi ng batang babae na para bang hindi alam ang sinasabi ng batang lalaking nasa kanyang harapan. "Sabi ko sino ka. Tinatanong ko kung ano ang pangalan mo." Paliwanag ni John. "A-ano yung p-pangalan?" Nagtatakang tanong ng babae. Napakamot sa ulo si John at saka nagsalita. "Ang pangalan ay yung tinatawag nila sa iyo." Muling paliwanag ni John. "Aah... Ang tinatawag n-nila sa a-akin ay... F-Farxa!" "Aah ok Farxa pala ang pangalan mo." Sa boong araw na iyon ay nag laro lamang ng naglaro ang dalawang bata. Bago matapos ang araw ding iyon ay agad ding nagkapalagayan ng loob ang dalawang batang sina John at Farxa.
Dumaan ang maraming mga araw ay lalong nagkakapalagayan ng loob ang dalawang bata. Ngunit nagtataka si John dahil twing hapon kapag papalubog na ang araw ay bigla-bigla na lamang na tumatakbo si Farxa patungo sa loob ng gubat. Kaya naman isang hapon ay naglakas na ng loob si John na tanong ang kaibigan kung bakit laging doon siya palaging tumatakbo sa loob ng gubat twing hapon. Habang sila ay nag papahinga sa taas ng paburito nilang puno ay doon naisip ni John na magtanong. "A-aah F-Farxa..." Tawag ni John saa kaibigan. "Hmmm? Ano yun?" Sagot naman ni Farxa sa kaibigan. "A-ano kasi... A-aah... B-bakit ka palaging tumatakbo doon?" Sabay turo ni John sa loob ng gubat. "Haah?" Gulat na sabi ni Farxa. "T-twing h-hapon?" Nauutal na sabi ni John. "G-gusto mo ba talagang malaman?" Tanong ni Farxa sa kaibigan. "Oo naman!" Natutuwang sagot ni John. "S-sige sumama ka sa akin." Lalong natuwa si John dahil malalaman na rin niya kung bakit palaging doon nag pupunta sa loob ng gubat si Farxa. Biglang napatigil si Farxa. "Sigurado ka na ba na gusto mo talagang malaman kung bakit ako dito pumupunta? H-hindi ka kaya magalit sa akin?" "Bakit naman ako magagalit? Eh masmaganda nga to eh kasi mas makikilala kita." Nakangiting saad ni John. "Ok kung iyan ang gusto mo..." Muli silang nag lakad patungo sa loob ng masukal na gubat. Mayamaya pa ay dumidilim na ngunit hindi parin sila tumitigil sa paglalakad. "A-ahh Farxa... Malayo pa ba tayo?" Nag-aalalang tanong ni John sa kaibigan. "Malapit na tayo." Sagot ni Farxa.
Mayamaya pa ay may nakita si John na isang bagay na mukhang isang pinto. " A-ano yan?" Nagtatakang tanong ni John sabay turo sa bagay na kanyang nakikita. Paglingon ni John kay Farxa ay binigyan lamang siya nito ng isang ngiti sabay lapit sa kung ano mang bagay na iyon. Pagkalapit ni Farxa sa bagay na parang pinto ay bigla itong nagliwanag. May sinabi si Farxa na linguwahe na hindi maitindihan ni John. Pagkatapos mag salita ni Farxa ay maslumiwanag ang kung ano mang bagay na yun na nasa harapan ni John. " Hali ka dito John!" Tawag ni Farxa kay John. "I-isa kang alien?" Gulat na tanong ni John. "Hahaha, oo, bakit?" Nakangising sabi ni Farxa. bigla-biglang nag bago ang hitsura ni Farxa. Mula sa isang napakagandang bata ay biglang lumiit at nagiging kulay asol ang katawan nito at lumaki naman ang ulo nito. Papahalang ang mga mata nito at malalaki at mahaba ang ilong, mayroon din itong malalaki at mahahabang mga pangil. Bigla itong nagsalita sa malaking boses. "Siya nga pala... Sasama ka sa akin! Hahaha! At wala ka nang magagawa whawhawha!" "Whaaaaaaaahhh!!" Sigaw ni John nang bigla siyang hilahin ng kung anong pwersa na nanggagaling sa bagay na nagliliwanag. "Hwaaaaaaaaaaag! Hwaaaaaaaaaaaaaaag! Hwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!" Sigaw ni John hanggang tuloyang mapasok sa loob ng bagay na iyon. Bigla na lamang nawala ang bagay na iyon at sina Farxa at John. Hanggang ngayon ay wala paring nakaka-alam kung anong nangyari kay John at sa kaibigan nitong si Farxa. Ngunit isa lang ang sigurado, ang kaibigan ni John ay hindi nakatira sa mundong ito.
Sory nga pala guys kung medio, alam niyo na hahaha ang ating kwento this is the first story pa lang naman eh. Don't worry sa mga next stories ay siguradong mag-i-enjoy na kayo! Hahaha get ready!...
Thank you for reading! Hope you enjoy!
Don't forget to vote and comment!
See you next time guys!
BINABASA MO ANG
Tagalog Short Horror Stories
HorrorCompilation Ang libro pong Ito ay nag-lalaman ng mga maiiksing kwento ng mga kababalaghan na hindi maipaliwanag. Humandang matakot, kabahan, at kilabutan! updating