5. Dormitoryo (FICTION)

326 4 1
                                    

Andru's POV

"Andru! Andru!" Tawag sa akin ni Rey. "Andiyan na!" Sigaw ko pabalik. Papunta kami ngayon sa school. Katatapos lang ng summer vacation namin. Excited akong pumasok dahil magdo-dorm na rin ako sa wakas. "Andru, bilisan mo na riyan! Kanina pa rito sina Rey!" Sigaw sa akin ni Mama. Agad na akong lumabas ng aking kwarto at agad kong nakita ang aking mga kaibigan na sina Rey at Fred. "Ma, alis na po kami!" Paalam ko kay mama. "Mag-iingat kayo roon ha? Huwag makikipag-away." Habilin nito sa amin at pagkasabi niya nito ay agad na kaming umalis at nagtungo sa school.

Pagdating namin sa school ay agad kaming nagpunta sa aming dormetory manager para mag attendance. "Good morning po Mr. Santos..." Sabay-sabay naming bati sa aming dormetory manager. "Good morning din..." Bati naman nito pabalik. Pumirma na kami sa attendance.

Pagkatapos naming pumirma ay ini-abot na sa amin ni Mr. Santos ang dorm key namin. "Oh, ito ang susi ng dorm ninyo. Room 206 kayo. Enjoy your stay..." Nakangiting paliwanag sa amin ni Mr. Santos. "Wala naman pong molto roon ano?" Natatawang biro ni Fred. "To sea is to believe..." Natatawang sagot ni Mr. Santos. Nagtawanan naman kami.

Natapos ang boong araw na iyon ng normal. Nang hapon na ay umakyat na kami sa dorm. nang pumasok kami ay agad kaming nahiga sa mga napili naming kama. Ang dorm room namin ay mayroong dalawang tripledeck. Magkaharapan ito, so may space siya sa gitna. Sa bandang kaliwa kami pumwestong magbabarkada dahil may mga gamit na sa kanang bahagi. Ang mga puwesto namin ay ganito: Ako sa baba, si Rey naman sa pangalawa, at si Fred naman sa pinakataas.
Maya-maya pa ay biglang May dumating. Mga dormmates pala namin. Agad naman kaming nagkakilala at sila ay sina: Roy, John, at Nick.

Sa mga unang gabi ay maayos naman ang pamamalagi namin sa dorm room na iyon. Ngunit dumating ang isang hapon na hindi namin ina-asahan.

Third person's POV

Pagkatapos ng klase ay umakyat na ng dormitoryo ang mga magkakaibigan na sina Andru, Rey, Fred, Roy, Nick, at John. Laking gulat naman nila ng makita ang isang manikang nakahiga sa gitna ng mga kama nila. Sira ang damit nito at puro dumi ang katawan na maykahalong dugo. Napaatras sila ng biglang tumaas ang ulo nito at tinignan sila. Para namang naparalisa ang mga katawan ng anim at hindi nila naigalaw ang mga katawan nila. Dahan-dahang tumayo ang manika kasabay ng paglitaw ng isang nakakatakot na ngisi sa mukha nitong puno ng dugo.

Paghakbang ng kanang Paa nito ay biglang sumara ang pinto ng kwartong kinalalagyan nila. Nang marinig nila ang pagsara ng pinto ay saka lamang sila nakagalaw. Agad silang pumunta sa pinto para buksan ito. Ngunit kahit anong pilit nila ay ayaw nitong bumukas. "Bwahahahahaha!!!" Isang malakas at nakakatakot na tawa ang pinakawalan ng manika na nakapagpalingon sa anim. Ngunit ng paglingon nila ay isang manikang may anim na ulo ang bumungad sa kanila. Agad itong lumapit at gamit ang mga maliliit nitong mga bibig ay kinain nito ang lamang-loob ng anim.

Kinabukasan ay nakangiting pumasok si Mr. Santos. Hindi na kasi siya kukulitin ng alaga niya.

Don't forget to vote and comment guys!
Thank you for reading!

Tagalog Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon