LORENCE'S POV
Andito ako ngayon sa sala ng inuupahan kong bahay. Dayoff ko ngayon at kasalukuyan akong nanunood ng TV. Nagtatrabaho ako bilang isang manager sa isa sa mga sikat na kumpanya rito sa bansa.
~kriiiiing!~ ~kriiiiing!~ ~kriiiiing!~ ~kriiiiing!~
Agad kong kinuha ang celphone ko na nakapatong sa senter table ko rito sa sala ng bahay ko matapos kong marinig ang pagri-ring noon. Nang tignan ko ang caller ay agad akong nagtaka ng makitang ang boss ko ang tumatawag. Hinaan ko muna ang vulliume ng TV 'tsaka ko sinagot ang tawag. Nakakahiya naman kung maingay ang background ko.
"Hello, sir?" saad ko pagkasagot ko ng tawag.
"Lorence, pwede bang makahingi ng favor?"
Nagulat naman ako dahil sa narinig ko. Minsan lang humingi ng pabor si sir. May mga sabi-sabi ring mahirap daw ang mga ginagawa pag-favor ni sir.
"Sige na Lorence? Please?"
Lalo akong nakaramdam ng pagtataka dahil sa tono ng pagkakasabi noon ni boss ay para bang nagmamakaawa na ito. Agad ko namang pinag-isipan kung tatanggapin ko ba ang pabor na hinihingi sa akin ng boss ko.
"Sige boss...ano po ba ang gagawin ko?" pagpayag ko sa sinasabi niyang pabor.
"'YON!!!! Thank you Lorence!"
Ilang beses pa siyang nagpasalamat sa akin na lalo ko namang pinagtaka. Ano na kayang nangyayari sa kanya? Ngayon ang unang pagkakataon ko siyang marinig na sobrang tuwang-tuwa. Matapos ang ilang sandali ay tumahimik ang kabilang linya.
"Boss?" tawag ko rito.
Lumipas pa ang ilang sandali bago ko narinig ang boses ni sir sa kabilang linya.
"Lorence, I want you to promise me that no matter what happens, no one will know that I gave you this task, okay?"
Agad akong nakaramdam ng munting kilabot dahil sa sinabi niyang iyon. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung tatanggapin ko ba ang pabor na hinihingi ng boss ko.
"Ano, Lorence?"
Napabalik ako sa riyalidad dahil sa pagtawag sa akin ng boss ko.
"Okay po, boss."
"Salamat talaga, Lorence! Hayaan mo, pagbalik mo rito, mayaman na kayo."
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon. Hindi na ako nagdalawang-isip at tinanggap ko na ang pabor na iyon.
*_*_*
Lumabas na ako ng bahay tsaka nagpunta sa garahe. Kinuha ko ang kotse ko at nagsimulang magmaneho. Madali lang naman pala ang pabor na iyon ni Sir, a-attend lang ako ng semenar sa isang medyo liblib na lugar bilang representative ng kumpanya namin. Kumpanya kasi namin ang isa sa mga sponsor ng project doon, para sa mga estudyante.
Habang nagmamaneho ay tinignan ko ang oras. 5:00 PM na pala. Nang tignan ko naman ang maps ay mahigit dalawang oras pa ang kailangan kong ibiyahe para makarating sa venue ng semenar. Medyo nakakapagtaka lang kasi gabi ginanap ang semenar na iyon. Pero wala akong paki-alam doon, basta pagbalik ko galing doon ay mayaman na kami. Nagpatugtog na lamang ako habang nasa biyahe.
Napalingon ako sa may dashboard ng marinig kong mag-vibrate ang phone kong nakapatong doon. Nakita kong si Boss ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Hello, Sir?"
"Lorence, nasaan ka na?" agad na tanong niya.
"On the way pa lang po-"
"Hindi mo pa nadadaanan iyong tunnel?"
Nagtaka ako dahil parang nagmamadali ang boses ni Boss.
"Wala pa naman po akong nadadaanan, bakit po?" takang tanong ko.
"Ahhh, sige, sige..."
Naputol ang linya pagkatapos niyang sabihin iyon. Bahagya mang nagtataka, pinagpatuloy ko pa rin ang pagmamaneho.
Bahagya nang dumidilim ang paligid kaya binuhay ko na ang headlights ng sasakyan ko. Nang tignan ko naman ang paligid ay mga punong nagpapaligsahan sa kataasan na lamang ang tangi kong nakikita. Wala ring streetlights sa kalsadang ito. Pasalamat na lamang ako at semento at hindi batuhan ang daan rito.
Few minutes had passed, at wala pa rin akong nakikitang kahit anong bakas ng mga bahay or even a cross road.
'In 100 meters, turn left.'
Nang kumaliwa ako ay agad kong napansin ang isang tunnel sa hindi kalayuan. Lalo pang dumilim ang paligid ng pumasok na ang sasakyan ko sa loob ng tunnel. Habang nasa loob ako ay parang iba ang aking nararamdaman. Tila ba'y may nakatingin at nagmamasid sa akin. Inilibot ko ang paningin ko, but darkness is all that I see. Nagsimula na akong kilabutan ng todo. Naramdaman ko ang pagtayo ng aking balahibo sa aking batok.
~Bloogs~
Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan ng may mabanggang kung ano ang kotse. Nanginginig man ang kamay, bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko upang tignan kung ano iyon ng may maramdaman ako sa likod ng kotse. Nang tignan ko ito na sana'y hindi ko na ginawa, nakita ko ang isang bulto ng tao, isang babae. Mahaba ang buhok nito na natatakpan ang kanyang mukha. Gusto kong sumigaw pero parang nawala ang boses ko.
"Magmaneho ka." Utos nito sa malaking boses.
I unconsciously followed her. Hindi ko alam pero parang nasa ilalim ako ng isang panghihipnotismo. Para bang kahit anong iutos niya'y susundin ko.
"Tumigil ka na."
Agad kong itinigil ang kotse ng marinig iyon. Bigla akong nabalik sa katinuan ng makita ko ang isang kotseng papalapit sa amin. Akmang sisigaw na ako ng hawakan ng isang kamay na parang goma ang bibig ko. Napaluha na lamang ako dahil sa kawalan ng pag-asang makakawala pa ako rito. Akmang pipindutin ko na ang busina ng maisip kong pwede kong ipangtawag ito ng pansin ng may humawak doon. At doon ko lamang napagtantong hindi kamay kundi dila ang nakatabon sa bibig ko.
Tumigil ang kotse sa harap ng kotse ko at laking gulat ko ng makitang lumabas mula roon si boss. Anong ginagawa niya rito? May lumabas na lalaki mula sa kadiliman at kinausap ito ni Boss. Nakita ko pa ang pagturo-turo sa kotse ko ng kausap ni Boss at maya-maya pa ay may inabot itong isang case na kulay itim sa boss ko.
Nakita ko pa ang pagtingin ni Boss sa gawi ko bago pumasok sa loob ng kotse niya at paharurutin ito paalis. Naramdaman kong may tumusok sa pisngi ko na parang isang malaking karayum, and everything went to darkness.
*_*_*
Kinabukasan, gulat na gulat ang pamilya ni Lorence ng makatanggap sila ng isang kulay itim na package. Nang buksan nila ito ay nakita nila ang isang case na naglalaman ng milyon-milyong halaga ng pera. At isang camera na naglalaman ng video kung anong mangyayari sa kanila kapag hinanap pa nila si Lorence. Sa halip na maging masaya sila dahil sa pera ay nalungkot sila sa kaalamang hindi na nila muling makikita ang isaang miyembro ng kanilang pamilya.
Hindi na nila muling makikita si Lorence.
E N D
______________________________
______________________________
______________________________
:)
BINABASA MO ANG
Tagalog Short Horror Stories
HorrorCompilation Ang libro pong Ito ay nag-lalaman ng mga maiiksing kwento ng mga kababalaghan na hindi maipaliwanag. Humandang matakot, kabahan, at kilabutan! updating