3. Road trip #1: Pinto sa Norte (FICTION)

681 10 1
                                    

Hi guys!
As you can see, the title is road trip.1. So, magkakaroon pa ng iba pang story na katulad nito! I mean, katulad ng situation pero ibang story.
So, hito na!
Enjoy reading!

Leon's POV:

Nag-da-drive ako ngayon papunta sa school. Nang may nakita akong isang nakaputing babae sa gilid ng kalsada at pinapara ako. "Leooooon!" Rinig kong tawag noong babae sa akin pagkapantay ko sa kanya. "Uy, ikaw pala Marga!" Agad akong lumabas ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.
Nang makarating na kami sa school ay agad kaming sinalubong ng iba pa naming mga katropa na sina, Kate, Mike, at Josep. "Pre tuloy tayo mamaya ha?" Sabi agad ni Mike pagkalapit na pagkalapit nila sa amin. "Oo naman! Nakapag paalam na ba kayo?" "Oo naman yes!" Halos sabay-sabay nilang sagot na lahat.

Third person's POV:

Dumaan ang boong maghapon na iyon na isang normal na araw para sa mga magtropang sina Leon, Marga, Kate, Mike at Josep.
"Tara na guys!" Masiglang bati sa kanila ni Josep ng magkitakita sila sa gate ng paaralan nila.

Leon's POV:

Sumakay na kami sa aking kotse. At nag simula na ang aming road trip. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. "Doon tayo sa sinasabi nilang pinto daw ng impyerno." Sohistion ni Mike na sinang-ayonan ng lahat.
Habang binabagtas namin ang kalsada patungong norte ay sobrang ingay namin dahil nagpapatogtog kami ng malakas habang kumakanta ng malakas. Mayamaya pa ay may bigla akong may nakitang isang asong itim sa gitna ng kalsada. Binusinahan ko yung aso para tumabi, pero hindi manlang ito tumayo ni lumingon. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan kaya huli na ng matapakan ko ang preno. Pumailalim ang asong iyon sa aking sasakyan. Agad kaming bumaba ng sasakyan upang makita kung ano ang nangyare sa asong iyon. Ngunit ng tingnan namin ang ilalim ng aking sasakyan ay wala kaming nakita maliban sa isang manikang itim na halos nahati na dahil nasagasaan ko pala ito. "Leon. Siguvrado ka bang may nakita kang aso dito?" Tanong sa akin ni Kate. "Oo nga. Hindi ako pewedeng magkamali. Nak-opo pa nga siya diyan eh." Sabi ko habang itinuturo ang kinalalagyan ng manika. "Baka namalikmata ka lang." Sabi ni Mike. "Kapapanood mo yan ng mga horror movies." Dagdag pa niya. "Siguro nga..." Nasabi ko na lamang at sumakay na kami ulit sa aking sasakyan.
Nang medio gabi na, siguro mga alas-7 na ng gabi noon. Ay malapit na kami sa aming pupuntahan ng biglang may itinuro si Marga sa may gilid ng daan. "Guys! Tingnan niyo yun oh!" Sabi niya sabay turo sa isang malaking puno sa tabi ng kalsada. "Andito na tayo!" Dagdag pa niya.

Third person's POV:

Nang malipasan na nila ang punong iyon ay bigla silang nakaramdam ng kakaiba. Ngunit ipinagpatuloy lang nila ang pagbaybay sa kalsadang iyon. Mayamaya pa ay may nakita silang isang usok na kulay itim na nag korteng tao. Nanlilisik ang mga mata nitong pulangpula, at meron itong pitong sungay ngunit wala itong ilong. Matatalas din ang mga pangil nito na nakangiti sa kanila.
Agad na ikinabig ni Leon ang manobela ng sasakyan at pinaharorut pabalik sa lungsod. Ngunit naabotan sila ng kung ano mang humahabol sa kanilang iyon at inihampas nito ang kanilang sasakyan sa isang puno roon.
Kinabukasan ay kumalat ang balitang bumangga raw ang sasakyan nina Leon sa isang puno malapit sa likod ng kanilang school. Ngunit ang pinagtataka ng mga tao ay kung paano nakita roon ang kotse ni Leon eh wala namang pwedeng daanan ang kahit anong sasakyan papunta roon. Isa pa, bakit wala ang mga katawan nina Leon doon.


So yun guys!
Thank you for reading!
Pasensya na kung medio maikli ang ating story ngayon. Bawi na lang ako sa mga next chapters.
Hwag niyo parin kakalimutang mag-comment at paki-vote na rin. Hahaha...

#JVM_22

Tagalog Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon