Troi's POV
"Anak, hindi muna kita maihahatid sa school mo ha? Kailangan na muna kasing magtrabaho ni papa." Sabi ko sa aking anak na si Anna.
"Oh Leann, ikaw na muna bahala sa kapatid mo ha?" Bilin ko sa aking panganay. Huwag mong iiwanan kapagnasalabas kayo ng classroom.." Dagdag ko pa.
"Opo pa!!!" Sagot naman nilang dalawa.
Ako nga po pala si Troy, 35 years old, single dad sa aking dalawang anak. Ang aking panganay ay si Leann, 18 years old. Mabait at lagi niyang inaalagaan ang kanyang bunsong kapatid na si Anna, 6 years old.
Ang aking asawa ay naamatay noong 3 years old pa lang si Anna. Hindi namin alam kung ano ang ikanamatay niya, basta next story na lang po yon. Kasi paranormal din po kasi eh.
Lumabas na kami ng bahay, pagdating sa kanto papasok sa school nila ay doon na kami nagkahiwalay.
Pagdating ko sa gasoline station ay wala pa masyadong customer.
"Good morning sir.." nakangiting bati ko sa pinakaunang customer ko. Boong maghapon ay naging ganoon lamang ang takbo ng trabaho ko.
7:00 na ng gabi at mag-eempake na sana ako ng mga gamit ko para umuwi ng may puting van ang huminto sa gasoline station na binabantayan ko.
"Limang litro nga??" maangas na saad ng driver na nakamask. Napatingin naman ako sa loob ng van matapos may marinig na ungol roon. Ungol na parang umiiyak.
"Boss, may kasama ba kayo riyan?" pasimpleng tanong ko.
"Wala. Wag ka ngang magtanong?!" halata kong naiinis na ito.
"Wait lang boss may kukunin lang ako." sabi ko at agad na tumakbo papunta sa locker room.
Pagkapasok ko sa locker room ay agad kong tinawagan ang mga pulis. Habang kinakausap ko sa kabilang linya ang pulis ay naramdaman ko ang mga yabag ng taong mula sa puting van. Agad akong pumasok sa banyo dahil wala na akong ibang pupuntahan.
Nang makapasok ako sa unang qubicle na nakita ko ay agad ko itong ni-lock. Habang nasa loob ako ng qubicle na iyon ay pinakiramdaman ko ang aking paligid. Maya-maya pa ay may narinig akong pagbukas ng pinto at sigurado akong sa banyo na iyon.
Ilang pagbukas at pagsara ng mga pinto ang narinig ko bago ko narinig ang usapan nila.
"Wala naman yata 'yon dito boss eh.. tara na?" narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Oo nga.. tara na." narinig kong sabi ng isa pang lalaki na sa tancha ko'y boss nila.
May narinig pa akong mga yabag ng paa na papalabas ng banyo. Narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pinto, hudyat na nakalabas na sila ng banyo.
Nang marinig ko na ang mga serena ng mga pulis ay saka ko binuksan ang pinto ng qubicle na pinagtataguan ko. Ngunit laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay may baril na nakatutok sa ulo ko.
"Akala mo maiisahan mo kami?" narinig kong sabi nung parang boss nila. Nginitian ko lamang ito na ikina galit nito. Narinig ko ang pagputok ng baril na naka tutuk sa ulo ko. Ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malaya ay narinig ko pa ang mga mura nila ng marinig ang pagtigil ng mga kotse ng mga pulis.
Leann's POV
Narinig ko ang isang putok ng baril mula sa loob ng gasoline station bago tumigil ang mga kotse ng mga pulis. Wala na akong nagawa kundi ang humagulgol habang kinakalagan ako ng mga pulis. Ang balang iyon, ang balang narinig kong kumawala sa baril na nasa loob ng station, iyon ang balang siguradong kikitil sa buhay ng pinakamamahal kong tatay.
~THE END...~
AUTHOR'S NOTE:
TSHS, IS NOW OPEN FOR YOUR TRUE/FICTION STORIES! Kung meron kang kwentong gustong marinig/mabasa ng iba, just send it to me on:Facebook: https://facebook.com/jerald.mizon.22
THANK YOU SOOO MUCH SLEEPIERS!
- s l e e p y h u n t e r

BINABASA MO ANG
Tagalog Short Horror Stories
HorrorCompilation Ang libro pong Ito ay nag-lalaman ng mga maiiksing kwento ng mga kababalaghan na hindi maipaliwanag. Humandang matakot, kabahan, at kilabutan! updating