Leo's POV:
Andito ako ngayon sa bahay namin at naghahanda para sa road trip ng aking mga katropa. Syempre kasama ako at mga jowa namin dahil Valentine's day ngayon at napagdesesionan naming mag-road trip na lang dahil nakakasawa na raw kung palagi na lang kain sa labas ang aming ginagawa. "Leooo!" Narinig kong tawag sa akin ng aking pinakamamahal na nobya na si Ami. "Oy, nandiyan ka na pala!" Bati ko sa kaniya. "Ano, are you ready?" Tanong niya sa akin. "Yes of course ako pa ba? Kailan ba ako hindi naging ready pagdating sa iyo at sa tropa? Always ready!" "Siya tara na!"
Pagdating namin sa lugar na napag-usapan namin ay nandoon na ang aming mga katropa at kami na lang pala ang hinintay. "Oh, nandiyan na rin kayo at last!" Pambungad na bati sa amin ni Fate. "Tara na!" Halos sabay-sabay naming sigaw. At nagsimula na ang aming road trip na inakala naming magiging masaya. Ngunit iyon pala ang road trip na makapagbabago ng aming mga buhay.
Third person's POV:
Binabaybay nila ang isang mapuno at magubat na kalsada ng makaramdam si Adolfo ng tawag ng kalikasan. Si Adolfo ay joa ni Fate. "Leo, pwede ba muna akong mag bawas ng tubig sa aking katawan?" Tanong niya na halatang halata ang pagpipigil ng ihi. "Leo, pa-ihiin mo na muna ito, at baka magkalat pa ito rito." Natatawang saad ng kanyang katabi na si Fate kaya nakatanggap siya ng batok sa kanyang katabi. Agad na inihinto ni Leo ang kanyang sasakyan at si Adolfo naman na bumaba upang umihi..
Adolfo's POV:
Agad akong lumapit sa isang puno roon at naglabas ng nasa loob. May nakita akong isang bilogang ilaw sa hindi kalayoan. Agad akong nagmadaling bumalik sa sasakyan at sinabihan si Leo na ipaharrot na ang sasakyan pabalik. Nung una ay tinawanan pa nila ako ng malakas. Ngunit dahil doon ay mukhang napansin kami ng kung ano mang bagay na iyon. "Waaaaaaaaaaah!" Bigla kong narinig ang sigaw ni Fate. Nakita ko na lamang na hinahabol na kami ng kung ano mang bagay na iyon. Mayamaya pa ay nakita na Lang namin na nasa tapat na ng sasakyan namin ang liwanag na iyon. Nang matingnan namin ng malapitan ang bagay na iyon ay nakita namin na may mga nakasakay doon. Pagkatapos noon ay biglang umangat ang aming sinasakyan. At ng magising ako ay wala na ako sa loob ng sasakyaan. Nakita ko rin sina Leo, Ami, at Fayte na nakahiga sa gilid ko. Nang ilibot ko pa ang aking paningin ay marami pa pala kami ritong kasamang mga tao. Ang nakapagpakilabot sa akin ay may nakita akong isang kulay puting nilalang na nakatingin sa akin. At nagulat ako na bigla-bigla na lamang umangat ang aking kinahihigaan. At nagimbal ako sa aking nakita. Nakita ko ang planetang earth na palayo ng palayo sa aking paningin.
Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!#JVM_22

BINABASA MO ANG
Tagalog Short Horror Stories
HorrorCompilation Ang libro pong Ito ay nag-lalaman ng mga maiiksing kwento ng mga kababalaghan na hindi maipaliwanag. Humandang matakot, kabahan, at kilabutan! updating