After 1 month......
Nakaone month na pala ako sa pagacting.
Kung date masyado akong makwenta sa ginagawa ko.....
Ngayon di na masyado. ^_^
Siguro nasanay na ako.
These days ewan ko ba...
Wala namang concrete at halatang signs sa sakit ni Caitlin pero this day.....
Iba na....
MagpP.E kase sila....
150 m dash.
Nauna ang mga babae. Syempre isa sya doon.
Ako naman nanonood sa kanila.
Nakatakbo naman si Caitlin kaya lang...
Di pa man nya nakakalahate...
Bumagsak si Caitlin.
Ewan ko ba kung anong nagudyok sa akin para yumakbo at puntahan ko siya....
Ang alam ko lang....
Kailangan nya ng tulong.
Ako: Caitlin! Ayos ka lang ba?
Caitlin: (nagsmile. Habang nagpapagpag ng dumi sa uniform) Yup. Ayos lang ako.
Ako: sure ka ahh?? (sabay abot sa panyo na dala ko)
Alam ko namang oo dahil sa smile nya.
Caitlin: oo naman. (umubo...)
Pagtingin ko sa panyo na binigay ko sakanya.
Ako: Caitlin! MAy dugo!
Caitlin: Hala oo nga! Baka naman nasugat lang throat ko sa kakasigaw.
Kahit kailan......Ganyan talaga si Caitlin.
Gagawa at gagawa sya ng paraan para maging magaan ang sitwasyon.
Ako: Wag ka nlang kayang tumuloy?
Caitlin: Ano ka ba. Kaya ko to. Wala naman yun e.
Bago pa man sya makapagsimula sa pagtakbo nya ulit.... Pagkahakbang palang nya....
Nawalan siya ng malay!!!!!
Ako: Caitlin! Caitlin! Caitlin!
Dinala namin siya sa pinakamalapit na hospital.
Di ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba.
Ngayon na kaya yung panahon na malalaman niya ang sakit nya?
Pero ang mas dapat itanong.....
ANO ANG MAGIGING REAKSYON NYA KAPAG NALAMAN NYA?
END OF CHAPTER 14
