Laro

1 0 0
                                    

Ceneldy: ... WTF! EH SIKAT NA MGA LARO 'YUN EH! KUNG SI PILO ANG GUMAWA NUN, EH BAKIT SA ESKINITA KAYO NAKATIRA BAGO KAYO LUMIPAT SA BAHAY NA 'TO?!

Pilo: Kalma lang, boi. Inom ka muna ng tubig.

Cindy: Mwahahahahahaha! *tingin kay Pilo* Burn!

Pilo: *kutos* Manahimik ka Cin! *harap kay Ceneldy* Ganito kasi 'yun. Kalahati ng kita ng mga nagawa kong laro eh binibigay ko sa bebe ko. 'Yung 1/4 ng natira 'yung panggastos namin ni Cin. Tapos 'yung natira naman ay pang-R&D ng games. Gets?

Bago pa makaimik si Ceneldy ay biglang may nag-wangwang.

Cindy: Anak ng putspa! Anong ingay 'yun?!

Ceneldy: Fck. Andito na naman s'ya. Dapat siguro mas pinatibay ko pa 'yung pesteng security na 'yan eh! GUARDS! SINONG NAGPAPASOK SA PTANG YAN SA PAMAMAHAY KO?!

Guard na naka-assign sa may gate: S-sorry po ma'am! Utos daw po ng tita n'yo!

Ceneldy: Urgh!

Pilo: *inom ng juice mula sa kung saan man* Aahhhh~ Burp. Ano bang meron, Ceneldy? Sino bang pesteng nakapasok at naghihimutok ka d'yan?

Ceneldy: Ang fiance ko, unfortunately. Urgh, bwiset! Akala siguro ni tita hindi ko alam na kaya ko lang naging fiance yung Napoleon na 'yun eh kasi may shady business silang dalawa. Hmph!

Maid: *knocks on door* Miss Nel, nasa study room po si Mr. de Castillejo.

Ceneldy: Susunod ako. Saka pala, yaya.

Maid: Ano po 'yun, Miss Nel?

Ceneldy: Nakikita mo ba si sir Adolf mo?

Maid: *tingin kay Pilo* Opo, Miss. Bakit po?

Ceneldy: Kapag nataboy ko na yung ipis sa study room KO, si sir Adolf mo lang ang nag-iisang de Castillejo na papayagan ko sa pamamahay ko. Naiintindihan mo ba?

Maid: O-opo, Miss Nel.

Pagkaalis ng maid, nangilabot si Ceneldy dahil sa dalawang pares ng nanlilisik na mata na nakatingin sa kanya.

Cindy: Kaya pala alam kilala mo 'yung apelyido ni Pilo ha.

Pilo: Fiance mo pala... So ano ka, runaway bride?

Ceneldy: Hay nako, Pilo. Anong runaway bride, eh wala pa ngang sakal-kasal na naganap?

Pilo: Fiance mo 'di ba? Ganun na rin 'yun. Hayst, puntahan mo na nga lang muna 'yang fiance mong 'yan at baka makagulo lang dito.

Ceneldy: Sige na nga! Pero Cindy, may naisip lang ako.

Cindy: Ano 'yun?

Ceneldy: Ba't 'di na lang kaya ikaw yung kumausap sa ipis na 'yun? Magkatukayo naman tayo 'di ba? Mukha tayong pinagbiak na bunga.

Cindy: Neknek mo! Hindi ako ipis whisperer, malay ko ba kung ano ang lenggwahe ng ipis! Shoo shoo! 'Dun ka na sa study room mo!

Tinulak ni Cindy si Ceneldy palabas ng pinto.

Tropang TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon