Pagkapasok ni Ceneldy sa study room, tumambad sa kanya ang isang napakalaking ipis (tao po talaga ang nakita n'ya haha) na fiance niya na nakaupo sa swivel chair niya.
Napoleon: Ceneldy, Ceneldy. Kamusta naman ang future wife ko dito? Balita ko nagpapasok ka ng pulubi dito sa bahay ha.
Ceneldy: And so? Wala kang karapatang manghimasok sa buhay ko, Napoleon Judacio de Castillejo. Wala ka ring karapatan na tawagin akong future wife dahil sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang kasal. At lalo na rin, wala kang karapatang pumasok sa teritoryo ko, lalo na't ni hindi man lang kita kaano-ano. Tandaan mo, ampon ka lang ng Familia de Castillejo, hindi ka nila tunay na kadugo. 'Wag kang magkunwaring isang de Castillejo dahil hampaslupa ka lang. Pulubi ka lang din na kaya lang umangat ay dahil kinaawaan ka ni Tita Adelina. Ngayon, wala akong pakialam kung ano pang sasabihin mo o kung ano pa mang dahilan mo sa panghihimasok sa buhay ko. Lumayas ka dito at 'wag ka nang babalik pa kahit kailan!
Napoleon: Heh. So ganyan pala ang tingin mo sa'kin, Ceneldy. Hahahahaha!
Ceneldy: Ano namang tinatawa-tawa mo ngayon, aber?
Napoleon: 'Di ba nga sabi nila, kung 'di madadaan sa santong dasalan, daanin sa santong paspasan!
Akmang susugurin ni Napoleon si Ceneldy para gumawa ng mga bagay na hindi pwedeng isulat dito dahil hindi ito Mature rated, ay bigla s'yang hinawakan nina Pilo at Cindy sa magkabilang kamay.
Pilo: So ito pala ang fiance mo, Ceneldy? *tingin kay Napoleon na nanlalait* Walang hiya.
Cindy: Pumasok na kami kasi bukas ang pinto ng study room mo. Hay naku! Buti na lang, hindi mo nilalock yung mga kwarto dito. Pa'no na 'yan kung natuloy ang masamang balak ng kumag na'to? Pwe!
Nagpupumiglas si Napoleon sa hawak ng dalawa pero 'di n'ya kaya ang lakas ng mga taong sapakan ang ginagawang almual.
Pilo: Congrats, Ceneldy. May dahilan ka na ngayon para sirain ang engagement mo.
(To be continued...)
Note: Si Ceneldy yung nasa picture.