Chapter 2

18 4 0
                                    

Chapter 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 2

Tirik ang araw pero napakapresko ng hangin dito sa may soccer field ng school. Hindi ko alam pero parang I get the same vibe of Soli Park dito. Wala masyadong makikita na estudyante na naglilibot dito. Dahil bukod sa nasa dulo ito ng campus sinasabi rin nilang may mga multo raw na naninirahan dito.

Hindi naman ako natatakot since napaka-baseless naman ng chismis na 'yon. At nag-aral na rin ako sa school na sementeryo dati at wala naman nagparamdam ni isang multo sa akin.

Umupo ako sa ilalim ng narra at inilapag ang canvass na kanina ko pa dala-dala. Mamaya na kasing 4pm ang pasahan nito pero hindi pa ako tapos sa finishing touches ko. Pinagmasadan ko muna ng mabuti ang painting na gawa ko. Napangiti naman ako dahil kahit hindi man ito perfect ay maganda pa rin ang kinalabasan nito. I'm so proud of you Pia!

Inilabas ko na ang mga acrylic paint at sinumulan ang dapat kong gawin. Habang nagpi-paint pumasok ang mga pangyayari noong nakaraang dalawang linggo sa Soli Park. Kinakabahan pa rin talaga ako kapag naaalala ko yung nangyari.

Grabe yung panlilisik ng mata ni kuya nung naghabulan kami! Sa loob ng dalawang linggo kating-kati na akong pumunta doon pero natatakot ako na baka hina-hunting pa rin ako nung lalaki. Tapos mukha pang mamahalin yung camera na nasira. Jusko wala akong pera pambayad don!

Eh kung akitin ko kaya yung lalaki na yun para hindi na siya magalit sa'kin? Mukha naman maganda ang lahi niya ah. Grabe iniisip ko ba talaga ngayon 'to? Pero hindi, isa siyang dakilang bastos at mamamatay muna ang isa sa amin bago kami magkatuluyan!

Sinipat kong muli ang painting na gawa ko at huminga ng malalim. Salamat naman at tapos ka na Jack. 'Jack in the box' ang ipinangalan ko sa painting na ito, inspirasyon ko rito ay ang mga taong nagsa-suffer from mental illness. I think naipakita ko naman ng maayos sa painting kung anong mensahe na gusto ko iparating.

Napalingon naman agad ako sa paligid ng may marinig akong boses. Tang Juice! Guni-guni ko lang ba 'yon? Oh baka multo na nagpaparamdam?! Dali-dali kong ipinasok ang mga gamit ko sa aking bag para makaalis na dito. Lord, hindi ako palasimba pero iligtas niyo po ako sa masasamang espirito!

"Psst!"

Daddy!! Tumakbo na ako ngayon ng sobrang bilis! Akala ko talaga hindi totoo yung chismis na may multo dito pero totoo talaga! Kahit kailan hindi na ako babalik dito, same vibe as Soli Park my ass!

"Hoy babae!" Mas lalong napabilis ang takbo ko ng marinig ko iyon. Sobrang clear ng boses niya! At lalaki ang may ari ng boses na 'yon. Baka sundalo siya na namatay noong WWII at naghahanap siya ngayon ng tutulong sakanya.

" 'Wag po!! Hindi ko po kayo matutulungan sa gusto niyo!" Hingal na hingal na ako ngayon. Bakit ngayon ko lang na realize na sobrang layo pala talaga ng field na 'to sa mga building!

"YOU'LL PAY FOR WHAT YOU HAVE DONE BITCH!" Teka, parang narinig ko na ang linya na 'yon ah? Kahit na ayaw kong lumingon hindi ko alam kung bakit kusang umikot ang ulo ko. Sa paglingon ko nakita ko ang isang lalaki na hinahabol ako!

Omg! Yung lalaki sa Soli Park! Nang ma-realized ko kung sino siya ay kasabay naman ang pagbagsak ko sa lupa at ang paggulong-gulong ko. Buti nalang at hindi napabayaan ang Bermuda grass dito kung kaya't hindi ganon kasakit ang pagbagsak ko.

Pero kahit na ganon, hindi pa rin ako makatayo agad dahil sa impact. Ikaw ba naman mukha mo ang unang bumagsak ay makakatayo ka agad?

Naramdaman ko naman ang presensiya ng lalaki sa likod ko. Kahit pala hindi multo ang humahabol sa akin ay malalagot pa rin ako! Magkano kaya ang sisingilin niya sa'kin?

"Uy okay ka lang?" Tanong niya. Hinarap ko naman siya at tumayo.

"Ikaw kaya masubsob na una ang mukha tapos ikaw tatanungin ko kung okay ka lang, anong isasagot mo?!" Mabilis kong sabi sakanya habang pinapagpagan ang sarili ko. Tinignan ko naman siya at lalo lang akong nainis kasi pinagiisipan niya talaga yung isasagot niya!

"Uhmm, hindi?"

"Bwiset!" Usal ko at dinampot ang bag ko na tumilapon din. Nakakainis naman panira ng araw ang lalaking 'to!

"Miss, ganito ba talaga ang hitsura nito?" Tinignan ko ang tinutukoy niya at hawak niya ang painting na ginawa ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko!

"Oh my god!" 'Yon lang ang nasabi ko habang papalapit ako sa kaniya. Y-Yung painting ko... Naramdaman ko na rin ang mga luha na nagbabadyang kumawala sa mata ko. Gano'n din ang bara sa lalamunan ko.

Yung painting ko nasira! Nang makalapit ako at mahawakan yung canvass doon ko nalaman ang nangyari. May bakas ng fingerprint sa magkabilang side nito at naghalo-halo rin ang ibang kulay. May mga dumikit rin na damo at lupa sa mga basang pintura kaya sira na talaga siya.

Napahawak naman ako sa bibig ko para mapigilan ko ang paghikbi ko. Tumulo na rin ang luhang pinipigilan ko. Ang sakit sa feeling kapag yung pinaghirapan mo bigla mo makikita na wala ng value. Ilang linggo ko rin ginawa 'yon.

Kung iisipin ay napakababaw ko pero yung emotional attachment ko kasi sa mga painting na gawa ko ay hindi biro. Tinuturing ko silang kaibigan ko habang ginagawa ko sila. Kahit na hirap na hirap akong tapusin sila, love ko pa rin sila.

"Miss, I'm sorry sa nangyari. 'Wag ka nang umiyak baka isipin pa ng iba na pinapaiyak kita. At isa pa, ang pangit mo pa naman umiyak!" Uminit na naman ang ulo ko sa narinig ko. Tinignan ko ang taong may kasalanan ng lahat ng 'to!

"Masaya ka na ba?! Nakaganti ka na oh, masaya ka na?!" Nasa harapan ko lang siya pero hindi ko mapigilan ang mapasigaw. Nakita ko naman na nabigla siya sa pagsigaw ko. Wala akong pakialam kung pangit ako umiyak, ang sakit lang kasi no'ng nangyari.

"S-Sorry na talaga miss. Kung gusto mo palitan ko nalang 'yan? Ano bang gusto mo? Gagawin ko 'yon, pangako!" Itinaas niya pa ang kanan niyang kamay para maipakita na nangangako talaga siya. Pero anong sabi niya? Papalitan niya? Eh putangina niya!

"Anong gusto ko? Mamatay ka na! Wala kang kwentang tao, mamatay ka na! Bastos!" Sigaw ko sa kanya bago ko siya tuluyang tinalikuran. May nadaanan akong basurahan kaya agad kong itinapon doon ang painting na ginawa ko. Sorry Jack hindi man lang kita na maipagmalaki.

Nahimasmasan naman ako nang magkulong ako sa cubicle sa cr. It's almost 4pm kaya kailangan ko nang pumasok sa klase ko. Sinilip ko muna ang hitsura ko bago ako umalis. Medyo maga pa ang mata ko pero hindi naman na halata.

Nang dumating ako sa klase ko kumpleto na lahat. Umupo ako sa pinakalikod, sa usual place ko. Ilang sandali pa dumating na rin si Ms. Micasso, agad din nag-umpisa ang presentation. Hindi ko alam kung bakit hindi ako kinakabahan kahit alam ko na wala akong maipapasa.

"Ms. Mondalgo, please present now." Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Lumipas ang ilang Segundo at hindi pa rin ako tumatayo kaya napatingin na halos lahat ng classmate ko.

"I don't have mine, ma'am. I'm sorry." Mahinahon na sabi ko. Napasinghap naman ang iba at bakas sa kanilang mukha ang pagkabigla. Same sis.

"Seryoso ba 'yan?"

"Isang himala tawag jan bro."

"What happened, Mondalgo? Are you okay? This is the first time na wala kang nagawa." Ms. Micasso is kind and understanding. Maraming beses na hindi nakapagpasa ang mga kaklase ko pero never siyang nagalit. Alam kong bibigyan niya pa rin ako ng chance kapag nalaman niya ang nangyari sa painting ko. But I'm not like that. Ayoko ng excuses, at mas lalong ayoko mapahiya sa harapan.

Hindi ako umimik kaya napatango nalang si Ms. Micasso. Natapos ang klase ko ng 6:30 pm, hindi naman ako napagod dahil ang gaganda ng mga paintings ng mga kaklase ko at ang mga ideas nila.

Kung sanang hindi nasira si Jack ay na share ko rin sana ang mensahe na gusto ko iparating. Kaso bwiset talaga ang lalaking 'yon! 'Wag lang siya magpapakita sa akin dahil baka makalbo ko siya.

Jack [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon