Chapter 1
Sa ika-limang pagkakataon naibato ko ulit ang brush na hawak ko. Nagkamali na naman kasi ako sa plate na ginagawa ko. Kanina pang umaga nagsimula ang kamalasan ko! Wala naman akong balat sa pwet ah? Dahan-dahan kong ibiniba ang canvass sa sahig. May tatlong linggo pa naman ako para matapos 'to pero nakakaka-frustrate lang talaga!
Pumunta na muna ako sa kusina at uminom ng tubig para mahimasmasan. Sobrang stressed na talaga ako kailangan kong mag-unwind para naman hindi ako pumangit. Dami ko kasing friends na pumangit na dahil sa stress! Ayoko naman matulad sa kanila.
Naligo ako at nagbihis, balak ko pumunta sa Soli Park para doon ako gumala. Sinuot ko naman ang jumper ko na pinares ko sa yellow shirt ko at white converse naman sa sapatos. I always style like this, old school. Pero hindi yung pang 80s talaga na naka-pink legging and black shirt tapos pink na hoop earrings, no! I'm the girl that you can see on pinterest and tumblr. Pormahang arthoe ba?
Bago ako makaalis ng bahay nag-text na agad ako kay daddy. Nasa work pa kasi siya ng ganitong oras.
Halos kinse minuto rin ako naghintay bago ako makasakay ng jeep. Alanganin pa nga dahil halos isang pisnge ng pwet ko nalang ang naka-upo. Hindi naman rush hour diba? Bakit naman ganito. Hindi nagtagal huminto ulit ang jeep dahil my lola na sasakay. Narinig ko naman nagreklamo ang mga katabi kong pasahero dahil siksikan na ay nagpapasakay pa rin ang driver. Pati nga ako ay tagaktak na ang pawis dahil sa sobrang sikip.
Papasok na sana ang lola kaso nakita niya puno na ang jeep.
"Pwede bang dito nalang ako sa bukana umupo? Magsisimula na kasi ang misa at male-late na ako." Wika ng matanda. Nagkatinginan naman ang mga naka-upo sa loob ng jeep. Nagpaparamdam kung sino ang magpapaubaya ng kanyang upuan para sa matanda. Napansin ko rin na halos lalaki ang nakasakay.
Wala na bang gentleman sa mundo? No, don't get me wrong. Hindi ko naman sinasabi na porke't lalaki sila ay sila lang lagi ang naga-adjust. Kaso matanda na yung nangangailangan e, priority sila lalo na sa public transportation. Tsk.
Mukhang wala na ngang gentleman sa mundo. Buti pa noong panahon ng kastila, mahirap man o mayaman, lahat ng lalaki ay maginoo. Sa panahon ngayon? No comment. Napahinga nalang ako ng malalim bago nagsalita.
"Lola dito nalang po kayo umupo. Ako na po jan." Nakangiti kong sambit sa matanda. Nakita ko naman siyang napangiti kaya gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko nabawasan na ang hinanakit ko sa mundo.
"Sigurado ka ba jan iha? Napakaganda mo pa naman. Hindi ka nararapat na umupo rito. Baka kung anong mangyari sa iyo." Natawa naman ako sa sinabi ni lola. Naglakad na rin ako pababa.
"Mas kailangan niyo pumasok sa loob lola." At inalalayan na siya papasok. Abot tainga naman ang ngiti niya ng makaupo na siya. At umupo na rin ako sa bukana ng jeep.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating din ako sa Soli Park. Pagkababa ko palang sa jeep ay napangiti na ako. Agad sumalubong sa akin ang preskong simoy ng hangin. Dito ako laging pumupunta kapag sobrang dami kong iniisip at malungkot ako. Dito kasi ang pasyalan namin noon. Noong buo pa ang pamilya ko.
Naglakad-lakad na ako sa parke. At ang daming bata na naglalaro, may mga napapalipad ng saranggola. May mga couples na nagde-date, pero hindi nila alam magbe-brake din sila sa 23! Charot!
Bumili ako ng ice cream at umupo sa bakanteng bench. Habang dahan-dahan kong dinidilaan ang ice cream ay nakatingala lang ako sa kalangitan. Ang ganda ng papalubog na araw, nakakawala ng mga problema.
May mga ibon din na palipad-lipad lang sa himpapawid. Ano kayang feeling nang maging ibon ano? Lilipad ka lang, maghahanap ng pagkain. Pagkatapos hahanap ng matutulugan, kinabukasan ganun ulit. Napakasimple. Sana all.
Napapikit naman ako ng matamaan ng maliwanag na ilaw ang mga mata ko. Wtf? Pagdilat ng mata ko nakita ko ang isang lalaking may hawak ng dslr na nakatutok sa'kin. Bigla naman umakyat ang dugo ko nang ma-realize ko kung anong ginawa niya.
"Kuya ako ba yung kinuhanan mo ng picture?!" Pasigaw kong tanong. Hindi ko rin namalayan na wala na pala sa kamay ko yung kinakain kong ice cream, nasa lupa na! Kamalasan na naman!
"Bakit bawal ba? Ang arte mo naman!" Sabi ni kuya. Wow ang kapal ng pagmumukha! Siya pa ngayon ang may balak magalit? Sayang ang pagkagwapo niya, bastos kasi!
"Bawal? Fyi kuya pwede kitang kasuhan sa ginawa mo!" sigaw ko sakanya. Lumapit na rin ako para mas makita niyang kaya kong ipaglaban ang sarili ko. Pero infairness, ang gwapo talaga! Kung sanang hindi lang bastos. Tse!
"Sa pagkaka-alam ko wala naman ganon na batas at kahit saan pang constitution. Pwera nalang kung gumawa ka ng sariling batas?" Nilagay niya pa ang kamay niya sa baba niya na parang nag-iisip pa talaga. Tumawa pa siya pagkatapos niyang akong pilosopohin. Napalunok naman ako sa sinabi niya. Wala ba talagang batas na ganon?
'Kalma ka lang Pia, kaya mo yan.' Sabi ko sa sarili ko.
Huminga muna ako ng malalim para makalma ko ang sarili ko. Tinignan ko kung anong ekspresyon ng mukha niya. Bakit parang di man lang siya tinatablan ng galit ko? Seryoso?! Kalmado lang siya?!
"Okay, ganito nalang kuya, idele—" Hindi ko naman natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla niyang itinaas ang hintuturo niya sa harap ng pagmumukha ko. Bastos talaga!
"First of all miss, 'wag mo akong tawaging kuya dahil hindi naman kita kapatid." Sabay ngiti na nakaka-asar tignan. Ang sarap punitin ng mukha nito!
"Sige! Manong, kung pwede la—" Pinutol niya na ulit ang sasabihin ko. Wala akong chance magsalita ganern?!
" 'Wag din manong. Hindi naman ako matanda para tawagin mo ng ganyan." Napa-irap ako sa kanya. Seriously? Anong klaseng utak mayroon 'tong lalaking 'to? Ako talagang sinusubukan nito ah, konti nalang malapit na akong mag-godzilla mode!
"Ang arte mo rin pala! Pogi paki—"
"Yieee! Crush niya ako, pogi daw!" AYOKO NA! Galit na galit na ako!
"Ayaw mo ah." Dali-dali ko naman hinablot yung camera na nakasabit sa leeg niya. Bahala siya kung masakal siya! Mas mabuti nga 'yon para mabawasan ang mga bastos sa mundo!
"Teka lang m-miss! Anong ginagawa mo?!" Tanong niya habang hila-hila ko pa rin siya.
"Kung ayaw mo i-delete ako nalang!" Sigaw ko. Ilang buttons na ang pinipindot ko pero hindi talaga ako marunong mag-operate ng dslr. Paano na 'to?!
"Akin na 'yan!" At sabay hinablot sa akin ang camera niya. Inilabas niya pa ang dila niya para asarin ako. Hindi naman siya nabigo dahil mas lalo talaga akong naasar!
Hinablot ko ulit sa kanya ang camera at nag-aagawan na kami ngayon. Kahit na mas lamang siya sa'kin dahil mas matangkad siya ay hindi pa rin ako sumuko. Ang laban ko ay laban din ng milyon-milyong Pilipino! Charot!
Sabay kaming nabigla ng kumalas sa strap ang camera. Pusang gala! Parang nag-slow motion ang pangyayari, dahan-dahan nahuhulog ang camera sa lupa. At bumalik lang sa dati ang paligid nang tuluyan bumagsak ang camera.
Omg! Nakita ko na nagkaroon ng crack yung lens at ang mismong camera! Nagkatinginan naman kaming dalawa ng lalaki, pareho pa kaming naka-nganga ngayon.
Balik-balik ang tingin niya sa akin at sa camera. Nakita ko naman ang pagpupula ng kanyang mukha at pagsalubong ng kanyang kilay.
"YOU'LL PAY FOR THAT BITCH!" Sigaw niya na nagpabilis ng daloy ng dugo ko sa katawan. Mamamatay na ba ko lord?!
Habang humahakbang siya papalapit sa akin ako naman umaatras. Huy hala! Ano nang gagawin ko? Tatakbo ba ako?! Parang yun nalang talaga ang choice ko sa ngayon.
Isa..
Dalawa..
Tatlo.. TAKBO!
BINABASA MO ANG
Jack [SHORT STORY]
Historia CortaFrustrated on her plates, Pia Mondalgo went to her favorite park to unwind. Only to find a guy who took a picture of her without consent. His unapologetic-cunning attitude is what makes Pia furious. She decided to take action on her own, she broke h...