Chapter 3
Kapag ba maganda ka dapat pagod ka ngayon? Kasi sobrang pagod ako this day! Kagabi ko tinapos yung bagong painting na ginawa ko para may mai-pass kay Ms. Micasso. Kinausap niya kasi ako nung isang araw at bibigyan niya daw ako ng tatlong araw para may magawa. Syempre hindi na ako nagpabebe pa. Sobrang kulang ko sa tulog!
Nandito ako ngayon sa convenience store at kumakain ng ramen. Bagay na bagay kasi ito ngayon sa panahon lalo na at umuulan. Sa paglunok ko ng noodles bigla akong nabulunan. Jusko hindi pa naman ako bumili ng inumin!
Inahampas ko na nang malakas ang dibdib ko baka kasi mawala na eh. Nagulat naman ako nang biglang may water bottle na napunta sa harap ko. Agad ko naman kinuha iyon para maka-inom. Wala na akong pake kung tubig ba talaga 'to o hindi.
Naginhawaan naman ako ng nawala na ang pagkain sa lalamunan ko. Napatingin ako sa kanan ko para malaman kung kanino galing ang tubig. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, hindi ko alam bigla kung ano ang gagawin ko!
"Putan—" Hindi na naman natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya na. Bakit ba kapag kausap ko 'to hindi ko natatapos ang sasabihin ko? Ay oo nga pala, bastos.
"Hep hep hep! Bawal ang bad words!" Usal niya na nagpataas ng kilay ko.
"Sinong nagsabi aber?" Akala niya hindi ko pa nakakalimutan yung mga nangyari sa'kin dahil sa kanya. Asa siya!
"Hindi ka pa nga nagpapasalamat tinatarayan mo na nga ako." Nakangiti siyang umiiling. Hala baliw na ba 'to? Pero bigla naman akong nahiya sa sinumbat niya.
"T-Thank you do'n s-sa tubig." Nahihiya kong sabi sa kanya. Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko sa ramen ko. Nakita ko naman na nakasapo siya sa ulo niya habang nakatitig sa akin. Oo sis, titig. Ang awkward, jusko baka iniisip niya na kung paano niya ang ibebenta ang laman loob ko sa black market!
"Dapat hindi mo agad ininom yung tubig." Sabi niya.
"Eh anong gusto mong gawin ko?!" Napahawak ako sa bibig ko nang napalakas ang boses ko. Pati tuloy yung cashier napatingin sa amin. Natawa naman siya.
"Ang taray talaga. Concern lang po ako miss! Malay mo sindikato pala ako at pampatulog yung pinainom ko sayo." Nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi niya.
"Pero syempre isa akong anghel kaya tubig talaga yon." Dagdag niya pa. Napabuntong hininga naman ako. Nakaka-stress talaga kausap 'to!
"Tse! Bwiset ka talaga." Sambit ko at inirapan ko siya. Natawa naman siya sa ginawa ko kaya natawa rin ako. Tumahimik na naman kaya tinuloy ko ulit ang pagkain. Ayan na naman yung awkward silence.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng hindi lumilingon. Ako na ang nag-initiate para hindi na awkward, ayoko talaga ng ganun.
"Actually, uuwi na dapat ako kaso nakita kita e." Napatigin ako sakanya dahil sa sinabi niya. Bakit ako?
"Ah balak mo bang singilin ako sa camera mo?" Mahinahon kong tanong sakanya. Ang bastos ko naman siguro kung ako na nga yung may atraso tapos ako pa yung galit. Kaya dapat chill lang muna.
Natawa ulit siya sa sinabi ko. At dahil nakatingin ako sakanya nakita ko ang dimples niya at ang matangos niyang ilong. Ang gwapo niya nga talaga. Hindi naman sa crush ko siya ah, nagsasabi lang ng totoo.
"Buti naman at naaalala mo pa 'yon. Pero andito talaga ako para humingi ng sorry sa nangyari nung isang araw." Sabi niya. Kahit paano naman pala ay may manners pa rin naman siya. Napangiti tuloy ako.
"Sorry rin nung nasa Soli Park tayo, lalo na dun sa camera mo. Don't worry babayaran ko yung damage." He chuckled as he fix his hair. Tawa naman ng tawa 'to, konti nalang iisipin ko na baliw na siya.
"Hayaan mo na yun. It's my old camera anyway." He said.
"Talaga ba? Omg! Thank you! Akala ko 2 months akong hindi kakain ng lunch e." Natawa na naman siya for the nth time. Yung totoo?
"You're so funny. Can I be your friend?" Tanong niya na nagpawala ng ngiti ko. Ngumiti ako ng mapait at umiling. "But why?" Dagdag pa niya.
"You have to tame me first." Sabi ko nang nakatingin sa labas. You have to tame me for us to know if we can be friends. Dati ang dami kong kaibigan, ngayon ni isa wala nang natira.
Nakita ko naman siya na tumango-tango. "Hmm, The Little Prince." Wika niya. Napangiti ako dahil alam niya rin pala ang reference na ginamit ko.
"I'm Vincent Go by the way, what's your name miss?" Tanong niya. At nilahad ang kamay niya, Hindi naman na siguro delikado kung sasabihin ko sa kanya ang pangalan ko. Totoo naman na bastos siya, pero andun pa rin yung pagiging maginoo niya. Parang yung usong kasabihan na, Maginoo pero medyo bastos. Kaso nga lang baliktad yung kanya!
"Pia Mondalgo, an Art student." Sabi ko at tinanggap ang kamay niya. Kasabay ng pagtaas baba ng aming kamay ay siya ring pagtigil ng ulan. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako. His smile, I love his smile.
"Are you free tomorrow?" He asked.
Nakatayo ako sa harap ng fountain dito sa Soli Park. Hinihintay ko na dumating si Vincent. 4pm ang usapan pero maaga ako ng trenta minutos. Biniba ko ulit ang plaid mini skirt ko for the nth time. Hindi kasi ako naka-usual outfit ko ngayon. Naka-plaid skirt ako at longsleeve sa top. Pinaghandaan ko kasi 'tong date na 'to. Wait, date ba talaga 'to? O friendly date? Ay basta mage-enjoy nalang ako.
Ilang saglit pa ay dumating na rin siya. He's wearing polo and in black pants. Wala mas lalo lang lumabas ang pagkagwapo niya dahil mas malinis siyang tignan ngayon.
"Aga mo ah, kanina ka pa ba dito?" Tanong niya. Umiling naman ako kahit na kanina pa ako nangangawit dito!
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong niya ulit sa akin. Grabe, date ba talaga 'tong nararanasan ko? Kaya pala jowa nang jowa ang mga tao ngayon dahil ang saya pala makipag-date!
"Lagi ako dito Vincent, kaya kahit saan okay lang." Usal ko ng nakangiti.
"Hindi ka ba mabo-bore dito since lagi kang nandito? Gusto mo sa iba nalang tayo pumunta?" Nakita ko naman na nag-aalala siya sa sasabihin ko. Naku, kinakabahan din ba siya? Ako rin kasi e. Umiling pa muna ako bago nagsalita.
"No, I love it here. Kain muna tayong ice cream?" Pag-aalok ko sakanya. Napatango naman siya. Ang cute niya parang bata lang. Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinurot ko ang pisngi niya. Namilog naman ang mata niya sa ginawa ko. "Uhm sorry, ang cute mo kasi kaya hindi ko napigilan." Nahihiya kong sabi. Jusko lord! Lumalandi na ako! Bakit ang sarap kiligin!
"Sus! Ikaw ah bumabanat ka. Asan na yung mataray na Pia?" Natatawa niyang sambit. Pati yung tawa niya ang sarap pakinggan. Ano na ba 'tong nangyayari sa'kin?!
"Nasa pwet mo gago!" Reklamo ko at inunahan siyang maglakad. Narinig ko pang muli ang tawa niya bago humabol sa akin.
Ilang araw ko palang siya nakakasama pero bakit ganito?
BINABASA MO ANG
Jack [SHORT STORY]
Short StoryFrustrated on her plates, Pia Mondalgo went to her favorite park to unwind. Only to find a guy who took a picture of her without consent. His unapologetic-cunning attitude is what makes Pia furious. She decided to take action on her own, she broke h...