Chapter 4

15 4 0
                                    

Chapter 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 4

"Oo naman, ang ganda kaya ng colors ng sky kapag sunset na." Sagot ko sa tanong niya nang tanungin niya ako kung gusto ko ba ang sunset. Napatango-tango naman siya.

Nandito kami sa seaside at pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw. Nagpapahinga nalang kami sa ngayon. Marami na rin kaming napuntahan dito sa park, halos naikot na nga namin. May mga bagay na hindi ko pa rin pala alam dito sa Soli Park kahit na madalas ako dito.

May Anger Wall na sa TV ko lang nakikita. Dito mo pwede ilabas ang galit mo, yung ihahagis mo yung mga pinggan. Meron ding Freedom Wall, Love Locks at marami pang iba. Grabe, bakit kasi hindi ako nag-iikot kapag nandito ako.

"Mas prefer ko ang sunrise." Aniya na nakapagpa-alis ng tingin ko sa kalangitan.

"Bakit naman?" Tanong ko. Hindi siya agad sumagot. It's like he's thinking so deep. Kaya tumingala nalang ulit ako.

"It reminds me kasi na kahit gaano man kadilim ang mundo, darating at darating ang oras na mag liliwanag ulit 'yan. Parang ikaw." He said. I looked at him and he's already starring at me. Shet! Nakangiti rin siya kaya mas lalo akong kinilig!

"What do you mean?" Nagtitigan pa rin kami. Walang may gustong alisin ang tingin sa isa't isa. I don't know why pero ang gaan na ng pakiramdam ko sakanya, gano'n na ba ako karupok? Gusto ko lang siyang titigan at kabisaduhin ang mukha niya.

"My world is dark and gray. It's lifeless until.. until you came. You gave color to my world, Pi." My heartbeat got faster than ever. Wala naman ako sakit sa puso ah, bakit ganito? Pati ang sikmura ko nararamdaman kong umiikot-ikot.

He also called me Pi. 'Di ko alam kung anong trip niya pero simula kanina yun na yung tawag niya sa'kin. Shite, endearment ba yun?

"I-Ikaw talaga puro ka bola." Syempre nahihiya ako kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya. At baka makita rin niya yung sobrang pulang mukha ko ngayon.



"Thanks for the night, Pi."

Nandito kami sa loob ng kotse niya sa harap ng bahay namin. Alas-diyes na rin kaya malamang ay hinahananap na ako nila mama.

"Vin, I think.." I'm still hesitating if I really want to say what's on my mind. 'Wag nalang kaya? Nakakahiya kasi.

"Don't tell me you're gonna dump me? Kauumpisa ko lang manligaw?" My eyes widen when he said that! WHAT?! Nanliligaw siya? B-Bakit hindi ko alam?!

"Nanliligaw ka?! Bakit hindi ko alam?!" I hysterically asked. I have so many questions in my head right now. How to calm?!

"Oo nga pala ikaw si Pia, ofcourse you're clueless about social cues." Tumatango niyang sabi na parang na realize niya talaga na ang shunga ko. Grabe naman seryoso ba?

"Vincent, please make it clear. Gulong-gulo na ako!" Sigaw ko sakanya. He even has the guts to smile and laugh at me? This guy really gets on my nerves!

"Okay, chill Pi. Ganito 'yon, if someone wants to have a date with you and you went on that date in means, you guys are dating already." Paliwanag niya saken. Diretso siyang nakatingin sa akin kaya hindi ako makasulyap sa kanya.

"That's definitely not the same thing! Bahala ka nga jan uuwi na ako!" Pagkasabi ko noon ay dali-dali na akong lumabas ng kotse niya at naglakad papasok sa amin.

"Pi, have a goodnight sleep! And please dream of me!" Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to, pasalamat siya at gwapo siya kung hindi kanina ko pa 'to sinapak.

Hinarap ko muna siya bago ako nagsalita. "Tse! Pasalamat ka gusto na kita kaya hindi ko na masapak yang pagmumukha mo!" Ilang segundo lang ay nanlaki na ang mata niya at parang nagging letter O ang bibig niya. Natawa ako sa reaksyon niya at mabilis nang pumasok at isinara ang pinto.

"Wai—"

Nasa klase ako ngayon at nags-sketch kami. Ang pinapagawa kasi ngayon ni Ms. Micasso ay mag-sketch daw ng nagpapasaya sayo. Anything, mapa-tao,bagay o hayop. Basta nagpapasaya sayo maaari mon ang i-sketch.

Isang mukha ng lalaki naman ang ini-sketch ko. Actually, wala akong kopya ng ginagawa ko. All by my imagination and my memory of him. Si Vin, siya ang nasa sketch ko because he makes me so happy.

Buti na lang kapag sumusulyap ako sakanya ay matagalan kaya medyo kabisado ko na ang mukha niya. Napadaan naman si Ms. Micasso sa likod ko at naramdaman ko na nakatitig siya sa gawa ko. Lumapit pa siya ng ilang hakbang at nasa mismong tabi ko na siya.

"That's magnificent, Mondalgo. May I know what's your relation to that person?" Tanong niya sabay yuko at parang mas nilapitan ang tingin sa gawa ko. Tila parang sinusuri niya ng mabuti.

"He's my.. He's m—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang pumintig ang puso ko. Sobrang na parang biglang sumakit ang dibdib ko. Napahawak ako rito at damang-dama ko ang bilis ng tibok nito. What's happening to me now?

"Miss Mondalgo? Are you okay?" She asked worriedly. I nod as an answer. Salamat naman at iniwan niya na ako at hinayaang ituloy ang sketch ko.

Ilang minuto ang lumipas at biglang nag-ring akong phone ko. Napatingin ang lahat ng tao sa akin dahil baka naistorbo ko ang pagfo-focus nila. Nagtaka naman ako dahil laging naka-silent naman ang phone ko kapag may klase.

Tinignan ko ang screen at nakita kong si Vin ang tumatawag. Normally, I'll decline the call at magte-text nalang. But for some reason parang atat na atat akong sagutin 'yon. I looked at Ms. Micasso, She already know that I'm asking her permimssion to answer the call. I mouthed the word 'emergency' para mas may excuse. Hindi naman ako nabigo nang tumango rin siya.

"Hello Vin? Nasa klase pa ako, bakit ka Napata—" I didn't get to finish my sentence when a woman on the other line cut me off.

"H-Hija, K-Kaibigan mo b-ba s-si Vincent?" Who is this? Bakit kilala niya si Vin at bakit nasa kanya ang phone niya? The voice was unstable na parang hinihingal. Oh my god, what's this again?

"Uhm hello po? Sino po sila?"

"H-Hija, This i-is V-Vin's mom. A-Anak si V-Vin—" Hindi pa tapos ang sasabihin niya at bigla nalang siyang humagulgol. What's happening?! This is his mom so this must be an emergency! Sobrang kinakabahan na ako ngayon!

"Ano p-pong nangyari, T-Tita?" Ilang segundo pa rin siyang humahagulgol at hindi ako sinasagot. DID VINCENT GOT HURT?!

"A-Anak, V-Vin c-committed suicide."

Bigla akong nabingi at parang nawala ako sa wisyo ko. Ano?! Hindi ko na rin namalayan na nahulog na pala ang phone ko sa sahig. Lahat ng mata ay nasa akin na ngayon.

Sobrang blanko ng isip ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto ko tumayo at umalis sa silid na ito pero parang ayaw sumunod ng mga paa ko sa gusto ko. Nakatitig lang ako sa sketch na ginagawa ko. Why Vin? Why did you do that? Tumulo na ang luha ko nang maisip ko ulit ang sinabi ng mama niya.

Jack [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon