CHAPTER 25:The battle between our hearts

540 16 0
                                    

CHAPTER 25

GRAY'S POV

Tuloy pa rin ang pagpapalitan namin ng suntukan ni prince.

parehas na kaming hingal na hingal sa ginagawa namin..

marami na rin kaming sugat at pasang natamo..

pero wala kahit isa ang gustong magpatalo..

huminto siya saglit at napaupo sa sahig..

pinunasan niya ang bibig niya gamit ang kaniyang kamay dahil sa tumutulong dugo galing dito

halos hindi na siya makilala sa mukha niya..

at marahil ako din ngayon dahil ramdam ko ang dugo na umaagos mula sa ulo ko..

"bakit? bakit si Jaze pa?"

napatingin ako sakaniya nang sabihin niya yun

seryoso din siyang nakatingin saakin..

"bakit lahat nalang ng taong mahal ko kinukuha?"

" bakit lagi nalang ako yung nasasaktan?" pagpapatuloy niya..

"hindi lang ikaw ang nasasaktan prince..

satingin mo hindi rin ako nawalan?

pinatay ng magaling mong ama ang mga magulang ko"

simula nang mamatay ang mga magulang ko..

ako na ang nag alaga sa sarili ko..

nagpalaboy laboy ako nun sa lansangan..

nasubukan kong kumain ng pagkain sa mga aso lang hinahain..

pero dumating si King..

siya ang nag aruga at nag alaga saakin..

siya ang nag train saakin..

hanggang sa nakilala ko si Jaze ..

hindi ko alam kung paano pero..

unti unti ko siyang minahal..

lagi ko siyang hinahanap..

na feeling ko matagal ko na siyang kilala..

oo nga pala...

matagal ko na siyang kilala..

siya yung batang lagi kong binubully noon..

naaalala ko pa rin sa ngayon yung mukha niya..

at yung mukha din ng nasa picture na nakuha ko sa luma nilang bahay nang paimbestigahan ko siya..

matagal ko na siyang kilala..

pero hindi ko alam na siya pala ang nawawalang prinsesa..

" so ano? gagawin mo na rin ang krimeng ginagawa nang ama mo?"

"tsk.. wala ka nang pakielam dun.." prince..

yumuko siya at nakatingin sa sahig..

" papatungan mo nanaman ba ng isang mali ang isa pang pagkakamali?"

hindi siya umiimik..

alam kong may kabutihan pa sa puso niya..

dahil kung tunay ngang wala na ..

kanina niya pako pinatay..

alam kong meron siyang baril sa bulsa..

kung balak niya talaga akong patayin

kanina niya pa yun ginamit laban saakin..

kailangan kong hanapin yun...

yung kabutihang natitira na yun..

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon