CHAPTER 11 : Senscene of petals

560 18 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Siya ba yung sinasabi niyong bago? "

"hindi boss. Dati na siyang kasamahan ng grupo ng demonshigh pero hindi niya alam na konektado ang grupo sa atin"

"sige papasukin siya"

Naglalakad ang isang babae papasok sa isang abandonadong building , ingat ang bawat hakbang nito sapagkat hindi niya alam ang pwedeng mangyare sakaniya sa loob,

"andito nako."sambit niya , lumingon lingon siya kung may tao pero isang tinig mula sa speaker ang narinig niya.

"isa ka sa demonshigh"

"at ikaw ang humahawak sa grupo tama?"

"oo ako nga."

"bakit mo ko pinatawag?"

"panahon na para makilala mo ko Lady in Black " napangiti ang babae na may halong pang aasar..

"paano kita makikilala kung nagtatago ka?"

"hahahahahaha gusto ko ang tono mo. Matapang ka hahahahahaha" napataas ang kilay ng babae.napansin niyang may cctv sa paligid kaya nang malaman niyang pinapanood siya nito, siya ay nagsalita.

"tara lumabas ka sa lungga mo at mag usap tayo" tumingin sa cctv ang babae at nginitian niya ito ng nakakaloko..

Tumakbo siya papunta sa second building sa pag aakalang andun ang lalaking misteryoso.

"ilag ka binibini"

pero nagkamali siya, isa itong patibong

Pumutok ang mga baril , tumambling ang babae para iwasan ang mga tamang iyon ng mga baril.. pagkatapos ay bumagsak mula sa kinatatayuan niya ang malaking bato.. pinindot niya ang red button ng gadget na dala niya sumabit ang tali sa taas at hinugot siya mula rito. Nasa taas siya ng ceiling ng gusali..

"opps nakalimutan kong sabihin meron nga palang mga patibong sa gusaling ito.."

"wag kang mag alala, hindi ako tanga para mag pahuli sa mga patibong mo"

"hahahahahaha pinapahanga mo ko"

Inihagis niya ang sarili niya at pinalipad para makatungo sa third floor..

(author: I can't describe guys imaginin niyo nalang :*)

At doon nakita niya ang isang manika na naka upo sa isang rocking chair..

"hello miss lady in black. Nice to see you"

sira sira ang mukha ng isang maduming manika,

humalakhak ito..

"kalokohan ba to?"

"hindi. "

"sino ka ba?!"

"ako ang boss mo"

"tss"

"bibigyan ko kayo ng trabaho, gusto kong hanapin mo ang miyembro ng BlackHeart at gusto ko patayin mo sila"

"paano kung ayoko?"

"simple lang..."

Bumukas ang malaking screen na nasa likod ng manika at nakita ng babae ang nakababata niyang kapatid

"ateeeee? Ate!!!! Huhuhuhuhuhu! Tulungan mokoooo si mama , si mama ate!! Pinatay nila si mama "

"hayop ka! Wag mong idadamay ang kapatid ko dito!"inihagis ng babae ang dagger niya sa manika.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon