GRAY'S POV
Nakita kong nakakuyom ang kamao ni Jaze..
Siguro ngayon galit na galit siya sa mga narinig niya...
Sa mga nalaman niya..Na si Acre ang pumatay sa mga magulang niya na sila Tita Hernale at Tito Hernan..
Alam na naming mga successor na si Acre ang pumatay sa mga magulang namin,
Kaya gustong gusto namin siyang patayin..
Pagkatapos na mamatay ang mga magulang namin..
Trinain kami ni King para maging mga gangster..
At sinanay sa pamamagitan ng arena..
At nang lumaki na kami at handa na, hinanap namin si Acre
Akala namin patay na siya dahil sa hindi niya pagpaparamdam at dahil sa sugat na naiwan sakaniya ng mga magulang ko ng patayin niya sila. ..
Pero anak niya si Prince...
Hindi ko alam na may tumutulong sakaniya.
Pero mukhang hindi alam ni Prince ang totoo...
Na si Acre din lang ang pumatay sa asawa niya...
Sa ina ni Prince...
Sana pala,Hindi ako nagpabaya. .
Hinawakan ko ang kamay ni Jaze para pakalmahin siya..
"Kailangan natin ng plano" gray
JAZE'S POV
hinawakan ni gray ang kamay ko para pakalmahin ako.
Pinunasan ko ang luha ko at pumikit ng matagal.Huminga ako ng malalim
"Kailangan natin ng plano"
Tama si Gray...
"May mga guards sa taas"kurt
"Kurt at shin kayo nang bahala sa mga guards.. Kurt" hinawakan ko si kurt sa balikat,
"Kami na ni Gray ang bahala kay Jade okay?"
"Please lang.. iligtas niyo siya, mag ingat kayo" kurt
Sinama ni kurt si shin at sumugod sila sa mga bantay.
Pagbalik namin sa pinag lalagyan ni Jade wala na siya..
"Bwisit !" Gray.
"Asan sila?!"
Umakyat kami ni Gray sa pinaglalagyan nila pero wala na talaga sila!!
Natunugan kami ni Acre...
"Prince?" Napatingin ako kay prince na nakaupo sa madilim na sulok..
Naninigarilyo...
Nakatingin siya saakin..
Napakalamig ng mga titig niya.
Parang hindi siya si Prince na kilala ko...
"Prince, bakit mo to ginawa?"
THIRD PERSON'S POV
Lumapit si Jaze kay prince pero pinigilan ito ni Gray...
Napangiti si Prince...
"Bagay kayong tignan.."
"Anu bang nangyayari sayo?!" Sigaw ni Gray.
"Hindi ko naman sana hahayaan mangyari to eh. Pero Jaze...."
Tinapon niya ang sigarilyo niya
At tinanggal ang huling kalahating piraso ng maskara niya para tuluyan siyang makilala...
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
AksiMatagal nang nawawala ang prinsesa galing siya sa isang madilim na nakaraan kung saan hindi niya alam kung sino nga ba siya. Lumaki siya sa mahirap na pamilya na akalaniya totoong niyang mga magulang. Sino nga bang mag aakala na galing siya sa pamil...