Jaze's POV
"saan kayo galing? Hinanap namin kayo kanina" napatingin ako sa nagsalitang si jade at nang kakarating lang na si Prince..
"oo nga, sabay pa kayong nawala, asan si kurt? Di niyo kasama?"shin.
"k-kami?"
"nasalubong ko lang siya jan sa daan.. pagod na ko. Akyat na ko" Gray.
"ganun ba? O sige babe"jade. Umakyat na din si jade .. sinundan niya si gray.
"jaze.." Prince.
"I want to rest.."
"sige.." Prince. Umakyat na rin ako..
Dumiretso ako sa banyo, gusto ko muna magpalamig..
tinanggal ko lahat ng damit ko, at binuksan ang shower,
habang dumadampi sa balat ko ang malamig na tubig, napaisip ako sa nangyari kanina..
Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kanina..
(FLASHBACK)
Nung mga oras na nakakita siya nang dugo..
Nagwala siya..
Walang awa niyang pinagpapatay ang mga kalaban..
Marahas..
Madugo..
Tulad nung lalaking nakita ko sa gubat noong gabi ng laban sa arena..
Ganun siya kumilos..
Nawalan siya ng malay sa laban, tumakbo ako para tulungan siya, inubos ko lahat ng kalaban.
"Gray! gumising ka! Gray!!"
(End of flashback)
Gangster din si gray? pfft—nakakatawa ka jaze! Si Gray??? psh! Gangster?!
Kailangan ko siyang imbestigahan..
Kailangan kong manigurado..
Gray's POV
Napatingin ako kay jaze..
Alam ko kasama ko siya kahapon..
"tumakbo kana"
Pinatakbo ko siya..
Tapos...
Tapos...
BAKIT HINDI KO NA MAALALA?!
May kabalbalan ba kong ginawa kagabi?
Paano ako nakauwi?
Arggggh!!
"oh? Babe? Anyare sayo?" napatingin ako kay jade. Napatingin silang lahat saakin at sa nakakuyom kong kamao.
"wala"
Itinuloy ko yung pagkain ko..
Pero ramdam ko nakatingin saakin si Jaze..
Tsk...
Bakit? Bakit ka nakatingin? May nagawa ba ko kagabi?
Bakit diko maalala?
"paano pala ako nakauwi kagabi?" nang iangat ko yung ulo ko lahat sila napatingin saakin..
"ah may mali ba sa tanong ko?"
"di mo maalala?" Jade.
"naalala.. masakit lang ulo ko kaya nakalimutan ko." Pagsisinungaling ko.

BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
AkcjaMatagal nang nawawala ang prinsesa galing siya sa isang madilim na nakaraan kung saan hindi niya alam kung sino nga ba siya. Lumaki siya sa mahirap na pamilya na akalaniya totoong niyang mga magulang. Sino nga bang mag aakala na galing siya sa pamil...