Chapter 2, Keeping an eye.

262 9 0
                                    

Jem's POV.


Hindi ko alam kung ano 'yung nangyari pero nagising nalang ako sa kwarto kinabukasan.

Panaginip lang ba 'yon?

Napailing ako at napasabunot sa sarili, tangna panaginip lang pala! akala ko nahihibang na ako.

ginawa ko na ang morning routine ko bago pumasok sa school, sinalubong ako ni Ryza. Best friend ko.

"Halika na, baka malate pa tayo!" Anyaya ni Ryza saakin kaya nagpahila na ako rito.

May kakaiba akong nararamdaman hindi ko alam kung ano, pero tumingin ako sa paligid, parang may nakatingin kasi saakin e.

Ang weird.

Pumasok kami ni Ryza, as usual sa may tapat ng bintana ako nakaupo.

Habang naglelecture hindi ko mapigilang mapatingin sa soccer field, nilibot ko ang paningin ko.

Tumataas lahat ng balahibo ko sa hindi ko malamang dahilan!

Huminto ang tingin ko sa isang malaking puno, tumaas ang kilay ko pero napatalon ako dahil sa gulat!

"MISS JEM! NAKIKINIG KA BA?"

"SORRY MA'AM!"

-

Breaktime na kaya napagdesisyonan namin ni Ryza na kumain nalang sa bleachers kaysa sa cafeteria.

"Alam mo, ang weird ng pakiramdam ko ngayon" kwento ko sa aking kaibigan.

"Bakit naman?"

"Parang may nakatingin at nakasunod kasi saakin e," sagot ko kaya pinalo ako nito sa braso!

"Aray! Ano ba naman!"

"Nananakot ka e!

"Hinde kaya! Totoo naman e!"

"Whatever!"

Tinuloy ko nalang ang pagkain ko ng sandwich ng bigla akong kinabahan,

"Jem.."

Lumingon ako sa paligid dahil sa pagtawag ng pangalan ko, "hoy, tinatawag mo ba ako?"

"Pinagsasabi mo?" Sagot ni Ryza kaya napailing nalang ako, baka guniguni ko lang 'yon.

Nagulat ako ng lumapit si Kael sa pwesto namin! Si Kael kasi 'yung crush ko, namula ang pisngi ko dahil sa laki ng ngiti nito!

"Hi, Jem. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

Nakita ko ang nanunuksong tingin ni Ryza kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Malamang kumakain, ikaw ba?"

"Malamang nagpapractice para sa soccer game," nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinagot namin.

"Jem.."

Tumaas ang balahibo ko sa batok ko, nagsisimula na akong matakot.

Tangna naman e.

Napatingin ako sa malaking puno at parang may napansin akong itim na anino na nakasandal doon, ngunit ang una kong napansin ay ang mapangasar nitong ngisi.

Napahinto si Kael sa pagkwento at napansin ko ang pagiba ng kulay ng kaniyang mga mata, "Una.. na.. ako.. jem.." parang tanga nitong sabi.

Kumunot ang noo ko habang tinititigan itong straight na bumaba sa bleachers.

"Anyare don?" Tanong ni Ryza pero nagkibit balikat na lamang ako.

UWIAN na kaya nagpaalam na ako kay Ryza, nakarating ako sa bahay ng ligtas.

Pagkahiga ko sa kama bumulagta ang isang pamilyar na lalake sa aking harap, sumigaw ako sa gulat!

"B-ba't nandito ka nanaman?"

Ngumisi ito at tumaas ang isang kilay, "Is it bad to visit my future queen?"

Napanganga ako sa narinig, "Gago ka ba?"

Natakot ako dahil sumama ang tingin nito saakin, "You have no rights to curse on me"

"And a stranger like you have no rights to enter my room,"

Nawala ang ngisi nito at lumuhod sa harap ko, hinawakan nito ang isa kong kamay bago hinalikan at tumitig saakin ng mariin, naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko!

"I'm Sirius" malamig na pagpapakilala nito.

"Seryoso rin naman ako a?"

"Damn it."

-

"I'm always keeping an eye on you, simula't sapol. Ngayon lang lang ako nagpakilala dahil ito na ang takdang panahon"

Naguluhan ako sa sinabi nito, "What the? So nakita mo ba ako noong bata na ano?!"

"Yes, na ano." He said, smirking big time!

Uminit ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin, "That answers kung bakit hindi namatay ang pusa ko kahit nabunggo ng truck, hindi nawala yung barbie ko kahit na naalala kong naiwan ko yon sa isang malayong lugar, at hindi rin nahulog si papa sa building noon"

Lumutang ito papunta sa malaking bintana at umupo roon, "Yeah, Lucifer's a lil bit kind way back then."

"Demonyo 'yon 'di ba? Sinong Lucifer?" Nagtataka kong tanong.

Tumalikod ito at bago tumalon paalis.. "No other than me."














-
Eerah

Bampira Ang Humalik Saakin?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon