Jem's POV.
Lumipas ang mga buwan, 'yon ang laging ginagawa ni Sirius. Tuwing pagka uwi ko lagi na siyang nasa loob ng kwarto, nakikipag kwentuhan.
Nasanay na rin ako na meron siya, na meron ang presensya niya.
Marami na rin akong nalaman tungkol sakaniya, na hindi pala dapat siya bampira pero dahil siya ang unang anak na lalaki kailangan siya ang ialay.
At ako naman daw ang kaniyang reyna dahil ako daw ang nakatakda para sakaniya, kung hindi ko daw siya nabigyan ng anak, kukunin daw ang buhay niya. Tangna, nakaka stress diba?
Ang kaniyang magiging anak ay yon daw ang kapalit ng nagawang kasalanan ng kaniyang ama which is hindi ko alam kung ano dahil ayaw niyang sabihin, lagi siyang nakasunod saakin sa school. Syempre, hindi ko siya nakikita pero nandon lagi yung pakiramdam na may nakasunod saakin.
Bawal din siyang maarawan dahil hindi naman siya yong bampirang immune na sa sikat ng araw.
Kaya niya rin maging hayop, at hindi pa daw siya nakakatikim ng dugo ng tao. Hayop lang daw ang kinakain nito kaya wag daw akong magaalala.
Pero sa tuwing pagsapit daw ng bilog na buwan, hindi daw siya pwedeng lumabas ng kaharian nila kasi mas nagiging wild daw sila. Baka hindi daw nila mapigilan ang sarili at makapatay nalang din ng tao.
Natakot ako sakaniya, syempre.
Kaya pala niya ako hinalikan noon dahil hindi niya na daw makaya ang sarili dahil ang ganda ko raw, o ha?
Gabi na ngayon, sabado. Kaya napagdesisyonan naming magstar gazing sa taas ng bubong.
"Ang ganda ng mga stars no?" I said habang nakatingin sa langit.
"Do you want a star?" He asked.
Natawa ako sa sinabi niya, "sira ulo ka ba?"
Bumaling ako rito ngunit unti unting nawala ang ngiti saaking mga labi ng makita ang hitsura ng mga mata niya.
Purong itim, wala kang makikitang puti! Parang demonyo, Natakot ako oo, pero mas lamang 'yung bilis ng tibok ng puso ko.
"Are you scared?"
Unti unti akong tumango, "b-ba't kasi ganyan?"
Ngumisi ito at mas lalong lumapit sa mukha ko, napalunok ako dahil sa ginagawa niya...
"Because I'm inlove with you, Jem."
Napatitig ako sakaniya habang palakas ng palakas ang pintig ng puso ko pero all i know is his lips crashed in mine..
-
Eerah.