CHAPTER FOUR

6.5K 135 1
                                    

HABANG nasa isang coffee shop sa Mall. Tahimik na iniinom ni Kim ang kape niya habang ang mga kaibigan niya ay abala sa pagku-kuwentuhan. Hanggang ngayon ay laman pa rin ng isip niya si Mark. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito sa sinabi nitong panliligaw sa kanya? O seryoso ito? Knowing him, baka pinagti-tripan lang siya nito.

"Hoy," untag sa kanya ni Jhanine.

Napakurap siya, saka lumingon dito.

"O, bakit?" tanong niya.

"Ano bang 'bakit'? Ako nga dapat ang magtanong sa'yo. Bakit kanina ka pa wala sa sarili?" tanong din nito.

"Oo nga girl, kanina pa rin kita napapansin. Ang tahimik mo kanina pa," sang-ayon naman ni Sumi .

Umiling siya. "Wala, may iniisip lang ako." Sagot niya.

"Sino si Mark?" hula naman ni Razz na may mapanudyong ngiti.

Hindi siya kumibo, umiling na lang ulit siya.

"Wala 'to, huwag n'yo na lang akong pansinin."

"Puwede ba naman 'yon? Baka mamaya bigla na lang bumula ang bibig mo diyan eh," sabi naman ni Kamille.

"Naman! Saka, ngayon ka pa ba maglilihim sa amin? Kung kailan naman kabisado na naming ang likaw ng utak mo. Alam naming na may pino-problema ka," anang pinsan ni Mark na si Marisse.

Huminga siya ng malalim. "Eh kasi naman 'yang pinsan mo eh," sa wakas ay sabi niya.

"Oha! Sabi ko na nga ba eh!" komento ni Razz.

"Ano na naman ang ginawa no'n? Sabihin mo sa kanya kailangan panagutan ka niya!" sabad naman ni Sam. Nagtawanan ang mga ito, siya naman ay napapangiti.

"Shhh! Panagutan agad? Maging sila kaya muna," sabi naman ni Nicole.

"Eh paano naman makakapagsalita si Kim? Ratrat ng ratrat ang mga bibig n'yo," ani Laiza.

"Oo na nga, so ano na? Anong problema mo sa Pengkum na 'yon?" tanong ni Marisse.

"Please lang ha? Pagsabihan mo 'yan, huwag kamo akong pagtripan," naiinis na wika niya.

"Ano nga ang ginawa?" tanong ulit ni Razz.

"Akalain mo bang sabihin sa akin kagabi na manliligaw daw siya. Akala ko naman nagbibiro. Aba, pagkagising ko kanina nagpadala ng breakfast sa bahay at kinausap pa ang Tatay ko. Nagpaalam na liligawan daw niya ako," kuwento pa niya.

Inaasahan niyang magre-react agad ang mga ito. Ngunit walang nagsalita kahit isa sa mga ito. Bagkus ay nagtinginan lang ang mga ito.

"Hoy! Ano ba?" untag niya sa mga ito.

Napatingin siya kay Marisse nang itaas nito ang dalawang kamay sa ere at pumikit. 

"Hallelujah!"

Nagulat siya ng biglang magtawanan ang mga ito ng malakas. Saka sabay-sabay na umalingawngaw ang tuksuhan sa buong coffee shop.

"Ayieeeee!" 

"Naks! Sabi ko na nga ba eh," ani Jhanine.

"Kayo ang buhay na patotoo sa linyang 'The more you hate, the more you love," dagdag naman ni Razz.

"Buhay na patotoo? Tunog santo lang, te?" natatawang wika ni Laiza. Pagkatapos ay nag-apir pa ang dalawa.

"Ano ba? Tumahimik nga kayo! Nakakahiya sa mga tao, pinagtitinginan tayo!" saway niya sa mga ito.

Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel MenesesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon