CHAPTER TWO

7.4K 157 2
                                    

"HELLO! 'Nay, si Mojacko po ba dumaan dyan?" tanong agad niya pagsagot nito ng kanyang tawag. Ang tinutukoy ni Kim ay ang service niyang Trycicle Driver. Araw kasi iyon ng grocery niya para sa mga paninda sa tindahan niya. Ang usapan nila ay susunduin siya nito, ngunit kalahating oras na siyang nakatayo sa harap ng malaking grocery store na iyon, ngunit hindi pa ito dumarating. Kaya Mojacko ang tawag niya dito ay dahil may katabaan ito, nagkataon na uso ang cartoon character na Mojacko noon nang makilala niya ito.

"Naku eh, ikaw na bata ka! May pangalan naman 'yung tao eh. Oo, hindi ka daw niya madadaanan diyan dahil may importanteng lakad daw siya. Wala naman daw siyang load kaya hindi ka niya ma-text." Paliwanag ng Nanay niya.

"Pengkum talaga 'yon, kapag nakita n'yo 'yun pakisabi itapon na n'ya cellphone niya," asar na wika niya.

"Tumahimik ka na nga diyan, Kimberly. Sa ibang trycicle ka na lang sumakay," anang Nanay niya.

"Hmp! Tatagain lang ako ng mga ito sa pamasahe," reklamo pa niya.

"Eh kesa maglakad ka na bitbit ang sangkaterbang groceries?"

"Sige na nga po," pagpayag niya.

Nang matapos ang usapa nilang mag-ina. Nag-abang na siya agad ng trycicle. Ngunit hindi pa nagtatagal, ay may pumaradang isang itim at magarang sasakyan sa harapan niya. Agad na bumilis ang pintig ng puso niya nang bumaba ang bintana ng kotse na iyon at sumilip ang driver.

"Hey, pauwi ka na ba?" tanong ni Mark sa kanya.

"H-ha? Ah, Oo," kandautal na sagot niya.

"Tara, sabay na kita."

"Ay, hindi na!" mabilis na tanggi niya. "Hinihintay ko si Mojacko." Sagot niya.

"Wala si Moja-moja, nakita ko kaninang umalis." 

Nawalan siya ng kibo. Saka mabilis na pinagana niya ang utak niya sa mga posibleng irason niya para hindi siya sumabay dito. Sinabi na niya noong nakaraan gabi na iiwasan niya ito, dahil masyado na nitong pinapagulo ang takbo ng isip niya.

"Ah, eh... Ano...ah..."

"Huwag ka nang mag-protesta pa, sumabay ka na sa akin. Pauwi na rin naman ako eh." 

Hindi na siya nakakibo pa ng bumaba ito sa kotse nito at lapitan siya. Nahigit niya ang hininga ng lumapit ito ng husto sa kanya. Kasabay ng pagsalakay ng mabangong amoy nito sa ilong niya. Lalo lang umarangkada ang tibok ng puso niya ng titigan siya nito ng malapitan. Kitang kita niya kung gaano kaganda ang mga mata nito. He has hazel brown eyes, and it's like digging deeper into her heart. Bahagya napaatras ng lalo nitong ilapit ang mukha sa kanya.

"Ang ganda mo talaga," sabi pa nito sabay ngisi.

"Ano?" salubong ang kilay na tanong niya. Para kasi siyang nabingi sa sinabi nito.

"Ayaw mong maniwala?" tanong din nito.

"Aba't...ikaw—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Pakiramdam ni Kim ay parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng kaba niya.

"Let's go!" biglang sabi nito. Sabay kuha ng mga plastic bag sa dalawang kamay niya.

Hanggang sa maisakay na nito ang iba pang pinamili niya sa loob ng compartment ng kotse nito, ay nanatili pa rin siyang nakatayo at tila namantanda sa kinatatayuan niya.

Car Wash Boys Series 10: Mark Manuel MenesesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon